Gladys's POV
Limang araw na ang nakalipas simula nang makabalik ako rito sa amin. Hindi ako dumiretso sa dating boarding house namin nila Felicity at Varron dahil alam kong marami akong maaalala kapag pumunta ako doon.
Nagtaka sila Mama at Papa kung bakit agad akong nakauwi, wala akong sinabi sa kanilang dahilan. Wala akong magawang dahilan at hindi ko rin alam paano sasabihin sakanila. Bawal din akong magsumbong dahil alam kong ikakapahamak namin iyon kaya mas pinili ko na lng manahimik.
Buti na lng at tinawagan ng Eldritch sina mama. Hindi ko alam kung ano ang ginawa nilang pagdadahilan sa mga magulang ko pero hindi na ako nag tanong. Ayoko ng makarinig ng balita galing sa unibersidad na iyon.
Hindi ko alam kung anong nangyari, pero ang huling naaalala ko na lng mula sa eskwelahang iyon ay iyong pag iimpake ko ng gamit sa dorm. Nagising na lng akong nasa isang hotel at kakaunti na lng ang mga naaalala.
Ngayon, lumipat na ako sa isang unibersidad dito sa amin. Sa mga nakaraang araw, ginugugol ko ang oras ko sa pag-aaral tuwing umaga at pagtatrabaho sa gabi upang hindi ko maisip ang sakit.
Sinusubukan ko na rin makipagkaibigan sa iba at kumilala ng mga bagong tao. Masaya rin naman silang kasama, pero iba pa rin talaga kapag ang kasama mo ay ang mga dati mong kaibigan.
"Glad, kumain ka na," sabi ni Isha, ang isa sa mga bagong kaibigan ko, kaya napatingin ako sa kanya.
Marami akong nakilalang bagong kaibigan dito sa unibersidad, pero sila Isha, Jamaica, at Cade ang pinaka-close ko.
"Kumain ka na, Glad, hindi bagay sa'yo ang gutom," sabi ni Cade habang nilalantakan ang pangatlo niyang plato.
"Tumahimik ka nga, bundat!" sagot ko, sabay irap.
"Bundat? Hindi ako bundat, Gladys. Mas tamang sabihin na... irresistible," sabi niya, sabay pose na parang nasa commercial ng pabango.
"Wow ha, ang kapal mo! Baka ang ibig mong sabihin, irrecoverable," sagot ko, sabay subo ng kanin para hindi tuluyang matawa.
"Excuse me? Alam mo, Glad, kaya hindi ka tumataba kasi ang dami mong sinasabi, nasusunog agad calories mo," asar niya sabay subo ulit ng isang piraso ng manok.
"Ang kapal talaga ng mukha mo, Cade. Magpapasalamat pa sana ako na 'di pa ako nagkakaubos ng pasensya dahil sa'yo!" sagot ko habang pilit na pinipigilan ang tawa ko.
"Uy, uy! Glad, tingnan mo ang nasa likuran mo," biglang sabi ni Jamaica. Kahit nagtataka, lumingon pa rin ako sa likuran ko.
Pagtingin ko, hindi ko agad nakita ang tinutukoy niya dahil puno ng estudyante ang lugar.
"'Yung lalaking naka-leather jacket at may silver necklace," paliwanag niya nang mapansin niyang naguguluhan ako.
Paglingon ko muli, nakita ko ang dalawang lalaki na nasa isang mesa. Isa sa kanila ang suot ang leather jacket at silver necklace. Pagkakita ko sa tinutukoy niya, bumalik agad ang tingin ko kay Jamaica.
"Gwapo, 'di ba?" tanong niya sa akin.
Tumango lang ako dahil totoo naman. Siguradong maraming babae ang may gusto sa kanya dito.
"Parang bad boy," sabi ko pa.
"'Yung tipo ng mga gwapo sa campus pero bully," dagdag ko.
Napatawa si Jamaica sa sinabi ko, at namula pa siya.
"Hoy, girl! Hindi ito NSN Boys, kalma ka lang," sabi niya habang tumatawa pa rin.
"Ay, si Havoc ba? Mabait naman 'yan," sabat naman ni Isha matapos niyang silipin ang lalaking tinutukoy ni Jamaica.
Tumango na lang ako na parang kumbinsido na rin sa sinasabi nila.
Nagulat ako at napatingin kay Jamaica nang bigla siyang tumayo at sumigaw.
"Havoc!" sigaw niya kaya yumuko ako agad dahil napapansin na kami ng ibang estudyante.
Wala talagang hiya si Jamaica, wala siyang pakialam sa mga tao sa paligid.
