Dos.
"'Nak, pakilagay ng muna ito doon sa lamesa," utos sa'kin ni Mama. Tatayo na sana ako nang biglang tumayo si Paul at siya na mismo ang nag-abot at naglagay ng bandehado sa lamesa.
Nang marinig ko kanina kung paano niya tawaging 'Babe' ang katawagan niya sa telepono, iniwan ko siya. Imbis na medyo naiinis lang ako, mas nainis lang yata ako ng todo. And now, I don't know if I'm just assuming, but he keeps on sticking up to me.
Lumapit ako kay Inay na kasalukuyang nagsasandok ng ulam. "Nay, anong oras uuwi sila Tita Paula sa maynila?" Pagbulong ko para hindi ako marinig ni Jampol.
"Hindi muna yan sila uuwi. Makikitira muna sila dito satin hanggang sa magawa ang bahay nila dito," Pagbulong din na sagot ni Inay kaya nanlake ang mata ko.
"Makikitira sila dito?" anas ko, pagbulong pa rin ang atake ko.
"Oo nga, oh ilagay mo na 'to sa mesa," Ibinigay niya sa akin ang mangkok kaya tinanggap ko iyon at inilagay sa mesa.
So, Paano na ngayon 'to? Pag-mo-move on na nga ang agenda ko tapos mauudlot pa yata! Makikita ko pa araw-araw 'tong gwapong mokong na 'to edi lalo lang akong mahuhulog niyan? Hulog na hulog na nga ako noong una palang kahit na sa mga litrato ko lang siya nakikita, eh ano pa kaya ngayon?
Pag-uusap ang nangyari sa hapag kainan. Pinag-uusapan ng mga magulang ko at mga magulang ni Jampol kung anong mga dapat nilang asikasuhin para sa bago nilang bahay.Napatingin naman ako kay Jampol na kanina ko pa iniiwasan na tingnan. Mahirap pala magkunwari na wala kang katapat na pogi.
Hindi ko maiwasan na hindi mapansin ang pagbabago ng emosyon sa mukha niya habang naririnig ang mga plano ng mga magulang niya para sa itatayo nilang bahay. Ayaw niya ba dito?
Napatingin naman siya sa akin kaya umiwas ako ng tingin.
"So, lilipat din ba si Paul ng university?" tanong ni Inay kaya parang nanlaki ang tenga ko at biglang naging interesado sa kanilang usapan.
"Yes. Napag-usap—"
"No, Tita. I don't want to transfer here," malamig na sabi niya na naging dahilan kung bakit naging tahimik ang hapag. May ganoong moments talaga siya ano? Ang galing niyang gawing awkward ang paligid.
"But Paul, we already talked about this," sabi pa ni Tita sa kanya pero parang wala ng pakialam si Jampol at patuloy lang siya sa pagkain ng tahimik...at nakasimangot.
So basically, ang pagkain namin ay natapos awkwardly. Naging malamig si Jampol after ng pag-uusap nilang iyon ni Tita Paula.
Dahil hindi ako sanay na awkward ang bahay, pagtapos ng salo-salo ay lumabas ako ng bahay. Pupunta nalang ako kila lola para makapanghingi ng ice candy niya.
"Hoy saan ka pupunta?" pagsigaw ni mama nang makalabas na ako ng bahay. Hindi nalang ako sumagot. Alam ko naman na alam na nila kung saan ako pumupunta kapag nawawala ako sa bahay. Maliit lang ang lugar namin na 'to at kilala ng lahat ang pamilya ko kaya wala akong dapat na ikatakot dito.
Habang naglalakad ako, nagtataka ako kung bakit pinagtitinginan ako ng mga tao na para bang may mali sa akin. Bakit? May dumi ba ang mukha ko?
Binilisan ko nalang ang lakad ko. Ngayon lang nangyari ang ganitong pangyayari! Ang mukha ko naman ay hindi na bago sa paningin ng mga taga rito. Sa palagay ko nga ay nagsasawa na rin sila sa pagmumukha ko dahil lagi naman akong naglalagalag dito sa amin.
YOU ARE READING
Tila Tala | 양 정원 ✧
Fanfictionrevised. -- yjw au wherein John Paul Yang returned to his parents hometown where he met his childhood bestfriend, Charity, again. But to Charity's dismay, John Paul denied that he knew her when her parents asked. Due to John Paul's behavior, Charity...