Hi Friends! This would be my 3rd story sa wattpad. Itutuloy ko 'to pag natapos ko na yung When SHE courted HIM. Suportahan niyo po ulit ha? :))) Kailangan ko ng comments, positive man yan o negative. Para alam ko kung itutuloy ko pa siya o hindi. Thaaaanks! ♥
Listen to the song while reading thiiiis. Nasa gilid, Haha. Akin Ka Na Lang (Itchyworms) Female Version. ;)
----------
“Dun ka nga! Ayaw namin sa’yo. Ayaw ka namin kalaro. Mayabang ka!”
“Oo nga. Lagi ka na lang pa-bida sa parents natin. Ikaw na lang lagi yung magaling, matalino, talented at mabait! Ikaw yung napapansin nila lagi!”
Hindi na kinakaya ng bata kong puso at isip ang mga naririnig ko mula sa kanilang dalawa. Basang basa na yung mukha at damit ko sa kakaiyak. Sila pa naman ang tinuturing kong kaibigan tapos ganito pala ang iniisip nila sa’kin. Kaya pala, ang layo layo ng loob nila sa’kin.
Kanina ay tuwang tuwa pa akong tumutugtog ng violin ko sa harap ng aming mga pamilya. Meron kasi kaming family friends gathering dito sa bahay-bakasyunan ng mga de la Vega sa Palawan. Bilang pang-aliw ay naghanda ako ng itinugtog ko kanina para sa kanilang lahat.
Ng matapos ang tinutugtog ko, pinuri ako ng mga de la Vega at Villarosa. At syempre ng aking sariling pamilya, ang pamilya Salcedo. Ang akala ko ay pupurihin din ako ng dalawa kong pinakamatalik na kaibigan pero nagkamali ako ng akala. Si kuya Nikko lang ang pumuri sa’kin.
Yung dalawa? Bigla na lang umalis sa sala at tumakbo pumunta sa tabing-dagat. Sinundan ko sila at sinabing gusto kong makisali sa laro nila pero yun na ang mga sinabi nila sa’kin.
Ang akala ko noon, sa tuwing nakakalaro ko sila ay tanggap nila ako bilang kaibigan. Hindi ko pinapansin ang mga alitan na laging nangyayari sa aming tatlo. Sinasabi na lang sa’kin ni Mommy na ganun lang talaga dahil mga bata pa kami at normal lang ang mga asaran at pikunan.
Matagal ng magkakaibigan ang aming mga magulang simula pa noong nasa high school sila. Kaya naman sila na rin ang magkakakosoyo sa negosyo ng mga pamilya naming tatlo ngayon. Kaya silang dalawa talaga ang tinuturing kong matalik na kaibigan. Pero nagkamali pala ako.
Ang sakit sakit isipin na sa mura kong edad na 8 years old ay nakaramdam at nakaranas na agad ako ng pamba-balewala at rejection. Mula pa sa taong gustong gusto kong maka-close, si Darren.

BINABASA MO ANG
Akin Ka Na Lang!
Ficção AdolescentePwede bang akin ka na lang? Sa'yo naman ako, simula pa lang.