C13

205 11 2
                                    

Nyckolette POV

Napahiga nalang ako sa kama dahil sa pagod. Nakarating ako sa bahay na lutang dahil una, hindi ko iniexpect na mananalo kami ni Jarren. Pangalawa, yung nagsolo akong kumanta sa stage at hindi ako sanay na on the spot yung kakantahin. Panghuli, yung mga napag-usapan ng dalawang makulit na yun.

Hinatid pala ako ni Jarren sa bahay kaya nakarating akong safe.

“Hay nakakapagod.” reklamo ko habang sinusuklay ang buhok ko.

Naligo kasi ako dahil sa sobrang init at para na din fresh.

Pinatuyo ko ang buhok ko at natulog na.

*

Lumipas ang mga araw at linggo ay naging busy na kami lalo na kailangan na ang projects namin na last week pa. Araw-araw namin pinupuntahan sa boutique nina Jarren ang tinatahi at patapos na iyon. Ikakabit nalang ang mga sequins nya.

“You think bagay ito saakin?” tanong ko sa kaniya.

“I know it will suit you perfectly. Trust me and yourself.” paninigurado niya sa akin kaya tumango nalang ako dahil wala naman akong choice kundi maniwala sa sarili ko.

Day by day ay nagiging close kami at mas naging extra sweet sya sa'kin. Hatid-sundo niya ako at lagi din akong pinapapunta ni Tita Jho sa kanila para magbonding kaya hindi ako makatanggi.

Hypocrite ako kapag sinabi ko na hindi ko magugustuhan si Jarren dahil sa pinapakita niya sakin. Pinapakita nya ang tunay na sya. Nagagalit siya, nagseselos, mabait at kung ano talaga ang tunay niyang nararamdaman.

“Kumain muna tayo.” napangiti ako ng makita ko siyang may dalang box ng Pizza at soda.

“Hay thank you.” sabi ko at naupo.

“I have something to tell you. ” napatingin ako sa kaniya habang kumakain. “Uh, I already told my family that I'm courting you.” napatango nalang ako kasi hindi ko alam ang sasabihin ko.

Tama ang narinig niyo. I allowed him to court me dahil sabi ni Fern ay subukan ko ang nararamdaman ko.

It's better to take risk than losing a chance.

Sabi nga nila, it's better na mapapasabi kang 'at least ginawa ko' kaysa sa 'sana ginawa ko nalang'.   Sa sobrang taas ng pagsisisi na laging nahuhuli kaya hangga't pwede, never getting scared of taking risk.

“Hey. Are you okay? ” bumalik ako sa realidad dahil sa pagtawag niya. Umiling lang ako.

“I'm okay. Anong sabi ng parents mo?” kinakabahang tanong ko.

“They are all happy especially Mom. She likes you  a lot.” sagot naman nito kaya parang nabunutan ako ng tinik.

I don't want to hve conflicts with someone who's close to me dahil una, ayuko na maging reason ng away. Pangalawa, ayuko ng gulo. At panghuli, gusto kong may proper connection sa tao.

“Kolette, may naghahanap sayo sa labas.” si Fern ay pumasok sa boutique nina Jarren kaya napatayo kaming dalawa ni Jarren.

“Sino daw? ”tanong ko.

“Mother mo daw.” nagulat ako pero alam kong hindi si Mama ang tinutukoy niya kundi ang biological mother ko.

“Dito lang kayo. Ako lang ang lalabas.” sabi ko at naglakad palabas para harapin sya.

Malayo palang ay nakita ko na siyang nakatayo kasama ang dalawang bodyguard na nakasama niya din sa bahay noong pumunta siya.

Lumapit ako sa kaniya pero tatlong hakbang ay tumigil ako sa harap nya.

THE RED STRING THEORY ( BOOK 1)Where stories live. Discover now