JVee POV:
Ilang minuto pa akong nakatayo lang sa may labas ng gate ng bahay ko, iniisip ko yung mga napag-usapan namin ni Princess. -__________-
Makalipas ang ilan pang minuto pumasok na rin ako kaagad at naabutan ko nga si manang sa kusina.
"Oh manang, bakit po gising pa kayo?"
"Ay nako anak! Iniintay kasi kita at alas-diyes na eh wala ka pa." - Manang
"Nako manang, napasarap kasi kami sa kwentuhan at pag-sashopping nila Paula. Kayo naman, hindi na po kayo nasanay sa amin."
"Syempre naman at ako'y nag-aalala sa iyong bata ka." - Manang
"Kayo talaga. Andun nga po pala sa sala yung mga binili ko para sa inyo at sa mga apo niyo, regalo ko po."
"Jusko areng batang ire at gumasta pa para sa amin eh." - Manang
"Parang iba naman po kayo eh. O sige po at magpapahinga na ako, may pasok pa po ako bukas eh."
"Ipagtitimpla pa ba kita ng gatas anak?" - Manang
"Hindi na po. Makakatulog na naman po siguro ako agad at pagod po ako. Sige po, aakyat na ako. Goodnight!"
"Sha sige. Salamat sa mga pinamili mo!" - Manang
Umakyat na rin ako kaagad sa kwarto ko at nag-linis ng katawan at nagpalit ng damit para matulog na.
"Zzzzzzzzzzzzzzz"
Kinabukas hindi ako nagising agad. Napasarap masyado ang tulog ko.
"Anak gising na may pasok ka pa." - Manang
"Mmmmmmmmm."
"Anak, gumising ka na diyan. Malalate ka na sa school." - Manang
"Mmmmm."
"Anak, malalate ka na. Alas-siyete na oh."
Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko na alas-siyete na pala ng umaga. Nako naman! Malalate na naman ako sa first class ko neto eh.
"Salamat manang. Sige po at maliligo na ako!"
Agad-agad na rin akong naligo, nag-ayos at nagbihis para makaalis na ako ng bahay. Nakalimutan ko pala mag-alarm kagabi kaya siguro ako hindi nagising ng maaga.
"Manang, aalis na po ako."
"Oh eh, hindi ka na ba kakain man lamang bago umalis?" - Manang
"Nako! Hindi na ho. Late na ako 7:50 na ho eh 8:00 ang klase ko."
"Sha, ikaw ay mag-ingat. Magpahatid ka na sa driver." - Manang
"Hindi na po. Mag-momotor nalang ulit ako para hindi ako nalate lalo, panigurado traffic na naman sa dadaanan ko. Mas mabuti ng motor at ng nakakasingit ako."
"Naka-palad ka eh, paano ka mag-momotor? Batang ito talaga." - Manang
"Basta manang. Sige na po late na ako! Bye manang." Umalis na ako kaagad baka kasi makaabot pa ako bago mag-bell para sa time
Sumakay na ako kaagad sa aking motor, buti nalang may shorts akong suot kaya okay na 'to, hindi naman siguro ako masisilipan. Subukan lang nila, babangasan ko naman sila.
BINABASA MO ANG
Last Chance.
RomanceAll Rights Reserved. ® Written by: Recel Masa ** Prologue/ Introduction ** Ilang beses mo ba talaga kailangan pagbigyan ang mahal mo sa mga pagkakamali na magagawa nila sayo? Isa? Dalawa? Tatlo? Apat? Hanggang kelan mo makakayang magtii...