Nicolaine's daydream
~Naglilinis ako nang motor tapos nag-iipon ako ng tubig, nagtataka ako dahil patuloy ang pag-agos ng tubig sa paligid ko.nawili ako sa paglinis ng kasuluk-sulukan ng motor at nakalimutan kong meron nga pala akong iniipong tubig, kaya naman pagsilip ko aba'y bahang-baha na sa labas, dali-dali akong tumakbo para patayin ang gripo..
(ay potchak! nag-iipon nga pala ako ng tubig panglinis ko nang motor kainis.)
isinalin kona ang tubig sa dalawang timba para makapag-ipon ulit ng tubig.
dahil sa nangyari binantayan ko na ang pagi-ipon ng tubig hanggang sa nagulat ako dahil may dumating isang babae at ibinuhos sa akin ang isang timba ng tubig at saka naman nya ako hinarot.
kung harutin nya ako parang magkakilalang-kilala kami, uhm sa pagkakatanda ko yung suot nya ay, naka pants sya na pantulog at naka sandong puti, matangkad sakin ng konti maputi sya... ang buhok nya naman ay naka-ipit pero magulo yun bang parang kakagising lang tapos,
may dumating pa nga na isang babaeng masungit, pinapagalitan kami dahil nagsasayang raw kami ng tubig sobrang sungit nya, may binanggit syang pangalan na naging dahilan ng pagtigil namin sa paghaharutan.
naramdamam kong may tumatapik sakin ng malakas.. dumilat ako at nagsalita nang
"hoy masakit kamo pagkakatapik mo sakin, ano bang kaila----!"
naputol ang sasabihin ko dahil napansin kong nasa higaan pa pala ako?
~tawang-tawa na nakatitig sakin si archie, dahil raw sa mga pinagbabanggit kong salita habang ako ay tulog.
(ibig sabihin panaginip lang yon? potchak!)
(bulong ko sa sarili sabay kamot sa ulo kahit 'di naman makati.)
archie: nicolaine, ano na naman ba yung sinasabi mo sa panaginip mo ha? bakit Panay ka sigaw ng potchak dyan.
nagising tuloy ako dahil sayo e tara na almusal na muna tayo may kliyente tayong darating mamayang 11:00am.
YOU ARE READING
the girl in my dreams
Short Story~ hmm naiisip kita mula umaga, hanggang sa magdamag ikaw ang gumigising sakin kahit 'di naman tayo magkasama..~ (panaginip lang pala)