Pugot na Ulo!

21 4 0
                                    

Si Felix ay isang taxi driver, byudo at walang anak. Mag-isa lang sya sa buhay. Mag-isang kamakayod para mabuhay. Matanda na si Felix.

Isang gabi

Gabing-gabi na at ngayon pa makakauwi si mang Felix dahil marami-rami rin ang naging pasahero nya sa araw na ito.

*eeeeeekkk!!*

Biglang inapakan ni mang Felix ang break nang biglang may bumagsak sa daan.

Dahan-dahan syang bumaba ng taxi at tiningnan kung ano yun.

Niyog?- tanong niya sa kanyang isip.

Paano nagkaroon ng niyog dito?

Malawak ang daan, walang puno kaya bakit nagkaroon ng niyog?

Pinulot nya ito at-----

"Ahhhhhh!!!!!" Dali-dali syang pumasok sa taxi at hinihimas ang kanyang dibdib.

"Ahhhhhhh!!!!" Muli syang napasigaw ng bumagsak ang pugot na ulo sa harap ng kanyang taxi. Pugot na ulo na may mapupula at nananaliksik ang kanyang mga mata. Tahi ang mga labi at naliligo ng dugo ang kanyang buong mukha.

Dali-dali nyang pinaandar ang kanyang taxi papuntang presinto nang maisip nyang hindi sya paniniwalaan ng mga pulis. Umiwi sya sa apartment na kanyang inuupahan. Pagkarating na pagkarating doon ay kumuha sya ng beer sa refrigerator at ininom. Iniisip nya baka guni-guni nya lang yun, na baka dala lang yung ng kanya pagod.

*tok *tok *tok*.

Napaigtad sya nang makarinug sya ng katok sa gitna ng kanyang pagmumuni-muni.

*tok *tok *tok*

Lumakas at patuloy ang pagkatok sa pinto..

Nagsimula syang kabahan. At kinuha ang baseball bat malapit sa pinto bago ito binuksan.

Nanginginig syang inabot ang siradura. Nagulat sya nang wala syang makita na kung sino sa labas ng apartment.

Pagsarado at saktong paglingon nya ay nakita nya ang pugot na ulo na nakita nya sa daan kani-kanina lang.

"Aaahh! Sino ka ?! Anong kailangan mo sa akin?! Bakit mo ako sinusundan?!" Natatakot nyang sigaw at inangat ang bat na hawak nya.

"Sandali...." nabitin ang kanyang kamay na may hawak na baseball bat sa ere.

"Andito ako para humingi ng tulong." Naguguluhan sya. Saan galing ang boses kung ang mga labi nito ay nakatahi.

"Sino ka? Anong kailangan mo?" Nangangatog nyang tanong.

"Ako si Henry Cordero."

Henry Cordero? Isang mayaman na hasyendero? Totoo pala ang balita.. -sabi nya sa kanyang sarili.

"Anong kailangan ko? Ikaw ang kailangan ko.."

"A-ako?"

"Oo, ikaw. Kailangan ko ang tulong mo." Huminto sya saglit sa pagsasalita at----

"Kailangan mo akong tulungang patayin ang asawa ko at ang kabit nya." Sabi nito.

"Ang asawa ko at ang matalik kong kaibigan. Sila ang may gawa sa akin nito. Sila ang pumatay sa akin. Nakita ko sila sa loob ng bahay ko sa mismong kwarto namin sa ganitong araw at oras--- nakita ko silang nagtatalik. Mga hayop sila. Binugbog ko si Hernan ang kaibigan ko pero nakuha pala ng asawa ko ang baril ko at pinalo sa ulo ko. Nahimatay ako, at pagkagising ko nakatahi na ang bibig ko. Hindi pa sila nakuntento, naghalikan sila sa harap ko at nagtawanan bago pinugot ang ulo ko at itinapon sa lugar kung saan mo ako nakita kanina." Galit nyang pahayag. Damang-dama ang poot sa kanyang boses. Damang-dama ang determinasyon na gusto nyang patayin ang mga taong nagtaksil sa kanya.

"Mabait ako pero ginago nila ako. Nagpatulong ako sa mga lamang lupa doon sa lugar na yun. Pero kulang ang kanilang kakayahan na buhayin ako kaya ang ulo ko lang ang nabuhay nila. Sapat na rin ito."

Napatanga siya. Mabait? Pero bakut bumalik pa ito para maghiganti.

"Tutulungan mo ba ako?"

Gustuhin man ng matanda na tumanggu pero tila nahihipostimo sya sa mga mata nito. At kusang napatango ang kanyang ulo.

"Halika. Puntahan natin sa bahay."

Tila wala sa kanyang wisyo na naglalakad ang matanda at sumunod sa lumulundag-lundag na pugot na ulo.

Cordero's House

Sa bahay ng pugot na ulo na nagngangalang Henry Cordero. Kung saan naganap ang naturang krimen.

"Sa ikalawang palapag ng bahay. Andun ang mga taksil." Mararamdaman mo ang pait, sakit at galit nang marinig mo ang boses ni Henry.

Pumunta sa taas si Felix.

"Alam mo bang nakukunsensy ako sa ginawa natin kay Henry."

"Shhh! Wag kang mag-alala matagal na yun. Kalimutan na natin yun."

"Pero---"

Natahimik ang mga taong nag-uusap sa loob.

Binuksan ng dahan-dahan ni Felix ang pinto.

Nakita nyang naghahalikan ang asawa ni Henry na si Beth at ang kaibigan nitong si Hernan.

"Hilahin mo si Hernan."

Hinila naman ni Felix si Hernan.

Nagulat ang lalaki.

"Sino ka?! Bakit ka nakapasok sa pamamahay ko!?"

"Ang kapal ng mukha mong angkinin ang bahay ko! Una yung asawa ko ngayon ang bahay ko na naman. Aba!! Sumusubra kana! Aangkinin mo lahat ng meron ako! Ahas ka ahas!!" Sinunggaban ng pugot na ulo si Hernan at pinagkakagat ang leeg nito. Habang si Beth naman ay hindi makapagsalita dahil sa takot at gulat. Para siyang binuhusan ng isang galong suka sa kanyang pagkaputla.

Sa kabilang dako. Nabalik sa wisyo si Felix at dali-daling umalis sa bahay.

"Saan ka pupunta?!" Napatalon sya paatras nang makita nya ang pugot na ulo sa kanyang harapan.

"Uuwi na ako nakaganti ka na."

"Hindi pa ako tapos. Buhay pa si Beth at ikaw ang gaganti para sa akin."

"Ayoko. Kaya mo na yan."
Humigpit ang hawak ni Felix sa bat na hawak nya.

"Tutulungan mo ako!! Sa ----"

Tumalsik ang ulo sa kung saan dahil paghampas nya dito.

Dali-dali syang sumakay sa kanyang taxi at mabilis na pinatakbo papuntang presinto.

*booogsh!!*

Bumagsak ang pugot na ulo sa harap ng kanyang taxi. Dahil sa gulat nawalan sya ng kontrol at malakas na bumangga sa puno ang kanyang kotse. Tumalsik ang ulo papunta sa basurahan.

Iyong pagkabangga ng kotse ni mang Felix sa puno ay ang dahilan ng kanyang pagkamatay. Si Beth naman ay kasalukuyang namamalagi sa mental dahil nawala ito sa wisyo dahil sa pangyayari.

At ang naturang pugot na ulo at ang kaluluwa ng mapaghiganteng si Henry Cordero ay tuluyan ng nananahimik.

------->>> The End!

Another Horror story coming up next :).

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Series Of Horror Stories!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon