CHAPTER 3

6 1 0
                                    

5:46 p.m, nakarating na ako sa bahay and I'm so exhausted, hindi lang physically kundi verbally pa, napatagal yung sabatan naming dalawa ni Gustav, hindi talaga siya nag patalo kanina, his arrogant behavior annoys me. Napansin ko wala si mama si sala at ibinaba ko na muna ang bag ko sa may lamesa saka pumunta sa kusina, hopefully nandoon siya.



"Ma?" I called her but I heard nothing, hm? Saan kaya si mama?



Pumunta ako sa kwarto niya para tignan pero I frowned when she's not in her room either. As I was just about to walk towards the kitchen nang may kumatok sa pinto, my mind saying it's mama kaya dali-dali akong pumunta sa may pintuan para buksan yun, napakalaki ng ngiti ko dahil akala ko si mama, but then it was Gustav behind the door, I immediately changed my smile to an annoyed looking expression. Bakit pa kasi naging mag kapitbahay kami ng taong ito.



"Anong kailangan mo?" tanong ko sakaniya, still standing at the doorframe.



"Nag text saakin si mama, sabi niya mag kasama daw sila ngayon ng mama mo, hindi nakatext si mama mo sayo kasi she forgot her phone." sabi ni Gustav saakin at tumango nalang, unwilling to have any more conversations with him.



"Okay, thanks." icloclose ko na sana yung pinto when he managed to grab the door as it was about to close. I raised an eyebrow, wondering why he did it.



"Bakit, may idadagdag kapa ba? Please make it quick mag rereview pa ako." I muttered and he sighed, crossing his arms.



"Sabi rin ni mama na dito na muna raw ako sayo, pinapasabi ni mama mo." my eyes widened, completely dumbfounded after hearing what he said.



"Ano?" I asked sceptically and he nodded.



"Ayoko nga rin pumunta dito, pero sabi kasi ni mama mo, I have no choice, kasi kung hindi papaglitan naman ako ni mama." he sighed after. Napasampal noo naman ako at napabuntong hininga din.



Nyeta bakit naman mama pinapunta mo pa siya sa bahay, alam mo namang hindi kami nagkakasundo nito, simula pa noong elementary ganito na kami ehh!



"Pasok." pumagilid ako sa may pintuan para makapasok si Gustav, umupo sa may couch, nang makapasok siya ay isinarado ko na ang pinto. Narealize ko na ngayon lang ulit siya pumunta sa bahay, ang alam ko last na punta niya dito ay noong 12th birthday ko, pilit pa siyang pumunta noon, kainis. Ngayon 18 na ako, it's been 6 years. Well ayos lang naman saakin pero sana naman tumigil na siya sa mga reklamo niya, I swear kapag may narinig ako, babatukan ko ito. I've had enough of his reklamos sa araw na ito, my ears can't handle more.



"So, hindi mo ba ako bibigyan ng juice or kahit ano?" jusko kakaisip ko lang na sana tama na, may reklamo nanaman. I glared at him.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 5 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In the end, I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon