『 chapter one 』

8 1 0
                                    

date written: november 18, 2024

»»———- 𝐅𝐋𝐀𝐒𝐇𝐁𝐀𝐂𝐊 ———-««

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

»»———- 𝐅𝐋𝐀𝐒𝐇𝐁𝐀𝐂𝐊 ———-««

════ ⋆★⋆ 11:00 PM NA pero heto ako at tutok pa rin sa gadget habang kumakanta kasabay ng musikang pinakikinggan. Ang payapa nga dahil bukod sa tahimik ang paligid ay wala ring activities na dapat gawin dahil syempre, sembreak namin. Nakakainis nga dahil bakit parang ang bilis ng oras sa tuwing nakarelax ka.

Dahil medyo mahapdi na ang mata ko ay binitawan ko na muna ang cellphone ko at ipinikit ang aking mata, kaya lang ay bigla namang may nagchat.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hindi ko maialis ang mata ko sa litratong isinend sa akin ni Yui

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hindi ko maialis ang mata ko sa litratong isinend sa akin ni Yui. Nakakagago lang na may gumuguhit pa ring sakit sa dibdib ko kahit na matagal ko na siyang pinakawalan. Dapat hindi na ako apektado, pero ano 'to, Zden?

Habang pinagmamasdan ang maliit na screen ng cellphone ko ay hindi ko maiwasan ang magbalik-tanaw sa nakaraan kung saan kasama ko pa siya— masaya pa kaming dalawa

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Habang pinagmamasdan ang maliit na screen ng cellphone ko ay hindi ko maiwasan ang magbalik-tanaw sa nakaraan kung saan kasama ko pa siya— masaya pa kaming dalawa.

Elementary pa lang nang makilala ko si Hyuk Kwon. Naging kaklase ko siya noong nasa 5th grade dahil noon siya nagtransfer. Ayaw ko pa nga sa kanya noong una dahil hindi naman talaga ako malapit sa mga lalaki, pero laking gulat ko na lang din dahil hindi inaasahan ang pagkakaibigan namin. Nakakatuwa nga dahil ibang-iba ang pakikitungo niya sa iba kaysa sa akin. Marami pa nga ang babaeng naiinggit dahil paano ko raw ba nakasundo si Hyuk e ang suplado at ang sungit. Hindi ko lang din naman sila mabigyan ng sagot dahil kahit ako mismo ay hindi alam sa sarili kung paano kami naging magkasundo.

Hanggang sa tumungtong kami ng high school ay magkasama pa rin kaming dalawa. Hatid-sundo niya ako palagi at hindi hinahayaang may ibang lalaki na lumapit sa akin. Hindi ko naman maiwasan din na mahulog ang loob sa kanya dahil tila ba nasa kanya na talaga ang lahat. 3rd year high school nang maisipan kong umamin sa kanya na gusto ko siya, at gano'n din naman daw siya sa akin.

Mas nagtagal at tumibay ang relasyon naming dalawa nang makapagtapos ng high school. Ang dami na naming pangako at plano para sa future, ngunit ang lahat na iyon ay nagunaw na lang sa hindi ko malamang dahilan. Parehas kaming naging busy dahil magkaiba ang kinuha naming dalawa. Ilang buwan din 'yon at pagbalik ng komunikasyon namin ay parehas na kaming nagbago— dahilan na ng pagkasira ng lahat. Umabot na nga sa punto na bibihira na lang talaga kaming mag-usap kahit pa sa personal. Ang ilang taon na pinagsamahan namin ay paunti-unti nang nawawala at para bang nababaon na sa limot.

1st year college naman, sa iisang eskwelahan pa rin kami pumasok pero mas malaki na ang distansya sa pagitan naming dalawa. Sinubukan kong ayusin pa dahil talagang minahal ko siya, e. Kaso iba na talaga. 2nd year college na kami nang mapagtanto ko na parang umaasa na lang ako sa wala. Ako na lang ang kumakapit sa relasyon naming dalawa na hindi naman namin opisyal na tinatapos pa. Napag-isip isip ko lang, parang tama nga ang linya sa kanta na madalas kong pakinggan.

"A paradise, full of lies
I wanted to turn a blind eye."

Kahit alam kong nagiging tunog kasinungalingan na lang ang mga huling sinabi niya sa akin ay nagbubulag-bulagan pa rin ako at pilit na kumakapit sa pag-aakalang may tyansa pang maayos at bumalik kami sa dati.

Nagising ako sa katotohanan nang may pumatak na luha mula sa aking mata. Saktong dalawang taon na pala ngayon mula nang huling pag-uusap naming dalawa. Kasalukuyan kaming nasa senior year ng college, naghihintay na lang na makapagtapos.

Napakalaking tanga ko pala, no? Niloloko ko ang sarili ko na okay na ako nang wala siya, subalit heto ako ngayon, umiiyak nang dahil sa isang litrato.

Paano mo nagawang masaya habang ako nasasaktan pa rin?

Paano mo nagawang masaya habang ako nasasaktan pa rin?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

love and lies -★ hyuk kwonWhere stories live. Discover now