KABANATA 8: ANG IYONG KALIGTASAN

3 1 0
                                    

Gladys's POV

Awkward pa rin ang paligid dahil sa nangyari at sinabi kanina ni Khalil, pero andito pa rin ako ngayon sa harap niya habang siya na nakaupo at may binabasang kung ano.

Bumaling ang tingin ko sa bintana. Umiiyak na ang langit.

Kumusta na kaya sila Varron at Felicity?

"Matagal na itong nangyayari. Kaya ko sila kilala," biglang sambit ni Khalil, dahilan upang mapatingin ako sa kanya.

Buti na lng at iba na ang pinag-uusapan namin ngayon. Ayoko munang pag-usapan ang mga sinabi niya kanina. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon.

"Bawat limang taon, ginagawa ito ng principal. Pero kahit isa sa amin na mga presidente, walang nakakaalam kung bakit."

Hindi ako sumagot. Naghintay lang ako sa mga susunod niyang sasabihin.

"Bilang nasa posisyon, may karapatan kaming malaman ang mga plano ng principal — siguro para na rin may makatulong sa kanila."

"Isang araw lang ito. Umaalis din agad ang grupo nila Blad pagkatapos. At makalipas ang limang taon, babalik sila. Ang mga makakaligtas sa isang araw na ito ay mabubuhay, pero ang hindi, mawawala."

Mas tumindi ang kaba ko sa sinabi niya. Kung hindi ko lang sana nabitawan si Felicity, kasama ko pa sana sila ngayon.

"Paano ang mga gusaling nasunog?" tanong ko habang umiinom siya ng kape.

Ngumiti siya bago sumagot.

"That's the special thing here. You'll know tomorrow."

Nagpaalam si Khalil na mag-ccr na muna kaya andito ako ngayon sa pintuan tinitignan ang tahimik na paligid at ang ulan na tumila na.

Dahan-dahan akong lumapit sa CR upang pakinggan kung tapos na ba si Khalil para makalabas ako at maghanap kina Varron at Felicity.

Idinikit ko ang aking tainga sa pinto ngunit wala akong marinig mula sa loob kaya't inidikit ko pa lalo ang tainga ko. Hanggang sa biglang bumukas ang pinto at nagdulot ito ng pagkahulog ko at pagkadikit sa isang matigas na bagay.

Tumayo ako agad nang mapagtanto ko na si Khalil pala ang nasandalan ko. Lumingon ako nang makita ang kanyang katawan na basang-basa pa at ang isa niyang towel na nakasabit sa kanyang leeg.

"U-uhm, don't get me wrong, gusto ko lng na-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang siya'y magsalita.

"No need to explain, ma'am," sagot niya at ngumiti bago siya umalis.

I was just dumb for the past few minutes while my cheek was so hot to the point that you could cook on it.

Sinampal ko ang sarili kong pisnge upang maibalik ako nito sa sarili. Tinignan ko ang kwarto ni Khalil at wala pa ring lumalabas dito kaya muli akong lumapit papunta ng pintuan. Pagkakataon ko na ito upang makalabas habang abala pa si Khalil.

Pagbukas ko ng pinto, ang malamig na hangin agad ang bumungad sa akin at ang madilim na paligid. Medyo madilim na ang paligid dahil sa patuloy na pag ulan kanina.

Nagsimula akong maglakad ngunit nakakapagtaka na wala na akong nakikitang mga lalaki sa paligid na may hawak na mga baril. Tahimik na ulit ang paligid at wala nang mga putok mula sa mga baril.

Hanggang sa nadaanan ko ang aming gusali, madilim na rin ang paligid at wala nang apoy na umiikot dito. Siguro nawala na ito pagkatapos ng malakas na buhos ng ulan kanina.

Tumakbo ako nang makita ko ang isang building na hindi nasunog, umaasa na nandun ang mga survivors at sina Felicity.

Pagpasok ko, madilim na hallway agad ang nakita ko. Diretso lng ako sa paglalakad hanggang makarinig ako ng mga tinig ng mga lalaking papunta sa direksyon ko kaya't binuksan ko ang isang pinto at pumasok doon upang mag tago.

Tinakpan ko ang aking bibig nang lumakas ang mga tinig nila at ang kanilang mga hakbang.

Huminga ako ng malalim nang mawala ang tunog ng mga hakbang at boses mula sa labas.

"Wise choice," narinig ko mula sa likod ko, isang boses ng lalaki.

Tulad ng iba, naka-jacket din siya at itim ang kulay. Nakatingin siya sa akin habang ngumisi ng may kakilabutan.

Umatras ako papunta sa pinto dahil sa matinding titig at ngisi niyang nakakatakot. Binuksan ko kaagad ang pinto nang makita kong papalapit na siya sa akin.

Tumakbo ako ng mabilis ngunit hindi ko na alam kung saan ang labasan dahil sa sobrang takot, nawalan ako ng lakas.

Huminto ako at napaupo sa sahig dahil sa lakas ng tunog ng putok ng baril. Tinakpan ko ang aking mga tainga dahil sa ingay na halos nakakabingi na.

Kahit nanginginig na ang aking tuhod, tumayo pa rin ako at pumasok sa isang silid. Sinuri ko ang paligid bago ako pumunta sa sulok at nagtago doon.

Pumikit ako at tinakpan ulit ang aking mga tainga nang magsunod-sunod na putok ang narinig ko.

Yumuko ako at pinakawalan ang mga luha na kanina pa gustong tumulo.

Nalilito ako kung ano ang gagawin ko. Tumakas ako para hanapin sila Felicity at Varron, pero narito ako ngayon, nagtatago.

Huminto ako sa pag-iyak nang may marinig akong pagbukas ng pinto.

Nakayuko pa rin ako dahil hindi ko kayang tingnan kung sino iyon dahil sa takot. Kasama na rin ang aking katawan na parang naging estatwa at hindi makagalaw.

I feel so weak at hindi ko na kayang tumakbo pa. Kung dito na lang talaga ako, tatanggapin ko na.

Wala na akong magagawa kundi ang muling umiyak. Akala ko kaya ko, pero hindi ko man lng mailigtas ang sarili ko ngayon.

Huminto ako sa pag-iyak nang may naramdaman akong kamay na pumulupot sa aking katawan.

Ang kanyang katawan na nagtanggal ng lamig na aking nararamdaman at ang kanyang kamay na nagbigay ginhawa sa aking pakiramdam.

"sshh," ang mahinang sabi niyang dahilan upang ako'y tumingin upang makita siya.

Bumungad sa akin ang kanyang mga mata na puno ng pag-aalala.

President Khalil.

"I am here, you're safe now."

A JOURNEY BEYOND GRADESWhere stories live. Discover now