Nakita nanaman kita, parati ka paring nagsisimba kasama mo rin si tito't tita.Naaalala ko dati binubulabog kita sa pagtulog mo para lang magsimba,
tumatawa pa si tita dahil minamadali kita,
isang beses nga maling medyas pa ang iyong nakuha,
akalain mo yun asul at dilaw suot mong medyas sa pagsimba,
gusto mo pang magpalit peru dahil sa kakulitan ko nakalimutan mo na.Sobrang saya talaga nong mga panahon na yun,
akala nga ng mga magulang mo na magkasintahan tayo,
tatawa lang tayo,
peru sa kaloob looban ko hiniling ko na sana itinuran nila'y maging totoo,Habang nagsisim napapangiti nalang ako ng mapait,
idagdag mo pa mga sinasabi ni padre,"minsan kailangan nating sabihin yung nararamdam natin sa isang tao wala kasing saysay kung sa gawa natin ipapakita"
Pasensiya na duwag ako,
paano kung hindi niya rin ako gusto,
paano kung hanggang kaibigan lang kaya niyan ibigay,
paano kung masira yung pinagsamahan namin,
ang dami kung tanong,
peru sa huli ito na yung kinakatakutan ko yung hanggang tanaw nalang ako.