1.

48 2 1
                                    

[ Kim's POV ]

"Xy! ( A/N: Pronounced as Sai ) Kamusta na ang bunso ko sa New York?" -- Kuya Ken sabay yakap sa akin ng  mahigpit.

Ok. Hindi pala mahigpit dahil sobrang higpit ang yakap sa akin ng kuya ko.

Kaya pinagpapalo ko siya sa likod. Bumitaw naman agad siya.

Siya nga pala si Ken Tyler Lee. Pangalawa kong Kuya. 18 years old at second year college student sa Williams Academy na papasukan ko rin ngayong school year. Yung panganay pala naming Kuya, andun sa New York. 

Andito nga pala kami sa Airport at sinundo ng gwapo kong Kuya Ken.

Pero MAS gwapo ako.

"May balak ka bang patayin ako, ha, kuya?" Ako habang hingal na hingal.

"Hahaha! Pasensya naman Xy! Na-miss ko si bunso ee. Anim na taon ka kaya dun sa New York. Pero naks. Dalaga ka na!"

"Wag ka nga Kuya Ty ( A/N: Pronounced as Tay ) magbiro ng ganyan kung ayaw mong mabugbog." Warning ko sa kanya.

"Ikaw naman! Di ka mabiro! Akala ko magiging babae ka na dun sa New York pero mukhang hinayaan ka lang dun ni Lola pati ni Kuya aa." Sabay hampas niya sa likod ko.

"Alam mo namang ayaw ko sa mga ganyang biro Kuya TY."

"Naman bunso. Alam mo  din namang ayaw kong tinatawag na TY ee. Nagmumukha ako Tatay. Baka gusto mong magkasubukan kung sino ang mas malakas sa ating dalawa?"

Titigan lang ang ginawa namin ng Kuya ko. Subukan ng tapang kumbaga.

Pero mga dalawang minuto din ang tumagal, ang sumunod naman naming ginawa ay ang mag-tawanan.

"Hahaha! Akala ko, bali na yang Tagalog mo, bunso!"

"Hahaha! Di yan mangyayare! Mas mahal ko pa rin ang Pilipinas kesa sa New York!"

" 'Nu connect?" 

"Tangek ka! Common sense Kuya!  Common sense! Hahaha! " Tinuturo-turo ko yung utak ko habang sinasabi yun pero tawa pa rin kami ng tawa.

"Lalakeng lalake ka na kung pumorma a! Nung bago ka umalis ng bansa, tanda ko nun, naka-palda ka pa! Haha"

"Wag mo na ngang ipaala sa akin yun! Gago! Alam naman natin na pinilit lang ako ni mom nun na magsuot ng palda!"

Ilang sandali pa ay tumigil na lang ang tawanan namin ng may biglang nagsalita na babae sa likuran ni Kuya. 

Ngayon ko nga lang napansin e. 

Pero maganda siya.

"Aa. Nga pala, bunso. Si Sky. Sister-in-law mo." Pakilala ni Kuya sa akin sa babae pero binatukan naman siya.

"Anong sister-in-law niya?" Inis na sabi ni Ate Sky daw kay Kuya.

"Dun din naman ang patutunguhan e. Eto na nga lang. Seryoso. Bunso, si Ate Sky mo. Girlfriend ko na magiging sister-in-law mo din makalipas ng tatlong taon." Pero binatukan ulit siya ni Ate Sky.

Di ko nga alam kung matatawa ba ako sa kalagayan ng Kuya ko o maaawa dahil sobrang lakas ng mga batok ni Ate Sky sakanya.

"Ahehe. Hayaan mo na lang yang Kuya mo. Ikaw si Kim Xyril Lee, di ba?" Tumango ako sa tanong niya.  "Ako nga pala si Skylar Anne Santos. Ate na lang ang itawag mo sa akin o kung anong gusto mo." Tumango ulit ako. Naks. Skylar at Tyler, magkatunog ng onte. "Ahhmn. Ang ganda mo naman." Sabay kurot niya sa kaliwang pingi ko.

Dahil di ko alam kung dapat ba akong magalit sa kanya dahil sa sinabi niya, nilayasan ko na lang silang dalawa at nagsimula ng maglakad-lakad palayo sa kanila. 

Inlababo Ako Kay NERDYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon