C11

229 11 0
                                        


Nyckolette POV

Bago pa makabalik si Jarren sa table ay nagpaalam muna ako na magbabanyo.

Tinignan ko nag sarili ko sa salamin.

“May gusto ba ako sa kaniya?” aishhhh ayuko papaniwalain sarili ko pero yung sinabi ni Usher, isa pa yung nagpadagdag sa isipin ko.

Naghugas nalang ako ng kamay ko bago umalis pero nagulat ako paglabas ko na nakatayo si Jarren na parang hinihintay ako.

“A-ah magbabanyo ka?” tanong ko pero hindi sya sumagot. Tinitigan nya lang ako sa mata kaya nailang ako sa kaniya. “T-tara balik na tayo. Baka hinahanap na tayo ni Fern” kinakabahan kong dagdag dahil hindi sya nagsasalita o sumasagot.

Maglalakat na sana ako para lampasan siya pero hinila nya ako at niyakap na ikinagulat ko.

“Kolette, I think I liked you.” mas nagulat ako sa sinabi niya. Maramdaman ko ang higpit ng kaniyang yakap pero hindi yung yakap na masasakal ako. Nandon pa din ang maingat nyang pagyakap sa akin.

“A-ano bang s-sinasabi mo, Jarren?” nauutal kong tanong dahil hindi ko maiintindihan.

He likes me?

May gusto sya sa akin?

“I can't hide this feeling anymore.” kumalas sya sa pagkayakap nya sa akin at hinawakan ako sa magkaliwang braso at tinitigan ako sa mata sa mata. “I know na galing kapa sa break up but I get jealous with my brother.”tinulak ko sy sa sinabi niya kaya nagulat sya.

“Anong pinagsasabi mo Jarren?” kalmadong tanong ko kahit ang kabog ng puso ko ay naririnig ko na.

“Gusto kita. Hindi ko alam kung bakit pero gusto kita. I really like you for who you are and I like everything about you.” halata sa boses nya na nhihirapan syang ipaliwanag ang nararamdaman niya.

“Ikaw nagseselos? Sino ba sa atin ang may nagawang mali?” nagulat ako sa lumabas sa bibig ko dahil naalala ko naman ang nangyari kanina nong kumanta siya.

“Huh? What are you saying? I done nothing. Gusto kita, yun lang ang alam ko.” naguguluhan sya dahil wala syang idea.

“Wow, parang hindi kayo nagkatitigan ng babaeng kasama mong kumanta.” napatakip ako ng bibig ko. “Nevermind. Wala lang yung sinabi ko.” tumalikod ako pero tumawa sya kaya napalingon ako at pinaningkitan ko sya ng mata.

“Hey, are you jealous?” bakas sa boses nya ang saya pero umiling ako at tinaasan sya ng kilay. “ Calm down. I don't even know who is she and why she joined me while I'm singing. Promise!” paliwanag niya at tinaas ang kamay bilang promise sign.

“Hindi ako nagseselos no! Ang hangin. Ikaw kaya may gusto sakin.” lakas loob kong pang-aasar sa kaniya pero ngumiti lang sya.

“I won't deny that. Allow me to formally say this to you.” lumapit sya sa akin at hinawakan ang kamay ko. “Let me help you to heal. I'll help you kahit walang kapalit. Hayaan mo akong ipakita na gusto kita ----- na mahal kita.” ngumiti siya at binitawan ang kamay ko.

Nakipagtitigan lang ako sa kaniya hanggang sa ako na ako na ang kusang umiwas at nagsalita.

“Baka hinahanap na tayo ni Fern. Tara!” sabi ko at tumalikod.

Hinabol nya naman ako ay hinawakan sa may pulsuhan at sabay kaming lumabas. Kinuha ko lang ang kamay nya ng papalapit kami kay Fern.

“Wow ha, natagalan yarn? Anong ganap?” nakangising tanong sa amin ni Fern habang pabalik-balik ang tingin sa aming dalawa ni Jarren.

“I get lost. This house is huge. Luckily, nakasalubong ko si Koko.” nakangiting sagot ni Jarren at kinindatan ako. Inikutan ko lang sya ng mata.

“T-totoo iyon. Mabuti nalang nakita ko sya.” sakay ko sa alibi niya kaya tumango nalang si Fern.

THE RED STRING THEORY ( BOOK 1)Where stories live. Discover now