PROLOGUE

18 3 1
                                    

"Namatay na siya," anunsyo iyon ng pinuno ng mga taga ensayo.

Nagulat kaming lahat, nang sumunod ilabas ng kaniyang mga tauhan ay ang isang bangkay ng aming tagapagligtas.

"Napagtagumpayan niya ang hamong patayin ang mga mababangis na hayop, ngunit kasama siya sa namatay." May awtoridad na utos ng lider.

Nanikip ang dibdib ko, hindi ko akalaing lalabas na siya na bangkay na.

Iniligtas niya ang mga buhay naming lahat, ibig sabihin ba ay makaka-uwi na kaming lahat sa aming pamilya?

"Kung ganoon, makaka-uwi na kami sa aming mga pamilya?" Tanong ng isa sa mga kasamahan ko.

Nilingon siya ng lider, pero nagulat kami na ngumisi lang ito.

"Mananatili kayo rito at walang uuwi!" May awtoridad na aniya.

"Ano?! Bakit?! Hindi ba't humiling siyang oras na mapatay niya ang mababangis na hayop na iyon at kapag siya ay namatay, ay papa-uwiin niyo na kami?!" Agad na tugon ng isa pa.

"Wala na siya rito, at bangkay na na lamang siya. Kaya wala ng saysay pa ang kaniyang iniwang mga habilin." Dagdag pa ng lider.

"Kung ganoon, kasinungalingan lamang pala ang iyong mga tinuran sakaniya? Isa kang taksil!" Sigaw pang muli noong isa.

Pero natigilan kami ng pinaputukan ng lider mismo ang noo ng aming kasamahan.

"Sinong nais sumunod?!" Galit na sigaw ng lider.

Walang naka-imik ni isa sa amin, at takot na takot na nagkumpulan.

Kung ganoon, mananatili kami sa empyernong ito at dito na mamamatay.

"Para saan pala ang larong ito, kung pinagloloko lamang pala tayo ng mga walang hiyang ito!" Bulong ng isa sa mga kasamahan ko.

"This is not a competition at all, this is a life survival. At alam kong hindi mababangis na hayop ang wawakas sa mga buhay natin." Bulong ko pa at tumingin sa mga demonyong sundalo. "Kundi ang mga walang-hiyang tagapag-ensayo."

Nagulat pa kami ng sinilid nila ang bangkay nito sa isang puting kumot saka ito binuhat, kaya bahagya akong napahakbang.

"Saan niyo siya dadalhin?" Kinabahang tanong ko.

Kunot noo naman akong nilingon ng lider. "Bakit mo nais na malaman?"

"Hindi ba't ang sabi ng gobyerno, kung sino ang papanaw ay dapat ibalik sa pamilya ang bangkay nito." Dagdag ko pa.

"Anong magagawa ng gobyerno, kung wala naman siya rito. Maaari kung sabihin sakaniyang, tumakas ang mga ito." Walang emosyong aniya.

"Isa kang tuso! Pinasok namin ang aming mga sarili rito upang makamit ang limpak na premyo para sa pangangailangan ng aming pamilya, pero hindi ko inaasahang hindi na kailan man magiging laro pa ito. Dahil kayo na mismo ang pumapatay sa amin," dagdag ko pa.

Narinig ko na ang mumunting hikbi ng aking mga kasamahan.

"Itikom mo ang iyong bibig! Kung ayaw mong sumunod dito sa matalik mong kaibigan!" May awtoridad na aniya at humarap sa kaniyang mga tauhan. "Itapon ang mga katawan nila sa dagat."

Ganoon nga ang ginawa nila at itinapon ang mga ito sa pangpang kung saan sa baba ay tubig dagat na.

"Hindi kayo mamamatay kung susunod lamang kayo sa aking mga utos," dagdag niya pa.

Ngayon namin napagtanto na, pinadala lamang pala kami rito upang gawin nilang pananggalang sakanilang mga kalaban.

Sinanay at inensayo nila kami sa mga bagay na halos ikamatay na namin dahil sa sobrang bigat at hirap no'n.

At tunay ngang, hindi kami sa mababangis na hayop mamamatay. Kundi sa mga traydor na tagapag-ensayo.

THE SURVIVAL LOTTERYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon