Fifty-first Sunset

25 1 0
                                    

May nakapag sabi sakin na kapag nanood ka ng sunset sa loob ng 51 days, mamahalin ka rin ng taong mahal mo.

Pero, 51 days din yun. Parang nakakapagod, noh?

Kaso, marami na akong sinubukang bagay. Na-try ko nang maghulog ng barya sa wishing well, ang magtupi ng 1,000 paper cranes, ang maghanap ng four-leafed clover (kaso wala akong nakita), pati na rin ang humiling sa falling star. Pero walang nagyare.

Kaya napag-desisyonan ko na last na 'to. Kapag wala paring nangyare, maniniwala na talaga ako na wala talagang forever.

Dear Mr. Sunset, sana magustuhan niya rin ako. hiling ko sa araw habang pinagmamasdan ko itong lumubog. Pang 50th time ko na itong gawin. Bukas na ang 51st. At kung totoo yung sabi-sabi, bukas na din matutupad yung wish ko.

Sana talaga magkatotoo yung wish ko. Sana bukas mahalin niya na din ako...

"Bat ba ganyan kayong mga babae? Ang d-drama ninyo."

Kahit na hindi ako lumingon, alam ko na agad kung sino yung nagsaita. Pero hinarap ko parin siya. Si Christian, ang lalakeng kapitbahay at kaklase ko mula pagkabata. Siya din yung... yung lalakeng hinihiling ko sa sunset.

"Bat kaya ganyan kayong mga lalake, ang p-pakelamero ninyo," sagot ko dun sa sinabi niya kanina

"Walang forever, Ericka," sabi naman niya

"Ang bitter mo, noh? May forever!" syempre, naniniwala ako sa forever. Kase kung walang forever, edi sana matagal na akong naka-move on kay Christian.

Tumawa lang siya

Napangiti naman ako.

Yung tunog ng tawa niya kase, nakakahawa. Tapos kapag ngumingiti siya, lumalabas yung cute na dimples niya sa pisngi. Hindi tuloy maiwasan ng puso ko ang mapalundag.

"Teka," sabi ko, "Bat ka pala nandito?"

Humikab muna siya bago nagsalita, "Nakisuyo sakin si Tita Ella na hanapin ka."

"A-ah," disappointed kong sagot. Ano ba 'yan, bat kasi umaasa ako na kaya siya nandito kase nag-aalala siya sakin or kaya gusto niya akong makita. Kaso hindi naman talaga 'yon maiiwasan, diba? Kase kapag inlove ka, every moment hinihiling mo na sana magustuhan ka din ng taong mahal mo.

Unfortunately, kontrabida si kupido. Mai-inlove ka na nga lang, sa taong wala pang paki sayo. [sigh] Kaya maraming bitter eh.

"Huy," tawag niya sakin then pitik sa noo ko.

"Aray!" reklamo ko sabay himas nung pinitik niya, "Bat ka namimitik dyan?"

"Kanina pa kaya kita tinatawag!"

"H-ha?" hala, natulala na pala ako.

"Psh, tara na nga," sabi niya pero hindi man lang niya ako hinantay sa paglalakad.

"Uy, sandali lang!" sigaw ko sabay takbo

*~*~*

Ilang blocks din ang layo ng bahay namin mula sa cliff kung saan ako nanonood ng sunset. Kaya madilim na nung nakarating kami sa last block papuntang bahay.

The whole time na naglalakad kami, tahimik lang si Christian. Mejo awkward nga eh. Hindi kase ako sanay sa katahimikan. Maingay kase kami ng mga barkada ko- Ay, sabagay, hindi nga pala kami magkabarkada. Ni hindi na nga matatawag na close ngayon.

Naalala ko tuloy, noong mga bata pa kami, halos hindi kami mapaghiwalay. Lagi kaming magkasamang maglaro. Mapa-patintero or agawan base, lagi kaming magka-team. Kapag naglalaro naman kami ng bahay-bahayan, laging kami ang nanay at tatay. Nakakatawa nga eh, akala kase ng mga parets namin magkakatuluyan kami.

51st SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon