CHIARA'S POV
"Regan Javier, you win!"
An unfamiliar voice said, throughout the arena. Regan was overjoyed, realizing how high his rank had climbed. My suspicious were right, he couldn't possibly give up on the Reggen Tournament, with the huge rewards he was about to reap.
"Sinasabi ko sa iyo, magyayabang nanaman yan mamaya." Sabi ni Hitch na nasa tabi ko. Pumwesto pa kami sa harapan para mapanood ng maayos ang laban ni Regan. Nakakakaba dahil totoong sakitan ang labanan nila at nakakabalisa dahil paano kung bibigay ang mga katawan nila dahil sa matinding tama ng sakitan nila?
Hanggang ngayon ay hindi ko pa nakakalimutan ang katarantaduhan ng lalaki na halos sagasaan ako kanina. Kapag siya ay nakita ko ulit, sasakalin ko talaga ang lalaking 'yon. Ako na nga ang malapit ma-aksidente, ako pa ang masama para sa kanya?
"Oh isang himala! nandirito na ang aking mga minamahal na kaibigan." papormal na sabi ni Regan na nakangisi sa amin na tila mang-aasar nanaman sa amin ng makaalis siya sa ring upang tumungo rito sa aming pwesto ni Hitch.
Regan Javier is a martial artist. He's tall, handsome, funny, maybe kind?, friendly, and wise. He's taking Bachelor of Science in Engineering. He is good at mathematics ngunit mahilig mangutang ng pera sa amin.
Hitch raised her middle finger to Regan at habang ako pi naliitan siya ng mga mata.
Napansin kong nagkaka-muscle na si Regan dahil siguro sa sunod-sunod niyang trainings at mga laban niya rito sa tournament. Nakapag-white jeans pants at white shoes lang ang suot niya ngayon, wala siyang suot na damit pang-itaas.
Tumabi siya sa akin sa pagkakaupo rito sa kanan at ginulo niya ang mga buhok namin.
"Ano ba?!" Reklamo ni Hitch at hinawi ang kamay ni Regan.
"Huwag mo kaming idaan sa paganito mo Regan! Bakit bumalik ka nanaman rito?! Akala namin ay tinalikuran mo na ito? Alam mo namang mapanganib itong paligsahan na ito." Saway ko sa kanya tutal wala namang pakialam ang mga tao sa paligid namin, I mean may pakialam sila kay Regan dahil halos rito ay fans ni Regan.
Umiling-iling si Regan at sinandal ang kanyang kamay sa backrest ng upuan ko.
"Shsh!" He put his index card on his lips. "Kalma lang kayo, okay? Kayang-kaya ko ang mga yan noh?! Mahihina lang ang mga kalaban ko. Kayo naman masyado kayong matatakutin. Malakas ako, si Reganboy ito eh." pagyayabang niya at hinampas-hampas ang dibdib niya na para bang nalalakasan siya sa kanyang sarili, mataas talaga ang tingin sa sarili niya dahil kung makapagsabi naman ng mahina ang mga kalaban niya eh nagkakapasa na nga ang ibang parte ng katawan niya lalo na sa hitsura niya.
"Hoy Regan! Kampante ka naman noh?! Paano kung mayroong challenger na tataob sa iyo? Paminsan naman paawat ka naman sa pagiging mayabang mo. Nako! Mabuti pa ay umalis na tayo dito." Nagsimula ng tumayo si Hitch at tatayo na rin sana ako ng pinigilan kami ni Regan.
"Teka! Kalma nga kayo! Pag sinabi kong kaya ko, kaya ko." determinado niyang sabi. "Umupo nga kayo ulit." aniya at pinilit kaming maupo ulit.
"Don't tell us na aakyat ka pa ng ring? Tumigil ka nga Regan! Halika na!." pagpupumilit ko at hinihila namin siya ni HItch.
"Okay na Regan, panalo ka rin naman." sabi ni Hitch.
"Hitch, Chi." pumiglas siya sa amin at tinaas ng kaonti ang dalawang kamay niya. "Pasensya na kayo. Hindi ako maaaring mag back-up. Kailangan ko pang lumaban ulit for final round."
Napasapo ako sa noo ko, parang hindi ko na kakayanin ang katigasan ng ulo ni Regan.
"Kaya ka hindi nagkaka-jowa dahil mayabang na nga, matigas pa ag ulo." pangre-real talk ni Hitch sa kanya. She didn't mean to hit his ego, but this is only way for stopping him to fight for his final battle.
YOU ARE READING
Longer Than It Last | Bishima Series 1
RomanceJhin Yukaza is a devil gene carrier that he inherited from his father. His goal is to save the world from evil. Unfortunately, he struggles to put an end of devil's influence from his body. However, despite of his cursed blood, there was someone who...