C10

244 16 0
                                    

Nyckolette POV

Mabilis lang ang araw kaya acquaintance na. May iba't ibang uri ng events at ang amin naman ay fashion show pero sa last day pa naman. By section ang pagfafashion show namin. Bawat year level na may section ay kukuha ng isang model na babae at lalaki na para erepresent ang section nila.

Gusto sana nila na si Jarren ang lalaki kaya lang umayaw kaya hindi nalang pinilit.

Ngayon ay lumilibot kaming tatlo sa stall ng taga ibang department and courses kasi maraming time naman ngayon.

“Bukas na pala birthday ko. Oh my ghad, I can't believe na maging 22 na ako. I'm old na ba?” maarting sabi ni Fern kaya natawa kami.

“Oo girl, magkakauban kana nyan pero wala kapang jowa,” sagot ko kaya iringan niya ako.

“Heh! Ikaw nga 21 kana din eh wala kapang jowa. Ayy kakabreak nyo lang pala ng jowa mong manloloko.” natahimik ako dahil pinaalala na naman ulit sa akin si Kiven.

Ilang araw lang ang lumipas pero hindi ko pa din talaga makalimutan ang ginawa nya sa akin. Everytime na masambit ang pangalan niya ay tila ba andyan lang sya sa paligid ko at naghihintay na magantihan ako.

“Tameme ka gurl. Ayan, ako pa talaga uunahan mo sa pangbubully ha,” sabi ni Fern kaya nakangiti ako ng pilit.

Ayukong malaman nya ang nangyare. Alam kong magagalit sya at hindi ko mapigilan ay baka masugod nya pa ang lalaking iyon.

Naramdaman ko nalang na inakbayan ako ni Jarren kaya napatingin ako sa kaniya habang nakakunot ang noo.

“Don't worry,” bulong niya sa akin kaya napatingin nalang ako ulit sa nilalakaran namin.

“Hoy kayong dalawa, ano yan? Bakit may paakbay pang-nalalaman?” sita sa amin ni Fern kaya inalis ko ang pagkaakbay ni Jarren.

“Try kaya nating kumain sa mga stalls dun. Look, parang masarap ang mga tinda nila.” pag-iiba ko ng usapan dahil may nakita akong ice cream parlor sa part na iyon.

“Nice idea, I'm starving.” pag-segunda naman ni Jarren kaya wala nang choice si Fern at sumama nalang.

“Kayong dalawa parang naging close kayo ha baka magulat nalang ako na may something na pala kayo.” pagmamaktol ni Fern sa amin kaso tinawanan ko lamang.

“Puro ka duda. Mali-mali nagiging decision mo sa buhay eh,” sagot ko naman sa kaniya kaya nahampas niya ako.

Pagdating namin sa mga stalls ay bumili muna kami ng ube cheesecake bago kami pumuntang ice cream parlor.

“Upo nalang kayo and I'll order us an ice cream. What do you want guys? ”tanong sa amin ni Jarren.

“Chocolate sakin. Ube kay Kolette. ” si Fern ang sumagot total ay alam na alam niya talaga ang paborito ko.

“Thank you.” yun nalang ang nasabi ko bago umalis si Jarren.

“Hala girl, kamusta na pala yung kakantahin nyo ni Jarren? ” tanong sakin ni Fern.

“Ewan ko. Feel ko okay na naman pero I'll do my best nalang.” sagot ko naman.

“Kantahan nyo kaya ako bukas sa birthday ko please. Alam ko naman magaling kayo kaya kantahan nyo ako as intermission number lang sa mga guests ko.” nag please hand sign pa siya at ngumiti ng napakalapad sa akin.

“Ako nalang kaya isa? Di kasi marunong si Jarren sa tagalog kaya medyo mahirap yun kasi hindi kami nag practice.” sabi ko kasi mahihirapan kami pareho if tagalog ang kakantahin ko tapos sya gusto ng tagalog. “Unless, gusto nyang kumanta sya at kakanta din ako.” dagdag ko pa.

THE RED STRING THEORY ( BOOK 1)Where stories live. Discover now