Habang naglalakad ako palayo, ramdam ko ang mga tingin ng mga tao sa paligid. Parang ang bigat ng dibdib ko, pero ayaw kong ipakita na naapektuhan ako sa sinabi ni Jarren. Ang mga boses ni Kaisha at Rainah ay naririnig ko pa sa likuran ko, pero hindi ko na sila pinansin.Gosh bakit parang nakokonsensya ako sa sinabi ko kanina!
“Wait, Sofia!” sigaw ni Rainah, at naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko. Napahinto ako at humarap sa kanila.
“Anong gusto niyo?” tanong ko, medyo inis na.
“Bakit ka nagagalit? Ang saya-saya natin dito!” sabi ni Kaisha, na may halong pag-aalala. “Tama na ang drama, girl!”
“Drama? Hindi ako nagda-drama! Ayaw ko lang sa kanya!Lage niya akong iniinis! Napaka yabang at mapag mataas dahil lang mayaman siya” sagot ko
“Alam mo, Sofia, minsan ang mga tao na akala mo ay ‘gago’ ay may ibang side na hindi mo nakikita,” sabi ni Rainah. “Baka may dahilan kung bakit siya ganun.”napa isip ako bigla sa sinabi ni rainah
“Baka nga, pero hindi ko siya gusto!” matigas kong sagot. Pero habang sinasabi ko ito, naaalala ko ang ngiti niya at ang paraan ng pagtingin niya sa akin.
“Come on, let’s go home nalang!” sabi ni Kaisha
Hinatid nila ako pauwi at sa pagdating ko sa bahay naabotan ko si mommy na kumakain sa kusina
"Mommy, si Hayden?"sabay lapit ko sakanya at nag mano
"Tulog na, kakadating kolang din.
Kumain ka naba?"bakas sa mukha ni mommy ang pagod sa trabaho naawa tuloy ako sakanya"Kumain napo ako mommy kasam sina rainah at kaisha" tumango eto habang umupo naman ako sa tabing upuan sa mesa
" Si daddy pala, kumusta na?"tanong ko kay mommy it's been years nadin kasi noong nag ibang bansa siya para samin andei heard from mommy na nag tayo ito ng business doon. Nagpapadala rin si daddy samin every month pero hindi gaano kalaki kaya nga kailangan parin ni mommy na magtrabaho as waitress sa isang restaurant.
"Magpapadala nadaw siya ulit next week nagka usap kami"tumango ako
"Yung business niya, kumusta naman daw?"muli kung tanong
"Hindi pa stable anak"nakikita ko naman na nagsisikap talaga si daddy para samin at hindi niya sinusukoan ang business na itinayo niya para sa amin.
"Matulog kana, aakyat nadin ako pagkatapos kung kumain" tumango ako at pumunta na sa kwarto ko. Humilata ako sa kama at napatingin sa kisame. I want to help them pero diko alam kung paano? Hanap kaya ako ng trabaho bukas? Kahit tagalinis lang ng bahay ayos na sakin iyon.
YOU ARE READING
In The Name Of Love
FanfictionAshley Sofia Smith and Jarren Jake Garcia ay magkaibang ang mundong kinalakihan. Si Ashley ay isang masipag na estudyante na nag-aaral ng mabuti para makamit ang kanyang mga pangarap, habang si Jake naman ay isang sikat na singer sa banda ng kanilan...