--3 YEARS AFTER--
Khalil's POV
Nasa kwarto ako ngayon, nakatingin sa aking repleksyon sa salamin.
Napangiti ako habang naaalala ko — ngayon ang araw ng kasal ko sa babaeng mahal ko.
Kinuha ko ang litrato niya mula sa pitaka, at doon bumalik sa isip ko ang lahat. Kung paano kami nagkakilala at kung paano ko siya unang nakita.
I knew as soon as I saw her. My heart began to beat faster than it ever had before, as if the air in the room had been sucked out. I couldn't take my eyes off of her as she stood across the room laughing with her friends.
I know it was called 'love at first sight.'
Hindi ko ipinakita sa kanya na tuluyan na akong nagkakagusto sakanya dahil alam kong mauuwi kami sa sitwasyon na ayaw ko kung hindi ko pipigilan ang nararamdaman ko. Ngunit hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na hindi siya lapitan o tulungan tuwing nasa panganib ito. Kahit anong pigil ko sa sarili kong wag siyang tulungan, sa isang tingin lang niya sa akin, talo na ako.
Ang tingin niyang hindi ko kayang talikuran.
Sa bawat tingin ko sa kanya, bumabalik ang alaala ng unang araw na nakita ko siya at nalaman kong siya na ang para sa akin.
Tumigil ako sa pagtitig sa larawan ni Gladys nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko dito sa hotel. Paglingon ko, agad kong nakita si Havoc na nakangiti.
Ngumiti rin ako habang papalapit siya sa akin.
"Congrats," sabi niya sabay yakap.
"Salamat. Huwag kang mag-alala, makakakita ka rin ng para sa'yo balang araw," biro ko sa kanya, sabay tawa.
"Talaga lang, ah? O baka naman sa dulo, ikaw pa rin ang maghahanap ng babae para sa akin?" sagot niya habang umiiling-iling.
"Naku, Havoc, kung sa bagay ng pag-ibig, mas maganda siguro kung mag-focus ka na lang muna sa gym. Baka sakaling 'yung dumbbells mo ang maging first love mo," sabi ko sabay hampas ng mahina sa braso niya.
"Psh! At least ako, consistent! Hindi tulad mo, muntik ka pa nga noon masiraan ng bait kakaisip kung liligawan mo si Gladys o hindi," balik niya, tumatawa rin.
"Oy, teka lang! Pinag-isipan ko 'yun ng mabuti, ha. Hindi tulad ng pagpapasya mo kung kakain ka ba ng salad o extra rice."
"Grabe ka! At least ako, balance ang priorities! Pero sige na nga, mukhang ikaw naman ang panalo ngayon. Congratulations na nga ulit, pero tandaan mo, ako ang unang susugod kung may aaway sa inyo."
"Sus, drama mo! Pero salamat, alam kong lagi kang nandiyan."
Biglang bumukas ulit ang pinto, kaya nilingon ko iyon, pero wala akong nakita. Pagtingin ko sa baba, nandoon ang anak kong babae.
"Daddyyy," tawag niya, kaya lumuhod ako sa harapan niya.
Napangiti ako nang makita siya — kuhang-kuha ang itsura ng nanay niya.
"How did you get here, darling?" tanong ko habang hinahaplos ang ulo niya.
"I followed tito Havoc," sagot niya habang nakangiti sa akin.
Hindi ko na mahihiling pa ang iba kundi makasama sila hanggang sa huli kong hininga. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang aking anak. Sa kanyang inosenteng mga mata, nakikita ko ang pagmamahal at kasiyahang hindi matutumbasan ng kahit ano sa mundo. Parang kahapon lang nang una kong makilala ang kanyang ina, ang babaeng pinakamamahal ko, at ngayon, narito na ang bunga ng aming pagmamahalan — ang pinakamalaking biyaya sa aking buhay.
YOU ARE READING
A JOURNEY BEYOND GRADES
RomanceIsang pribadong eskwelahan na ang mga mayayaman lng ang nakakaalam. Isang paaralan na pinagbabawal ang pagtataksil at ang mga panloloko. In this school, cheaters are not allowed. Once you're caught cheating or get a low grades you will be moved to a...