Uno.
Naglalakad na ako pauwi nang makasalubong ko si 'Nay Pasing na may bitbit na basket na ang laman ay shanghai. Araw-araw siyang umiikot dito sa lugar namin para magbenta. Nginitian ko siya at nginitian niya din naman ako pabalik. Napansin ko na sa gawi ko siya naglalakad kaya sinalubong ko siya.
"Neng! Sino ga iyong mayaman na nasa inyo? Aba'y bigatin! Ang ganda ng kotse!" manghang-mangha niyang sabi kaya naman nagtaka ako at napaisip. Magandang kotse? Ni kailanman ay hindi kami nagkaroon ng bisita na may magandang kotse. Usually kasi ang bumibisita lang naman sa amin ay mga magsasaka sa palayan namin at tractor ang minamaneho.
Nagtataka ako sa sinabi ni Nay Pasing pero tumango nalang ako. "Talaga ho? Baka naman po nakiparada lang ng kotse sa tapat namin. Pabili nalang po ako ng tatlong piraso," ani ko sabay labas ng treta pesos mula sa bulsa ko para naman magkaroon siya ng benta ngayong araw.
"Ay sige nga, salamat neng at bumili ka! buena mano talaga kita palagi!" nakangiting sambit niya kaya napangiti ako pabalik. "Wala 'yon, Nay. Masarap kasi lumpia mo po kaya ako lagi bumibili. Ingat ho kayo sa pagbebenta. Uuna na po ako!"
Sa kabila ng nabalitaan ko ay kalmado akong naglakad pauwi. Baka naman bisita nila Inay?
Nasa kalayuan palang ako ay tanaw ko na ang puti na kotse na nakaparada sa tapat ng bahay namin. Range Rover ang brand ng sasakyan. Aba mukhang mayaman nga ang may-ari. Halos matabunan nito ang harapan ng bahay namin! Sino naman kaya ang may-ari niyan?
Nang makalapit ako sa kotse ay pinagmasdan ko ito. Napunta ako sa likurang bahagi dahil nakita ko na may nakadikit na sticker sa likod. Napatigil ako ng bahagya nang makita ko ang nakadikit doon. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko ang sticker na nakadikit sa likuran na bintana nito.
YANG FAMILY
at isa lang ang may apelyidong Yang ang kilala ko.
Kalmado akong naglakad papasok ng gate namin na para bang hindi kumakabog ng husto ang puso ko.
Nang makapasok ako ay nakumpirma ko nga kung sino! Nasa sala sila ng bahay namin at nagtatawanan! Totoo nga! Nandito sila!
Pero bakit sila nandito? Anong meron?
Hindi ko na napigilan ang ngiti ko nang makita ko si Tita Paula at Tito Johnny.
Kaagad na napalingon sa akin si Tita Paula. Nanlaki ang mata niya saka tumayo para lapitan ako. Hinawakan niya ang mukha ko at tiiningnan na para bang ngayon lang siya nakakita ng magandang mukha. eme.
"Charity! Hija! Ang laki-laki mo na! Na-miss kita ng sobra!" Niyakap niya ako ng mahigpit pero kaagad niya din akong binitawan para hawakan ang mukha ko. "At ang ganda-ganda mo! mana ka talaga sa bestfriend ko!" natutuwang sabi ni Tita. Ramdam ko ang unti-unting pag-iinit ng mukha ko. Ikaw ba naman sabihan ng maganda!
"Namiss ko po kayo, Tita!" sambit ko pabalik bago ako yumakap pabalik.
Si Tita Paula ay bestfriend ng nanay ko. Maganda siya at slim ang katawan. Papasa siya bilang isang modelo, chinita at maputi ang balat. Wala itong pinagbago.
Napalingon naman ako kay Tito Johnny. I smirked atsaka ako sumaludo sa kanya. Maloko din siyang napangiti saka tumayo para yakapin ako saglit.
"Namiss ko din ikaw, Tito! Kamusta po? Ang tagal niyo po nawala! Ang pasalubong ko ho pala?" pagbibiro kong sabi. Natawa naman siya ng bahagya.
Kumalas sa yakap si Tito Johnny. "Aba'y pasalubong lang ba? Naku! Napakarami! Magsasawa ka sa mga pasalubong ko sa inyo!" Masiglang sabi nito.
Si Tito Johnny naman ay bestfriend ni Tatay ko. Gwapo ito at maputi din at papasang matinee idol. Walang kupas ang kakisigan nito. Kung ano siya noon ay ganoon pa rin siya ngayon. Walang pinagbago.
YOU ARE READING
Tila Tala | 양 정원 ✧
Fanfictionrevised. -- yjw au wherein John Paul Yang returned to his parents hometown where he met his childhood bestfriend, Charity, again. But to Charity's dismay, John Paul denied that he knew her when her parents asked. Due to John Paul's behavior, Charity...