Prologue

3 2 0
                                    

🎶 Minsan hindi ko maintindihan..
parang ang buhay natin ay napag t-tripan?
medyo malabo yata ang mundo,
binabasura ng iba ang siyang pinapangarap ko...

"Ilang beses mo balak pakinggan 'yan sa loob ng isang linggo?" komento ni Max kay Astrid. Umirap lang ito sakaniya tsaka lalong nilaksan ang speaker.

"Tangina! Hindi ka ba naririndi?" Jade shouted habang umiiling at nag patuloy sa pagbubuklat ng libro niya.

Kasalukuyan silang nasa condo ni Max para sa isang project. Kailangan nilang matapos ang mga designs nila dahil mag d-deadline na ito, pero hindi pa rin siya makahanap ng inspiration kaya patuloy ang pakikinig niya ng music.

As a 4th year Architecture students ang hirap para sakanila ang mag come up ng designs.

Pinatay niya ang speaker sa frustrations. Wala pa rin siyang maisip.

“May naisip na ba kayo?” tanong nito sa dalawa, umiling ang dalawa at nagpatuloy sa pag b-browse sakanilang mga old designs.

1am na, cramming silang tatlo dahil gusto nilang matapos 'to ng mas maaga, friday night naman kaya okay lang mag overnight sila at mapuyat.

Nasa gan'on silang kalagayan nang biglang tumunog ang phone ni Astrid. Iisang tao lang ang palaging tumatawag sakaniya ng ganitong oras.

Sabi na e. bulong niya sa utak.

Tumingin siya kina Max at Jade bago sagutin ang tawag, bahagya siyang umayos ng upo.

Nailayo niya ang phone niya sa tenga nang marinig ang malakas ng tugtog, pakiwari niya ay sa loob iyon ng bar.

“Hello! Astrid?? Can you hear me ba??” sigaw nang nasa kabilang linya.

“Yes Yuki, nadidinig kita. Lasing na naman ba?” tanong ni Astrid,

“Yes, can you pick her up? It's so tiring na, i wanna go home na!” napapikit siya ng mariin, matitiis ba naman niyang hindi puntahan ito.

Ilang beses pa siyang napamura isip bago sumagot.

“Sige, papunta na 'ko” sambit ni Astrid dahilan ng pagtingin sakaniya ni Max at Jade.

“Good! Hintayin ka namin and please faster, she's vomiting na sa bucket of ice like it's so kadiri as in!”

Agad niyang pinatay ang kabilang linya at kumuha ng jacket, she's just wearing shorts na hindi naman gan'on kaiksi, sakto lang and plain white shirt.

“Hay, ayan na naman si superwoman. To the rescue na naman” umiiling na sabi ni Jade.

“Hayaan mo na at tanga e.” Inirapan lang ni Astrid ang dalawa tsaka kinuha ang susi ng kotse niya bago lumabas.

“Babalik din ako agad.”

“Asa kami sa'yo, mag c-comfort ka na naman for sure.”

“Shut up, Jade! Wala kang pag asa kay Yuki.”

“Tanginamo, alis!”

Tumatawa siyang lumabas ng pintuan nang condo ni Max. Agad din yung nawala ng maalala niya kung sino ang pupuntahan niya.

It's Elora Antoinette or Elle, her bestfriend for almost 14 years.

They've been best friends since grade 1. They were inseparable. Hindi sila mapaghiwalay.

At first she's like a sister to her, since Elle was a only child naging para na silang magkapatid.

But that thought vanish nung napagtanto ni Astrid ang tunay niyang nararamdaman para rito. Grade 4 nang marealize niya yun, nung una ay akala niya simple crush lang.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 10 hours ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HIRAYA (jhocey fanfiction) #1Where stories live. Discover now