"Wag ka nga umiyak!" Sigaw ng isang batang babae.
Nagsisimula nang lumubog ang araw. Sa tabi ng kalye, may nakaupong tatlong bata, nakaharap sa isa't isa. Sa tabi nila ay tatlong bisikletang nakatumba sa semento.
"Ang yabang yabang mo kasi eh," sermon ng babae. "Hay nako, Kiko. May drift drift ka pang nalalaman."
Patuloy ang pag iyak ni Kiko. Nanginginig ang kanyang kanang binti, hindi maintindihan kung anong gagawin sa malaking sugat sa tuhod.
"Bakit parang galit na galit ka, Nica?" Tumawa yung pangatlong bata.
"Jomar," mahinahong sinabi ni Nica. "Hindi ako galit. Paano kasi, lagot tayo kay Tita Maya, may nangyari nanaman sa anak niya."
Hinipan ni Nica ang sugat. Namangha si Kiko sa ganda ng babae; kapansin-pansin ang kanyang itim na buhok at nakakaakit na mga mata. Apo si Nica ng isang mayamang negosyante na Hapon, at natutuwa ang kanyang mga kaibigan sa tuwing sinasabi niya na siya'y "wam port Japan" noong siya'y bata pa. Sa bahay, napapaligiran siya ng lahat ng mga mamahaling laruan, manika, at bahay-bahayan. Ngunit mas masaya pa rin siya sa piling ng mga kaibigan niya.
"Uy, gabi na," sabi ni Nica kay Jomar. "Ihatid muna natin si Kiko pauwi."
Tumingin si Kiko kay Jomar. Pareho lang sila ng edad, pero mas matangkat ng isang dangkal si Jomar kaysa sa kanya. Ang tatay ni Jomar ay isang mahusay na basketball player, at namana ng anak ang pagiging atleta ng ama. Isa pa, marami ding mga matatanda na nagsasabi na may itsura si Jomar.
"Ang laki nga ng sugat," pahayag ni Jomar. "Hala ka, Kiko, sabi ng nanay ko pag malaki 'yung sugat, lalabas 'yung kinain mo dun!"
BINABASA MO ANG
King Of The Friendzone
Teen FictionSi Kiko ay may sariling mundo. Wala siyang inatupag kundi ang kanyang motor at ang kanyang mga nobela. Si Natsumi, tuwang tuwa sa balitang nakapasa siya sa UPCAT. Ngunit hindi niya inaasahan ang mga pagsubok na haharapin niya sa kanyang unibersidad...