KABANATA 12: FIRST LOVE

5 1 0
                                    

Gladys's POV

"Nag gy-gym ka pala?" tanong ko kay Havoc na kasalukuyang kumakain ng salad.

Dinala ko siya sa malapit na kainan sa gym namin dahil tinulungan niya ako kanina. Gulay lang ang inorder namin dahil galing pa kami sa workout.

"Oo, kakatransfer ko lang dito sa gym since lumipat na ako ng condo."

Nakanganga na lang ako sa sagot niya, may kaya pala itong si Havoc e. Medyo nag-atubili na tuloy ako sa nilibre ko sakanya.

"Ikaw?" tanong niya sa akin.

"Pangalawa ko pa lang sa gym na 'to dahil kakalipat ko lang din," sagot ko sabay ngiti sa kanya.

"Aahh, tama. Narinig ko nga na transferee ka?"

"Oo."

"So, saan ka galing na university?" tanong niya, dahilan para malunod ako sa ininom kong tubig.

"U-uh, malayo, sobrang layo HAHAHAHAHAHAHA," sagot ko sabay tawa para hindi niya mahalata na medyo apektado ako sa tanong niya.

"Sayang, sigurado may mga kaibigan ka na dun no?"

Naramdaman ko ang bigat ng kanyang mga salita, at hindi ko maiwasang magtulungan ang aking mga mata, sabay saglit na pagtitig sa kanya. Parang may mga salitang hindi ko kayang ipaliwanag na tumama sa akin sa tanong niyang iyon.

Kamusta na kaya sila?

Isang tanong na tila may kasamang hinagpis na hindi ko kayang pakawalan. Ang mga tanong at alaala tungkol sa kanila ay patuloy na bumabagabag sa akin. Kung saan-saan na ako napadpad, ngunit sa bawat hakbang ko, nariyan pa rin ang mga tanong na hindi ko matugunan — kung okay ba sila, kung masaya ba sila, kung ako pa ba ang naiisip niya.

Naisip ko, kaya ba niya akong makalimutan?

Dumaan ang ilang buwan at napapadalas na ang pag gala namin ni Havoc. Paminsan naman ay kasama namin ang grupo. Nag tagal kase parang nag sama na lng talaga ang mga kaibigan ni Havoc at ang tatlo kong kaibigan.

Paminsan ay nag-aaya ang mga tropa ko na mag-beach, mag-bar, mag-golf, at kung ano-ano pang aktibidad na makakabutas ng pitaka. May isa pa ngang araw na nag-aya si Havoc na pumunta ng Japan.

"Pilitin niyo na nga itong si Gladys na sumama sa Japan. Masyado nang nagpapaka adult e. Ikaw ha, baka may anak ka ng tinatago sa amin" biro ni Havoc habang tumatagay.

Napailing si Cade habang nakangiti. "Wala kang magagawa, Havoc. Si Gladys kasi, busy maging responsible citizen," dagdag niya, sabay may air quotes pa.

"Responsible citizen daw?" sabat ni Havoc, kunwaring may reklamo. "Pwede ba kaming sumama sa responsibility mo? Kasama ang flights at five-star hotel?"

"Bakit ako lang ang pinipilit mo, ha?" tanong ko, kunwaring nagtataka. "Baka naman may hidden agenda ka, Havoc?"

Biglang tumigil si Havoc, halatang nabigla sa hirit ko. "Ano? Ako? Hidden agenda? Wala, uy! Supportive lang ako bilang tropa!"

"Supportive nga," singit ni Cade, pero halatang nang-aasar. "Pero nung huli nating gala, di mo maalis ang tingin kay Gladys habang nagsasayaw."

"Hindi ah! Nag-aalala lang ako baka madulas siya sa heels niya! Ayoko nang may injury sa tropa. Ang bigat pa naman ni Gladys kung sakaling magpapabuhat pa"

"Aba, concerned," dagdag ni Cade habang tumatawa.

"Puro kayo kalokohan," sagot ko, pero napapatawa na rin. "Kung ganyan lang ang usapan, baka mauna pa kayong dalawa mag-immigrate sa Thailand."

A JOURNEY BEYOND GRADESWhere stories live. Discover now