KABANATA 3: ASUL NA MATA

5 2 0
                                    


Gladys's POV

Pinagmasdan ko ang mga kaklase kong busy sa pag-aaral. Wala pang anunsyo na magkakaroon ng quiz o oral recitation pero lahat ay abala sa pag-aaral.

"Denice, 20 lng ba talaga ang estudyanteng makakapasok dito?"

Tanong ko sa nagsusulat na si Denice. Kami lng kase ang may kaunting bilang ng estudyante kumpara sa ibang section.

"Oo, pero dadating ang araw na kukunti na lng tayo"

Taka ko siyang tinignan, "Bakit?"

"Each quarter, each month, days, and weeks, nagiging mas mahirap ang mga subjects natin" tumigil ito at tumingin diretso sa mga mata ko, "and if you fail it, you will be entering section F or what we called section failures" dagdag niya.

"Section F? Nabanggit na 'yan ng principal, pero totoo bang pinapahirapan nila ang mga estudyante roon?"

Tumingin ito sa ilalim at nag-iba ang ekspresyon nito sa mukha.

"Lahat ng nakakapasok doon ay hindi na nakakabalik"

Nanuyo ang lalamunan ko sa sinabi niya.

Hindi na ako muling nakapagtanong sakanya nang biglang dumating si Ms. Emethyst na nagtuturo sa subject naming Philosophy.

Katulad ng palagi naming ginagawa, mauuna si Khalil sa pagtayo bago kaming lahat para batiin ang guro.

"Good morning Miss"

"Seat down"

"Before we start our lesson today, gusto ko lng ipaalam sa inyo na magkakaroon tayo ng long quiz bukas. Be ready because it will be hard." anunsyo ni ma'am na sinabayan niya pa ng napaka striktang awra.

Dark din ang suot nitong make up. Ang kapal ng kilay niya at parang binugbog naman ng blush on ang pisnge niya.

"Miss, paano po ang mga new students?" tanong ng isa kong kaklase na Arkin ata ang pangalan.

"Hindi ko na yan problema" I folded my lips when Miss Emethyst suddenly looked at the three of us, "You can borrow your classmate's notes or..." at ngayon diretso na sa mata ang titig niya, "fail my subject." dagdag niya at tinalikuran kami.

Nag tinginan kaming tatlo at alam kong hindi lng ako ang ayaw bumagsak sa quiz bukas lalo na kung ayaw kong mapunta sa section F. Ayoko pa naman sa Philosophy na subject. Ewan ko ba basta naboboringan ako sa subject na ito.

Inobserbahan ko isa-isa ang mga kaklase kong may hawak na notebook nila. Una kong tinignan si Yuri na malapit lng sa amin. Makapal ang notes niya pero ang hirap intindihin ng sulat kamay niya. Sunod kong tinignan si Denice na nasa harapan ko lng.

Habang nagsusulat si Miss Emethyst sa whiteboard ay kinuha ko na ang pagkakataon para kalabitin si Denice.

"Denice pwede ko bang hiramin mamaya yung notes mo? Promise saglit lng talaga"

"U-uhmm ano kase..." lumukot ang mukha nito at may tinitignan mula sa gilid ko.

"Huwag ka ng sumapaw, Glad, nauna na 'kong mag paalam sakanya" tumawa pa ang loko, sabay kindat sa akin na parang may kasamang pang-asar.

"Sorry talaga..." tinignan nito ang paligid ng room, "Pero may kilala pa naman ako na kompleto ang notes" biglang lumiwanag ang mukha nito.

Tinaasan ko lamang siya ng dalawang kilay.

"Yung presidente" ngumiti siya, "ang kapal ng notes non"

Bumaling ang atensyon ko kay Khalil na ngayon ay nagsusulat na naman at sinusundan ang pagsulat ni Miss Emethyst.

A JOURNEY BEYOND GRADESWhere stories live. Discover now