"Any questions regarding the project, everyone? Paalala ko lang ulit ha, the deadline will be the only deadline. Walang magc-chat sa akin kung puwede pang mag pass nang late!"
"Si sir naman oh! Hell week talaga malala!"
Students frowned and jokingly dissed me. Tumawa ako at nagpaalam na.
This is just a normal day to me. A normal day that I used to wished for. I cried for this dream to be true. I'm now a licensed teacher, and there's nothing more I could wish for.
Sumakay na ako sa motor ko pagdating ko sa parking lot at nagsimulang paandarin ito kung saan man ako dalhin ng manubela. I don't have any plans anyway.
Napadaan ako sa McDonald's at naisipang mag drive thru. Ala singko na ng hapon at walang badya ng masamang panahon. Tamang oras at tiyempo para tumambay sa tabing dagat.
"Good afternoon, welcome to McDonald's. Ano pong order nila?"
Napahinto ako nang ilang segundo. Gutom ba ako? Anong gusto ko? Ba't ba ako dumiretso dito? Bahala na nga.
"One Crispy Chicken Sandwich please"
"Drinks po nila?"
"Premium roast coffee. No creamer, no sugar."
"Next window na lang po, thank you so much!"
Tulala kong pina andar ang motor hanggang sa kabilang dako na parte ng drive thru area ng McDo.
I still ordered the only thing I knew in the menu. I'm more of a Jollibee person. I never really liked plain coffee, it's too strong for my liking.
"One Crispy Chicken Sandwich with Premium Roast Coffee po," I handed the young lady a 500 peso-bill, "I received 500 pesos--- Thank you po, balik po sila!"
Nagmaneho na ako papalayo, papunta sa tabing dagat ng San Buenito. Malamig ang simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko. Pumapasok ito sa may kanipisang tela ng uniporme ko bilang teacher.
Payapa ako sa buhay na meron ako ngayon. Noon pa man ay pangarap ko nang maging guro. Kaya hindi ko pa rin maintindihan kung bakit parang may kulang.
"Hoy!"
Napa preno ako nang biglaan nang sumigaw ang konduktor ng jeep sa kabilang kalsada.
"Nagbayad ka na ba ha?!"
Grabe naman 'to si kuya, parang galit.
Napatingin ako sa mga nakatayo at nakapila sa gilid ng kalsada.
Tumigil ang mundo ko nang magtagpo ang mga mata namin ng isang babae. Panandaliang tumigil ang paghinga ko habang hindi ko maalis ang tingin sa mga mata niya. Nakasuot siya ng uniporme ng isang guro sa isang pribadong unibersidad sa bayan. Napangiti ako nang hindi ko namamalayan, kasabay ng busina sa aking likuran.
I didn't notice that I was having a staring contest with a stranger.
Iniwas ko na ang tingin sa babae at nagsimula nang magmaneho bago pa ko tuluyang gumawa ng away sa kalsada dahil sa traffic.
Nang marating ko ang tabing dagat ay pinagmasdan ko agad ang paligid.
Walang nagbago. Maganda pa rin.
Huminga ako nang malalim at pinagmasdan ang lumulubog na araw. Bitbit ang paperbag ng McDonald's ay umupo ako sa buhanginan.
"Ang weird naman no'n!"
Tumawa ako nang malakas at pilit bago bumuntong hininga. Ngumiti akong muli habang nilalabas sa paper bag ang mga binili ko kanina sa McDo.
"Ang weird kasi alam kong hindi marunong mag commute yung stranger na iyon, marunong na pala."
Kumagat ako sa Crispy Chicken Sandwich at lumagok ng kape.
"Alam kong paborito niyang orderin ang Crispy Chicken Sandwich sa McDonald's, pati Premium Roast Coffee kasi lactose intolerant siya... Alam kong takot siya sa dilim at tumatakbo siya kapag papatayin niya na ang ilaw sa banyo tuwing gabi. Nabibitin siya sa isang pancit canton pero hindi niya kayang ubusin ang dalawa. Hindi siya makakatulog hanggang hindi ko hinahawakan ang mga kamay niya, kaya niyang hindi kumain ng ilang araw para ilaan ang allowance niya sa pagpapakain ng stray cats sa street nila, alam ko kung paano niya pinaghirapan ang thesis nila noong third year kami,"
Pinikit ko ang mga mata ko nang maramdamang muli ang pamilyar na hapdi at pagtutubig nito.
"Alam kong pangarap niyang maging mayaman para mabigyan ng komportableng buhay ang nanay at kapatid niya,"
Iminulat ko ang aking mga mata at sumigaw ng sobrang lakas, hindi alintana ang iilang taong kasama ko sa tabing dagat.
Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan, kusang ngumiti at nagpormang arko, hindi ko namalayang tumutulo ang luha ko habang nakangiti sa unti-unti nang dumidilim na kalangitan.
"Sabi ko naman sayo kaya mo 'yan Faye, eh!"
Inubos ko ang pagkain at inumin tsaka binalik sa paper bag.
I once wished for a future where I will be finally successful in life and live in my own pace. And I finally did. Pero bakit may kulang? Payapa na ang buhay ko at masaya. Nagagawa ko na lahat ng gusto ko at nasusuportahan ko na ang pamilya ko.
Sa ilang taong pagtatanong ko sa sarili ko kung anong kulang, ngayon ko lang napagtanto... Ngayon lang, sa pamamagitan ng isang minutong titigan natin sa gilid ng kalsada matapos ang napakatagal nating hindi pagkikita...
The future I created, was a future with you. The future I'm living in now isn't how it's supposed to be. We dreamed for a less cruel place to be in, we hoped to be in for a ride in a kinder world.
Heavy turns happened, and putting my trust in our decision was the right thing to do.
Masakit pero wala akong pagsisisi.
"Strange how I feel proud of a stranger for surviving and fighting like I've known her for ages."
"Weird. Very weird."