Paglingon ko muli, nakita kong tumigil na ang ingay sa paligid.
Halos mabilaukan ako nang makita kong nakatingin sa akin ang lalaking nasa harapan namin ngayon.
Malaki ang ngiti ni Jamaica habang nakatingin sa akin at pagkatapos ay kay Havoc.
Ano na naman ang plano ng babaeng 'to?
"Uhm, Havoc, si Gladys nga pala, my new friend. She wants to meet you," sabi ni Jamaica.
Nabilaukan ako ng dalawang beses sa sinabi ni Jamaica. Isang bira lng, Jamaica, tanggal yang anit mo.
"Gladys, si Havoc," pakilala ni Jamaica. Tulala lang ako hanggang sa sinenyasan niya ako na tumayo.
Naunawaan ko naman agad siya kaya tumayo na ako. Iniabot ni Havoc ang kamay niya para makipagkamay. Nagdalawang-isip ako kung tatanggapin ko ba, pero dahil tinitingnan kami ng mga tao, tinanggap ko na rin.
"Nice to meet you," sabi niya habang nakangiti.
Mukhang mabait naman pala talaga.
"If you want, you can eat with us," alok ni Jamaica na may malaking ngiti pa rin.
"You can also bring your friend," dagdag pa niya na mas lalong lumaki ang ngiti.
May kutob akong may pinaplano ang babaeng ito.
Hay naku, Jamaica! Kahit kailan ang kati e.
"Huwag na, mapapagod lang kayo diyan," sabat naman ni Cade, pero binigyan lang siya ng masamang tingin ni Jamaica.
Nag umpisa na ulit kaming kumain kasabay ang mga kaibigan ni Havoc. Tahimik lng ako habang nakikinig sa usapan nila. Ayaw ko ng makisali lalo na't hindi ko naman close ang mga lalaking kasama namin ngayon.
Paminsan ay napapansin kong napapasulyap sa akin si Havoc, pero hindi ko na ito pinapansin. Ang assuming naman!
---
Linggo ngayon, kaya day off ko. Nasa gym ako para mag-work out. Tuwing Linggo, kapag wala akong ginagawa, dito talaga ako pumupunta. Nakasanayan ko na rin ang pag punta rito lalo na pag walang ginagawa. Nagpapapawis at nililibang ang sarili para may makalimutan kahit papaano.
Hindi ko maitatanggi na sa gabi, hindi ko pa rin maiwasang maiyak kapag naaalala ko siya. Kahit anong pagka-busy ko, hindi ko pa rin mapigilan ang sariling hindi umiyak dahil sa kanya.
I miss him.
Pinilit kong umiling para maibalik ang sarili sa normal.
Bago ako nagsimula, pumunta muna ako sa gilid para mag-warm up at mag-stretching.
Napatingin ako sa paligid at napansin kong dumarami na rin ang mga tao rito. May ilan ay pamilyar na sa akin ang mga pagmumukha, pero mas marami ngayon ang mga bagong mukha.
Pagkatapos kong mag-stretching, dumiretso ako sa treadmill.
Nakatutok lang ang tingin ko sa labas dahil salamin ang nasa harapan ko. Pinunasan ko ang pawis gamit ang maliit na towel na nakasabit sa leeg ko.
Tumigil ako makalipas ang ilang minuto sa treadmill at pumunta sa pulldown machine.
Isinuot ko ang earphones para makinig ng music habang gumagawa ng pulldown.
Biglang may pumutok sa loob ko nang hinihila ko ang pulldown bar. Binitiwan ko ito at tiningnan ang ilalim ko. Naku, ngayon pa talaga!
Pulang araw na!
Tiningnan ko ang paligid at nagdalawang-isip kung tatayo ba ako dahil baka may mantsa na sa likod ko.
Puting leggings pa naman ang suot ko ngayon, sobrang bad timing!
Tumingin-tingin ako sa paligid at dahan-dahang tumayo. Kinuha ko ang bote ng tubig at uminom nang hindi nagpapahalata.
Kukunin ko na sana ang bag ko nang biglang may naramdaman akong kamay sa bewang ko.
Tiningnan ko ito, at nakita kong may nagtatali ng jacket sa bewang ko.
Pagharap ko, halos natulala ako sa nakita ko-isang mukha ng lalaki na may bahagyang ngiti.
YOU ARE READING
A JOURNEY BEYOND GRADES
RomanceIsang pribadong eskwelahan na ang mga mayayaman lng ang nakakaalam. Isang paaralan na pinagbabawal ang pagtataksil at ang mga panloloko. In this school, cheaters are not allowed. Once you're caught cheating or get a low grades you will be moved to a...