LETS START AGAIN
Chapter 2
By HANS ELL
Lioh's POV:
Habang nililinis ko ang isang table at nakitang kong lumabas si sir Klyeon. Agad ko siyang nilapitan para magpaalam na huwag na akong ihatid sa bahay dahil may date kami mamaya ni Alexander at ihahatid naman niya ako mamaya pauwi. Nai-chat kasi ako kanina ni Alex na free daw siya mamayang gabi. Lagi kasi akong hinahatid ni sir Klyeon pauwi kasi daw nadadaanan niya rin naman daw yung street kung saan ako nakatira. Wala rin naman akong magagawa dahil libre narin ang pamasahe.
"Uhm sir Klee." pagtawag ko kay sir Klyeon. And yeah tinatawag ko siyang Klee kasi sabi niya ok lang daw.
"What?!" ang sunget talaga. Pinag lihi siguro to sa sama ng loob.
"Hindi po ako sasabay sa inyo mamaya pag-uwi." sabi ko "Gagala daw po kasi kami ni Enzo mamaya sa mall, and ihahatid nya na daw ako pauwi" ok i lied. So what?
"Ihahatid na kita papunta sa mall." ayoko sirrrrrr.
"Ay sir wag na po. Susunduin naman daw po ako ni Enzo sa bahay, magpapalit papo kasi ako." please maniwala ka sa kasinungalingan ko sir.
"Alright, ihahatid nalang kita sa bahay mo." and with that pumunta na sya sa stockroom. Hays... buti nalang naniwala ang mokong.
Simula talaga nung sinagip ako ni sir Klyeon doon sa mga magnanakaw at binigyan ako ng trabaho ng walang bayad pero hatid sundo from bahay to school to cafe at binabayaran mga expenses ko, he's acting so possessive na kala mo pagmamay-ari niya ang buong pagkatao ko. Gaya kanina kay Alex. Kaya nag sinungaling ako na si Enzo kasama ko eh.
Ok back to reality. Kanina kopa ka chat si Alexander, asking him details kung saan kami pupunta at kung ano ano pa. And guess what? Secret daw. Pathetic. But sweet. Too sweet… and cliche.
°~•=|=•~°
So ang naging usapan namin ni Alex ay six thirty pm, so five fifty five sinabi ko kay sir... I mean kay Klyeon ay ihatid nako sa bahay. Actually di naman na ako kailangang ihatid sundo ni Klyeon kasi nahuli na yung dalawang holduper. Napag-alam ko na malapit lang pala sa bahay ko yung hideout nila at matagal na nila akong pinagmamanmanan. Kaso si Klyeon talaga napaka kulit, sabi ko dina ako kailangan ihatid sundo pero ginagawa parin niya. Ok back to reality. Nadatnan ko si Eli na nag pupunas ng counter, tinawag ko siya para magpaalam.
"Eli. Alis nako ah, inaantay na kasi ako ni sir Klyeon."
Tinignan niya'ko bago siya nag salita "Somethings fishy between you and sir Klyeon... may something kayo noh!"
Anak nang tokwa! "Shhh! Tukmol! Wala noh... saka may date ako with someone tonight. Hinahatid sundo lang ako ni sir kase... wait. I don't need to explain this to you asshole! Byeee! See you next week!" aish~ buti nalang natakasan ko si Elliot.
Habang naglalakad ako palapit sa kotse ni Klyeon ay napansin kong nakatitig siya saakin. Those sky blue eyes are piercing right through my eyes... and... and I have this feeling in my stomach... my heart is beating fast... and my knees feels weak... di ako makalakad.
Klyeon what are you doing to me...
"Klee... tara na." sabi ko sa kanya. Ngumiti siya at lumabas ng kotse "If you're planning on opening he door for me... wag na. Kaya ko na ang sarili ko." and with that bumalik siya sa drivers seat.
°~•=|=•~°
Habang nagmamaneho si Klyeon sa highway ay tumunog ang phone ko. I got a message from Alexander.
BINABASA MO ANG
Lets Start Again
RomanceNakikita ko ang nakaraan, ngunit ang nakaraan ko lamang ang aking nakikita kasama ang aking pinakamamahal na si Alliah. Ngunit sa kasalukuyang panahon, nagbago na siya. Hindi na siya ang babaeng aking nakilala mula sa aming mga nakaraang buhay. Dahi...