Kina-umagahan ay pumasok muli ako sa school. Binati ako kaagad ni Evageline pagka-pasok ko pa lang sa room.
"Good morning din!" I said.
"Good morning Serephina. Hinatid mo raw kahapon si Evangeline? Totoo ba yun?" Tanong ng isang kaklase ko.
"Yes, we walked home together, kahapon." I said.
"Gusto mo sabay-sabay tayong umuwi? Mas masaya yun kapag maraming kasama sa pag-lalakad." Nicole, my classmate said.
"Uh I'll think about it."
"Bakit niyo pa kasiyan inaaya? Sa umpisa lang yan. Halata namang ayaw maki-sabay sa atin eh. Tara na upo na tayo." Jasmin, one of our classmates said.
Gusto ko sanang mag-salita but I need to maintain my image para hindi na ako pabalikin nila mommy at daddy dito. I just want to go home to Manila.
"That's all, class dismiss." Our class finish saktong-sakto lang para makapag-lunch na kami.Nilabas ko ang lunch box ko and saw the delicious foods that nanay Gemma cooked. It's Bicol express! I need to eat this quickly since madali itong mapanis.
I was about to take a bite when Evangeline came to me. "Serena, pwede ba kaming tumabi sa'yo? Gusto ka rin kasi nilang maging ka-close. Please tabi tayong kumain."
I turned my head and saw them holding their lunch box. Ayoko sana but oh well, baka may masabi na naman sila."Sure tabi tayo." I said na lang.
Sabay-sabay kaming kumain. "Serena ano pa lang ulam mo? Gusto mo tikman sa akin? Tortang talong dala ko." One of my classmates asked me. Well I'm saliva conscious. Besides, mamaya sumakit tiyan ko.
"Oh mine's Bicol express. My nanay Gemma made it. And thank you for the offer but it's fine. Ayos na ako."
I saw how Jasmin looked at me. Well I don't care kung ano na namang pag-uusapan nila. Kailangan ko na lang mag-tiis hanggang sa maka-alis na ako dito.
Class ended for the day. Hapon na at palabas na ako ng room nang tawagin ako ni Evangeline.
"Serena, tayo pa rin kasi ang cleaners ngayon kaya di ka pa pwedeng umuwi. Pasensya na. Bilisan na lang natin mag-linis."
"Hindi ba iba-ibang groups per day?" I curiously asked.
"Buong linggo kasi tayo. Pag-natapos natin ang linggo na 'to susunod na grupo na." Sagot niya. Kaya binilisan naming mag-linis para maaga rin kaming maka-uwi. I offered to accompany her to her home again but she refused. Sinundo siya ng father niya. When I was about to go in our van ay nakita ko muli si Ysaiah. Nasa may tabi sa ng street food venfor, hanging out with bunch of students. Nilingon ko siya saglit at pumasok sa loob.
I saw him follow our car, but dahil medyo mabilis ang patakbo ng van ay unti-unti rin siyang nawala sa likod. Days passed by and ganon pa rin ang routine niya, but he is not present every day though. I wonder saan kaya siya kapag wala siya sa school?
A month passed by and May na! Malapit na ang moving-up namin. I'll be officially a junior high graduate sa 29. And since junior high graduate naman na ako with high honors, I'm sure sa Manila na ako magtutuloy ng senior high much better nga kung sa abroad na eh. But since I'm still sixteen, gusto ni daddy na dito siguro muna ako sa Philippines.
Katatapos lang graduation photoshoot namin at pauwi na ako. Nilingon ko ang madalas na parte ng kalye kung saan madalas maghintay si Ysaiah, but to my dismay, he's not not here again. So I went inside our van quickly na lang. Bakit ba ako nalulungkot?
Papasok na ako sa bahay ng sinalubong ako ni mommy! Mommy's here! Niyakap niya ako pagkatapos ay lumabas din si daddy. The three of us hugged each other for a while. Halos maluha ako.
YOU ARE READING
Shelter from the Burning Shore (Puerto Gallato Series I)
RomanceSerephina Grace Alvarez is the embodiment of "Iwant it, I got." From luxurious things to fancy parties, name it all, because she can and she will get it all. There was never a time when it is not said to her that their situation will not always be e...