COSMOS STORY :D
written by : iDevilous
[ zean zarey cea ] :**
Every mistake has it's own Correction ..
Every Sad Moments has it's own Reason ..
Every Tears has it's Explanation
Every Heartbreak has it's own history
but whatever it is ,
always remember that the end of this ..
you will end up LEARNING :) !
** **
June 04 2012 ..
Habang nakapila kami at naghahanap ng Classroom namin ,
marami akong nakasalubong at nakilalang tao na di ko akalaing magiging kaklase ko .
unang araw palang ng klase naging matunog na agad ang pangalan namin ni Jeda dahil sa kaingayan .
pangalawang araw na at doon namin nakilala ang pinakamabait , nakakatawa at pinaka maunawain na guro si sir.randel sa tuwing nagtuturo si sir.randel halos mahulog kami sa upuan namin sa kakatawa .
Nakilala ko rin ang kambal sa aming klase si Che at Shel maharot at makulit sa klase .
Dumating ang araw ng botohan at naihalal si renzo bilang presidente, si quennie bilang vice ,
si jerry na treasurer , si jeric bilang secretary at syempre mawawala ba naman ang 2 P.R.O ng II-Cosmos na si Jeda at si zean (ako) ,
si rowena bilang muse at si rommel bilang Escort ng aming klase , Naging kilala at sikat ang aming section , di naman sa pagyayabang pero dahil siguro maraming gwapo't magaganda dito sa aming klase , ayun ang sabi nila ..
kaya di na kami magtataka kung bakit maraming section ang naiinggit at sinisiraan kami .
** **
Natapos na ang First grading at nilabas na ang Cream of the top , marami ang nagulat sa resulta dahil naging Top 1 namin si rowena , marami ang nagtaka dahil siguro tahimik siya!
Nung araw ding yun nagsimula ang parinigan at plastikan sa textmessage , hanggang umabot na sa personalan nang makarating ito sa presidente naming si renzo , agad niya itong sinulusyunan di man niya masyadong naayos atleast nagawa niyang gawin ang makakaya niya .
** **
Maraming pagsubok ang dumating para mapatibay ang samahan ng II-COSMOS ..
Isa na doon ang paglipat ni sir sa ibang school ng hindi man lang nagsasabi sa amin .
naging tahimik at matamlay ang section namin sa pangyayaring yun .
Ganun pa man pinalitan ni ma'am tricia si sir , siya ang gumabay at nangaral at nagtama ng kamalian namin .
Naalala pa namin nung pinagsulat kami ng 100 words na 'pananatilihin ko ang kalinisan sa aming classroom'
tapos yung sakin dahil sa nagkamali ako pinapuno sakin yung buong bondpaper .
partida ang liliit pa ng mga sulat ko .
pagkatapos nun .
marami na kaming bundok sa daliri namin !
** **
Dumating na ang Sayawit o JazzChant Competition ..
Sinabihan lahat para maghanda dito , sinimulan na agad namin ang pagpapraktis kahit noong simula medyo naguluhan kami dahil sa kulit ng mga boys .