Examination (One Shot)
Have you ever been inspired by someone?
Lalo na when it comes to your studies?
Naiintindihan ko kayo!!
Ako OO eh!
Until...
--
Russelyn's POV
Hi! I'm Russelyn Ramirez! I'm pretty. But I'm studious. I'm sexy. But I'm conservative. Yun ang ayaw sa'kin ng mga guys. So?! I can live without those guys na ang habol lang ay katawan o kaya ganda! They're crap!
Nandito ako sa University ngayon. Ngayon kasi ang aming first quarter examinations. Ang problema nga lang, kulang yung books ko ng isa. Nawala ko kasi. Burara ba? Haha. Yung bestfriend ko kasing si Ray eh nasa kabilang building. Wala akong mahiraman. Loner ang drama ko ngayon. Y_Y
Nagbabasa lang ako ng libro nang makita ko yung letter ko sana for 'him' nung graduation kaya lang kinain ako ng hiya. Hindi si Ray yung 'him' ah. Nandito lahat ng gusto kong sabihin including yung confession ko sana sa kanya. Ito na rin yung nagsisilbi kong inspirasyon at lucky charm kaya palagi kong dinadala.
Bigla namang umingay yung crowd. Halos mga girls yung nagwawala. Nilingon ko kung anong meron. Speaking of 'him', siya lang pala. Naglalakad sa hallway. Yung ultimate crush slash love ko since high school...si Luke Rodriguez. Yung pagbibigyan ko sana nung letter.
Grabe! Sobrang pogi! Maputi siya kaya obvious yung reddish niyang lips, may katangkaran, tapos yung body ay pang dancer talaga. Oo! Ultimate dancer yan since high school! Astig ng porma. Talaga namang kinababaliwan siya dito sa University. Grabe! Parang artista!
*Stare* *Drool*
Pero hanggang titig at laway na lang ako. I'm loving him secretly and silently. Nyeeeh!
Dito rin pala siya sa building na to mag-t-take ng exams since parehong 'R' ang start ng surname namin. Swerte ko talaga! ^_^
Yan! Tapos ko na magreview dito! Eto namang isa!
Nagulat na lang ako nung may tumabi sa akin. ang mas ikinagulat ko pa, siya yung tumabi sa'kin! As in SIYA!! O M G !! Keep your cool Russ!
"May libro ka ba sa Institution?" 0_0 Ako ba yung kinakausap niya?! Shocked! Pakiramdam ko nanginginig ang aking buong body!! Waaah! Hello?! Isang gwapong-gwapong guy na love na love mo tumabi sa'yo at nanghihiram ng book!! Pero...ako ba yung kausap niya?
Para maconfirm ko eh tinuro ko yung sarili ko na parang nagtatanong kung ako ba yung kinakausap niya. Timang lang. Haha.
"Ikaw nga Russ." tapos ngumiti siya!! Oh Ghad!! Ang kanyang very infamous killer smile!! And wait...kilala niya ako?! Sa dinami-dami ng tao dito?! Like hello?! I admit may pumapansin sakin pero bihira lang. My books are my bestfriends!! Sa group activities lang kami nito nagkakausap!! Shocked.
Binigay ko naman sa kanya yung hinihiram niyang book. Wala ako sa sarili. Natataranta nga ako habang kinukuha ko yung book eh. Sa sobrang pagkataranta, nakalimutan ko na kung ano yung kukunin ko. Buti na lang at agad kong naalala. Grabe! Parang nakalimutan ko na ata huminga!
"Thanks!" sabi niya na hindi naaalis yung ngiti niya sa mukha niya tapos nagbasa na. May hikaw pala siya? well...ang cute niya pa rin. Even hotter with his earrings na color black.
Ako naman eh nagbasa na rin. Pero hindi ako makareview! Nakakadistract! Eh kasi naman eh! Sa tuwing ililift ko yung ulo ko para ipasok sa utak ko yung mga binabasa ko eh napapatingin ako sa kanya. Lakas ng kabog ng dibdib ko! Feeing ko tatagos anytime! Pffft!