00

12 3 0
                                    

Noong unang panahon ay laganap ang patayan sa mundong ibabaw at ang tanging tanong ay hindi sino kundi ano?

Hangad ni Astaroth na mapasa-ilalim sakanyang pamumuno ang mundong ibabaw. Si Astaroth ay ang Diyos ng Kasamaan na naninirahan sa impyerno kasama ang kanyang pinakamamahal na asawa na si Lilith. Inutusan niya si Lilith bilang Diyosa ng mga Halimaw na gumawa ng halimaw na magbibigay takot at magpapabagsak sa mga mortal.

Kaagad na sinunod ni Lilith ang utos ng Hari ng Impyerno at ginawa niya ang bloodsuckers o blood demon o mas kilala sa tawag na bampira. Ang bampira ay isang nilalang na hayok sa dugo ng isang mortal at may kakayahang gawing bampira ang sinumang kakagatin nila sa leeg kung kaya't napakabilis nilang dumami.

Dahil sa mga panalangin at pagmamaka-awa ng mga mortal tuwing pagsapit ng gabi ay naawa ang Diyosa ng Buwan na si Selene kaya nilikha niya ang mga lobo upang puksain ang mga bampirang naghahasik ng lagim sa mundong ibabaw.

Ngunit hindi naging sapat ang mga lobo dahil sa mabilis na pagdami ng mga bampira at mga nabibiktima nito. Samantalang si Dracula ang unang bampirang likha ni Lilith ay nagkaroon ng anak na si Vladimir at si Lazarus. Taliwas sa mandato sa mga bampira na maghasik ng lagim ay pinili ni Vladimir ang tumulong sa mga mortal at protektahan ang mga ito dahil sa babaeng pinakamamahal niya. Lubos na naantig ang puso ni Diyosa Selene kaya pinalaya niya si Vladimir sa pagiging hayok sa dugo't laman ng Tao.

Kaya si Valdimir ang kauna-unahang Bampira ang hindi kinakailangan na uminom ng dugo at kumain ng lamang loob upang mabuhay. Siya rin ang kauna-unahang Bampira na hindi nalulusaw o nasusunog sa kapangyarihan ng Diyos ng Araw na si Solano. Bagamat si Dracula ay hindi din nasusunog sa sikat ng araw ngunit di naman siya completong hindi apektado kaya sa gabi naghahasik ng lagim ang mga alagad ni Dracula.

Nakipagtulungan si Vladimir sa mga lobo na pinamumunuan ni Fenrir, upang mapuksa ang malagim na paghahari-harian ni Dracula. Nagdeklara ng digmaan si Vladimir laban sa kanyang ama na siyang malugod na tinanggap ni Dracula. Bagamat napaslang nila Vladimir ang kanyang kapatid na si Lazarus ay hindi naman ganoon ang nangyari kay Dracula.

Dahil sa likas na makapangyarihan si Dracula ay hindi nila ito napatay bagkos ay ikinulong nila ito sa kabaong sa tulong ng isang salamangkera na may basbas ng Diyos ng mga Tala na si Celestia. Ginamitan ni Esmeralda ng majica si Dracula upang makatulog ito ng mahabang panahon at mabigyan nang sapat na oras ang mundo upang makapaghanda sa pagbabalik ni Dracula.

Sa tulong nina Vladimir at Fenrir ay senelyado nila si Dracula at inilibing sa ilalim ng lupa at tanging dugo na nagmula sa angkan ni Fenrir, Vladimir at Esmeralda ang tanging makakpagpalaya sa nakakulong na si Dracula.

Isang daang libong taon na ang nakakalipas at nabaon na sa limot ang kasaysayan ni Dracula ngunit walang kaalam-alam ang mga tao sa modernong panahon na masasaksihan nila ang muling paghahasik ng lagim ni Dracula.

---

Tatlong Daang taon bago ang ika-isang daang libong taon ng pagkakakulong ni Dracula.

"Eh mama ano naman ang nangyari kay Vladimir, Esmeralda at Fenrir?" Tanong ng isang batang babae sa Ina niya.

"Dahil sa bagong abilidad na iginawad ni Diyosa Selene kay Vladimir ay malayang nakakisalamuha sa mga mortal ang angkan ni Vladimir. Hindi alam ng mga tao na Isa palang bampira ang nakakasalamuha nila dahil ganap na silang miyembro ng ating lipunan."

"Eh si Fenrir?" Tanong ulit ng batang babae.

"Gayun din ang kinahinatnan ng angkan ni Fenrir at malayang nakikisalamuha sa lipunan." Sagot ng Babaeng may kulang rosas na buhok na siyang namana ng anak niya.

"Eh si Esmeralda po, Mama?" Tanong ulit ng batang babae habang hinahangin ng hangin ang kulay rosas niyang buhok.

"Si Esmeralda naman ay kakaiba dahil Isa siyang special na uri ng Salamangkera. Ang uri ni Esmeralda ay bukod tanging iisa lang sa mundo. At iisa lang ang gaya niya sa bawat henerasyon. Kaya hanggat hindi pa pumapamaw ang salamgkerang gaya ni Esmeralda ay siya parin ang Isa sa mga susi upang maaplaya si Dracula."

"Ano pong uri ng salamangkera si Esmeralda mama?" tanong ulit ng batang babae

"Si Esmeralda ay isang High Enchantress, Isang diwata at naiiba sa lahat ng uri ng mga salamagkero. Naiiba ang High Enchantress dahil sa uri ng majikang kakayahan nito. Dahil ito ay biyaya ni Diyosa Celestia upang tulongan ang mga tao sa panganib ng mga masasamang halimaw."

"Gusto ko ding maging salamangkera, Mama!" Masayang saad ng Babae.

"Huwag kang mag-alala dahil magiging isa ka ring High Enchantress."

"Wow talaga, Mama?"

"Oo kaya matulog kana diyan, Elvira" at hinalikan ng babae ang kanyang anak sa noo.

---

Ika-isang libong taon.....

"Cerise bilisan mo na diyan at baka gabihin ka sa byahe!" Sigaw ng Isang Babae

"Pababa na ako Tita Celia!" Sigaw ni Cerise habang buhat-buhat ang maletang dadalhin niya papunta sa tutuloyan niyang apartment malapit sa school.

"Oh siya magiingat ka doon sa Orion's Academy, okay?" Saad ni Cecelia at niyakap ang kanyang pamangkin na si Cerise.

"Opo, Tita wag kang mag-alala at saka uuwi naman Ako lag weekend eh" Saad ng binatang si Cerise at niyakap rin ang Tita niya.

"Oh Siya pumanhik kana at baka gabihin ka niya."

"Bye, Tita!" paalam ni Cerise at nagmaneho na gamit ang sasakyan niya papunta sa tutuloyan niya.

---

The Midnight Hunters Where stories live. Discover now