Chapter 1
Pilipinas 2014
Angela La TortureAng siyang pagkahulog ng bote ng vial ay ang pagkagising ko sa aking malalim na tulog. Habang ang mga kasamahan ko sa tent ay tulog pa din at parang walang mga bangungot. Naiihi ako kaya kinuha ko ang flashlight. Isinuot ko ang slippers ko't pumunta sa nakaharap sa amin na classroom. Iyon lang kasi ang available at doon naman kami magcr lahat. Habang naglalakad ako'y hindi ko mapigilan ang balat kong maginaw. Ang lamig ng bugso ng hangin.
Ang tuwalyang dala ko'y mas hinigpit ko sa aking katawan dahilan para kahit papaano ay may init sa katawan ko. Sa pagtapak ko palang sa entrance patungong pintuan na sa bawat gilid nito'y mga tanim, bigla nalang akong kinilabutan. Hindi ko alam kung anong oras na pero nasisiguro kong nasa madaling araw. Ang dilim sa loob. Pero mas madilim ang katabi nitong classroom kapag papasok ka sa isa pang pintuan sa unahan.
Kaagad ko binuksan iyong pinto sa cr at kaagad din naupo sa inidoro.
Nang matapos ako'y binuhusan ko na ng tubig iyong inidoro't lumabas na. Nang makalabas na ako sa pintuan ay may papalapit ng iba pang mga girlscout na may kasamang mga guro.
Nasisiguro kong kakagising lang din nila.
"I am glad you are safe. Anong ginawa mo sa loob?"
"Naiihi na po kasi ako. No worries."
"Mabuti naman at walang nangyari sa'yo." Nagtataka na iyong kasamang estudyante na kasama niya.
"Bakit po ba, anong meron sa loob?" Tanong ko sa guro na nasa harapan ko't parang sinusuri ang kabuuan ko.
"Baka mawalan na naman ng estudyante, baka mawala ka na naman."
"Hindi po, okay lang po ako." Matapos kong sinabi sa kanilang wag nila akong alalahanin ay naglakad na ako ulit patungo sa tent namin.
Inihanda ko iyong mga kagamitan ko sa pagligo. Maliligo nalang ako. Hindi na ako makakatulog ulit at alam ko iyon.
Nauna akong nag-igib ng tubig sa kanilang lahat nang bumugso ang hangin. Dali-dali akong naligo, nagsabon, at nagshampoo. Pagkatapos niyon, sumunod iyong mga kasamahan ko sa akin.
"Ang ginaw, Meallan. Hindi ka ba giniginaw? Ang aga mo maligo. Buti bumalik ka sa tent, matagal pa naman kaming makagising." Reklamo ni Angela.
"Naiihi na kasi ako kanina. Kaya nang matapos ako'y bumalik ako sa tent. Hindi na kasi ako makatulog kapag nagising na sa madaling araw."
"Kaya pala. Magbibihis kana ba?"
"Samahan mo na muna kami ni Shira." Kaya sa kanilang tabi nalang ako nagbibihis. Dala ko naman ang white na GSP Shirt ko at GSP Shorts. Sa tent nalang ako magsusuot ng medyas.
Pinapatuyo ko na ang buhok ko habang nakalukot iyon sa tuwalya ko. Hinihintay ko nalang silang matapos.
Nang matapos na sila'y bumalik na kami sa tent. Nagsusuklay na ako't nagpapaganda na para sa breakfast, flag ceremony at activities mamaya. Tsaka kami maglalunch.
Today was the last day of our camping kaya sinulit na namin ang kalokohan naming lahat.
Gabi na iyon nang hinay-hinay na silang magligpit ng kanilang tents pati iyong amin nina Angela at Shira.
Hinihintay ko nalang ang kapatid ni Mommy na kuhanin iyong tent nila. Nanghiram lang kasi ako.
Sa bawat pagtatakbo namin doon sa classroom na kung saan kinilabutan ako't doon nakiihi ay bigla nalang kaming napahinto tatlo. Nabangga pa sila sa akin nang mapahinto ako't kasunod sila.
Isang napakahabang maitim na buhok ng babae ang siyang nakita namin habang nasa harap ito ng pintuan. Tinatangay ng hangin ang kanyang mahabang buhok maging ang kanyang maputing kasuotan. Wala itong bahid ng kung ano. Talagang maputi lang. Sobrang puti. Nagliliwanag siya sa kadiliman at tanging mga matang nakakakita ng kababalaghan ang siya lang makakasaksi sa kung paano siya nagbitaw ng luha. Lumulutang lang siya habang nakatingin sa,
Sinundan namin kung saan nakatingin iyong mga mata niya, sa grand stand siya nakatingin.
Unti-unti naging itim ang kanyang mga mata kaya'y nahulog ang aking flashlight.
Mga kamay ko'y nanginginig na.
Ang buong katawan ko'y parang binuhosan ng tubig sa sobrang lamig.
Hinawakan na ni Shira iyong kamay ko't kasama si Angela mabilis kaming tumakbo ng tumakbo. At tanging flashlight ko lang ang naiwan doon sa gitna ng madilim na park katabi ang isang classroom kung saan nakatayo't tumitingin sa grandstand na parang may balak na babae.
Bakit ngayon lang siya nagpakita?
Nakarating kami sa tent ng hinihingal, nag-uunahan kaming kunin iyong mga bags namin habang nawawalan kami ng hangin parang mamamatay na kami sa nakita.
Imbes na magsialisan kami'y naupo muna kami sa labas ng tent at pinag-uusapan iyon.
"What if susundan niya tayo papuntang bahay?"
"Hindi iyan kung hindi naman tayo ang napili niya."
"Anong pagpili ang sinasabi mo, Meallan?" Kung alam niyo lang kung nasaan ako ngayon at ano na ang nangyari sa akin.
"Ang napili saan, Meallan?" Hirit na tanong pa ni Shira.
"Take for example, sa dinami-daming tao sa mundo, ikaw ang napili ng Panginoon para bigyan ng walang hanggang buhay." Inimuwestra ko pa ang mga kamay ko maexplain ko lang ng maayos sa kanila.
"Ah, ganoon pala iyon. Sana hindi tayo napili tayong tatlo. Kahit isa sa ating tatlo, sana wala."
Natahimik na kaming tatlo habang inaayos iyong mga kagamitan namin at handa ng umalis. Hindi ko na hihintayin ang kapatid ni Mommy. Natatakot na ako dito.
Tinulungan naman ako nina Angela at Shira na tiklupin iyong tent.
"She will be the cut that tortures my criminals." Umihip ang hangin sa mukha ko't katawan tsaka ako napatango sa kanyang sinabi.
Nagpaalam na si Angela na aalis.
Habang papalayo ang kanyang pigura, si Shira na katabi ko'y nahimatay nalang bigla.
Nang maipako ko ang tingin sa papalayong pigura ni Angela, sa gilid niya ay ang lumulutang na babae.
Sa unang pagkakataon, nagliwanag ang buong paligid nang sumigaw ito sa sakit.
Napaupo siya't parang kinukuryente ang kanyang katawan.
Habang ang mga dugo sa mga nahihiwang parte ng kanyang sariwang sugat ay unti-unting dumadaloy sa kanyang namumutlang balat.
Madami na siyang natamong mga galos sa kamay maging sa mga paa niya't may nahuhulmang T na letra sa noo niya.
It is starting...
The very third possessed, Angela La Torture.
-
VentralCord
YOU ARE READING
Haven In The Tree (Based On True Story)
HorrorI knew you would freed me someday. #1 Immaculate Highest Rank #1