Opinions, Tips & Advices (Tagalog)

465 8 2
                                    

Hi! A silent reader here. I know most of the authors wanna know how and what the readers think about their stories. So here is my OWN opinion. TIPS nadin! Most might not agree with me but I don't care at all. Haha! This is for the authors(Filipino authors actually, because this is written in Filipino/Tagalog).

I made this because I've been a long time reader here in Wattpad and I notice a lot of things in stories that I read.

SA MGA AUTHORS NA MAOOFFEND DITO, I'M SORRY BUT I AM JUST STATING MY OPINION.

P.S. Mahaba po ito at medyo nakakatamad basahin so it's up to you if you still want to continue or not. At siya nga pala, kung may MALI man sa mga sasabihin ko, feel free to correct me. Like GRAMMATICAL/TYPOGRAPHICAL errors, WORDS and the such. Thank you!

* * * * * * * *

1. TITLE

I know most of the people are gonna say, "don't judge the book by it's cover" or whatsoever. But admit it or not, you judge the cover. Especially the title. If the title's not so eyecatching and the characters aren't your type, you're not gonna read it. So for the authors.. Make sure that your title is NOT too common. Kapag alam niyong marami nang may ganung title, wag na yun ang gawin niyong title ng story niyo. Pero kung sa tingin niyo yun talaga ang nababagay na title ng story niyo, then go :) siguro naman maganda ang kalalabasan.

2. SCENES

Haaay. Dito talaga nakakairita na minsan. Kasi napaka CLICHE na ng nangyayari. Magkakabanggaan yung bidang guy at bidang girl sa una tapos ano? Ayun! Sila pala ang magkakatuluyan. Nakakatamad nang ituloy yung mga ganung stories. Sobrang COMMON na ng ganung scene eh. It's too mainstream! Mag-isip naman po kayo ng makapagbibigay sa readers ng THRILL. Yun bang may TWIST naman. Tapos papa-VOTE kayo sa readers? Make sure naman po na WORTH yung pagvote sa chapter/story na yun.

3. NARRATIONS/POVs

Sa mga nagnanarate naman ng kwento, o yung POV ng character, wag niyo naman isingit yung sarili niyo(authors). Hindi niyo ba alam na nagmumukhang hindi makatotohanan yung story kapag sinasabi nung character's POV na "si author naman kasi eh!" Tapos sisingit pa yung author na "aba't sinisi pa ako! Manahimik ka na lang dyan! Ako gumawa sayo eh." Alam niyo yun?! Parang ewan lang.

4. GRAMMAR

Eto pa. Kung mag-eenglish narin lang kayo sainyong storya, sana naman hindi puros wrong grammar. Wag niyo idahilan ang typo dahil ibang iba ang TYPOGRAPHICAL ERROR sa GRAMMATICAL ERROR. Lalo na yung mga sentence na may DOUBLE NEGATIVE like "I can't wait no more." CAN'T and NO are TWO NEGATIVE words. At sa batas ng grammar, mali yon. Sabihin niyo nang maarte ako pero hindi kasi magandang pakinggan at basahin. So instead na ganyan, you should say "I CAN wait no more" or "I can't wait ANYMORE" at pati nga pala yung YOUR sa YOU'RE, THEY'RE sa THEIR at THERE, WERE sa WAS tapos yung HE'S sa HIS at madami pang iba. Alalahanin niyo rin ang PLURAL at SINGULAR. Please pakiayos naman po. Kung alam niyo naman sa sarili niyo na di kayo masyadong magaling mag english, eh wag niyo na pong ituloy. Tagalugin niyo na. Mas okay pa.

5. WORDS

Parang pareho lang to ng sa GRAMMAR. Pero dito, let's say tama ang grammar mo. Ngayon, ang mali naman sayo ay yung salitang ginamit mo. Katulad ng BARE sa BEAR. Oo, may bear na ANIMAL, at may bear din na WORD. Wag tayong maglokohan. May mga ibang nagsasabi ng "BARE with me guys" mali po yan, ang tama po eh "BEAR with me guys" okay? Meron pa eh. Marami pa to eh, nakalimutan ko lang yung iba. Sa dami na ng nababasa ko dito sa Wattpad eh eto na lang yung natandaan ko. Ulyanin mode. Lol.

6. SPACE

Eto naman napansin ko na din matagal na. Naiinis ako kapag yung story ay sobrang LAKI ng agwat ng mga words/sentences! Anak ng pitompu't pitong puting tupa yan. Pampahaba ng story, SPACE?! Wow! Amazing! *insert sarcasm* nakaka turn off para sakin yung ganun. Kung wala ka nang maisip na ilagay, edi okay na yun! Hindi yung pahahabain mo nga, pero humaba lang naman dahil sa space. Lokohan?!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Opinions, Tips & Advice in Writing (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon