Prologue
"Timmy ko! Na-miss kita ng sobra!"
Sigaw ko sa hallway habang tumatakbo papalapit kay Timmy ko.
"Wag ka ngang sumigaw. Kakahiya ang ginagawa mo."
Sita niya sa akin ng makalapit ako sa kanya.
Kamusta people? Kim Xyril Lee speaking. I'm 16. 4th year high school student. At isang tibo simula pagkabata pero bumalik ata pagkababae ko simula nang makilala ko ang Timmy ko.
Langya. Di ko alam na posible palang maging isang babae ulit ako.
"Ano naman ang nakakahiya dun? E nagsasabi naman ako ng totoo. Na miss kita. Ikaw, Timmy. Nung Sabado't Linggo na di tayo nagkita, na-missh mo va aku? Siguro, ang ginawa mo lang nun ay ang isipin ako." Pa-cute kong sabi sa kanya.
"Di kita na-miss. At huwag kang umasa na yan ang ginawa ko dahil busy ako sa pag-aaral." Siya habang nagbabasa ng libro.
Ang Timmy ko talaga. Naglalakad na lang, may hawak hawak pang libro at nagbabasa.
"Timmy naman~ Ouch yun. Kahit Sabado't Linggo, pag-aaral pa rin ang atupag mo. Hmmnnpp" Huminto ako sa paglalakad kaya bigla din naman siyang huminto at tumingin sa gawi ko pero naglakad ulit.
"Bahala ka na diyan. Bye"
At yun na, iniwan niya na nga akong nakatayo pa rin sa hallway.
Pero
"Kyahhhhhhh~!!" Tili ko habang tumatalon talon.
Oh my~! Nag-bye ang Timmy ko sa akin. Kyahh~!! May improvement! Noon, umaalis na lang siya ng tahimik at di nag-baba-bye sa akin. Pero ngayon, nag-bye siya sa akin!
Nabasa nyo naman yun mga dudes, nag-bye siya.
Ohh my gulay! Umaasenso na ang relasyon namin!! XD
Kilig much ako sa Timmy ko.
Siya nga pala si Timothy John Bueno. 16 na rin at isang 4th year high school dito sa Williams Academy.
Ako lang ang may karapatang tawagin siyang Timmy!
Matalino at mahilig magbasa ng mga libro. In short, isa po siyang nerd. Pero aa! Mahal ko yan simula nung una ko siyang nikata! Na-love at first sight ee. Kaya wag kayo! Wag niyo laitin Timmy ko dahil Nerd siya!
Mabait siya pero sa akin lang masungit =_____=
Daya nga ee. Sa akin lang masungit samantalang minamahal ko siya.
Pero kahit ganyan yan sa akin, mahal ko pa rin siya XD
Makikita niyo, isang araw, in-love na sa akin si Timmy ko.
Abangan niyo na lang mga dudes~!