Chapter 1

36 1 0
                                    

AM POV

"Ano nanaman ba tong ginawa mo AM ?! WALA KA NA BANG NATITIRANG KAUNTING RESPETO SA SARILI MO AT SA PAMILYA NA ITO ?!" sigaw ng isang lalaking nakatayo sa harapan ko , nakasuot ng mamahaling suit and tie at may hawak na walis tambo , siya si Harry Monteverde ang aking dakilang Ama

"Dad naman ! Ano bang ginawa kong mali ?" Patay malisya na Tanong ko sa tatay ko , at akmang ipapalo sa akin yung hawak niya pero mabilis kong hinarang yung mga kamay ko

"Tinatanong mo pa yan ha ?! Ikaw talagang bata ka ! Sinong matinong babae ang papasok nalang basta basta sa isang mahalagang meeting na naka inom ha ?!" Sigaw niya , agad naman akong napatakip sa tainga ko , ano ba yan ! Baka sa susunod na araw hindi na ako makarinig , eh halos araw araw ganito ang nangyayari sakin eh kung hindi ang tatay ko ang sisigaw eh nanay ko naman minsan silang dalawa pa jusko po !

"Eh dad sabi ko nga diba na nagkamali lang ng pinasukan ! Move on na ! Tapos na nangyari na ! Tsaka hindi naman naka apekto sa meeting niyo yun diba ? Nakatulong pa nga eh ahahahaha" Tumayo na ako sa pagkakaupo ko at mabilis na tumakbo papunta sa napakalaki at napakahabang hagdanan papunta sa pangalawang palapag ng bahay namin

"Am ! bumalik ka dito!" Sigaw niya pero hindi ko siya nilingon , bahala siya diyan hindi niya narin naman ako mahahabol dahil matanda na siya may kahinaan na ang mga tuhod

Ako nga pala si Am Monteverde (AM--Eyem) 20 yrs. Old
College graduate ng Business Ad , pero dahil fresh graduate palang ako at sa tamad pa akong magtrabaho ay patambay tambay na muna ako sarap ng buhay !

Pumasok na ako sa kwarto ko at nahiga
Tinignan ko ang orasan ko at alas otso palang pala ng gabi , kinuha ko yung phone ko at dinial yung number ng magaling kong kaibigan

"Hoy AM ! Walang hiya ka ! Nadamay pa ako diyan sa kalokohan mo ! Kung gusto mong makita si sk---"

"Manahimik ka nga , Huwag kang sumigaw ! Alam mo bang ang sakit na ng tenga ko kakarinig ng mga sigaw na yan ! , nakakapagtaka nga eh baka ikaw ang anak nila at hindi ako"

"Che ! Oh ano nanamang kailangan mo at napatawag ka ? "

"May event mamaya sa RU , sama ka ?"

"Am !" Inilayo ko yung tenga ko sa phone ko , bwisit talaga tong babaeng to sabing huwag ng sumigaw eh

"Gaga ka talaga ! Sabing huwag sumigaw diba ? Ano sasama ka ba o hindi ? Dali sagot !"

"Oo na sasama na ako ! Kita nalang mamaya kina Klent 10:00 bye !" Sabi niya sabay end nung call , bastos talaga yun !

✅✅✅✅✅✅

10:00 ang sabi niya pero 10:30 wala pa siya , napaka tanga talaga nun sa oras parang hindi tinuruan nung elementary kung pano tumingin ng oras eh

"Pupunta ba yun o hindi ?" Tanong ni klent habang kumakain ng dinala kong Stick-O , yan lang afford ko , sampung piraso nga lang eh
yan nalang kasi natira sa 50 pesos na pera ko , yung mga Magulang ko kasi eh pina cut yung allowance ko dahil sa mga kalokohan ko
Sa dami ng pera nila 50 pesos everyday lang ang budget ko , 20 yrs. Old na ako kailangan daw buhayin ko na yung sarili ko tsk.

"Pupunta yun , maghintay lang tayo ng kaunti , alam mo naman yun diba ? Tatanga tanga sa oras" sabi ko habang nilalaro yung CoC sa CP ko
Kung tatanungin niyo kung anong level na ako pwes 56 palang TH 7 huwag ka ! Sa TH 7 nagtatagal lahat ng magagaling it means magaling din ako

Habang busy akong umaatake sa base ng kalaban na napakaraming loots ay may pumasok na babaeng nakasuot ng fitted jeans , white shirt , leather jacket at black boots

Black TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon