Papa
Ama
Tatay
Daddy
Itay
Amang
Papang
Papsy
Dads
Kahit ano pa tawag sa natin kaniya isa lng ibig sabihin nun..
Siya ang dahilan kung bakit humihinga ka ngayon.
Kung bakit nandito ka sa mundo. Siya ang haligi ng tahanan.
Siya ang nag poprotekta sa pamilya niya. Ang nagbibigay
pangangailangan para sa pamilya. Nagbibigay pagmamahal
at Nagtatanggol sa mga anak niya. Ang nagtuturo at
naggagabay sa buhay. Ang sandigan mo pag my problema
ka. Ang magsasabi sayo kung ano ang tama at mali. Ang
mamagalit pag my nagawa kang masama. Isa sa magiging
pinakamasaya pag may nagawa kang tama. Ang
ipagmamalaki ka sa ibang tao. Ang magsusumikap para lang
maabot ang mga pangarap mo. Ang nandiyan sa tabi mo sa
lahat ng masasayang sandali ng buhay mo.
Pero paano pag ang Papa mo ay hindi ganun?
Paano pag wala siya sa mga araw na importante sayo?
Paano pag hindi niya supportado yung mga ginagawa mo?
Paano pag ayaw niya sa mga plano mo?
Paano pag hindi ka niya kayang ipaglaban?
Paano pag ang Papa mo ay iniwan ka bata ka pa lang?
Paano pag ipinagpalit kayong pamilya niya sa iba?
Paano pag nakikita mo siyang masaya kasama ang iba?
Paano pag hindi mo maramdaman na importante kayo sa
kanya?
Paano pag naramdaman mo na hindi ka niya mahal?
Paano?
Ano ang mararamdaman mo?
Aaminin ko, hindi perpekto ang Papa ko. Broken family kami.
10 yrs old pa lng ako iniwan na niya kami. Ipinagpalit sa
ibang babae. Ang sabi magulo na daw sila ni Mama. Na my
mahal na siyang iba.
22 na ako ngayon.. Akalain mo yun?
Ang tagal na pala.. 12 taon na nakalipas. Siguro pag sa iba
sasabihin na, ok na ako sa set up namin. Matagal na yun
kaya nakalimutan ko na. Na masaya ako na masaya na mga
magulang ko. Na lumaki ako na hindi gumigising sa umaga
sa ingay ng pag-aaway nila. Na wala ng nagsisigawan sa loob
ng bahay na halos naririnig ng buong barangay. Na hindi na
nakakahiya habang lumalaki na naririnig ng kapitbahay ang
pag aaway nila. Na tahimik na.
Siguro yun ang sasabihin ng iba. Actually, yun din talaga
ang sinasabi ko. Pag may nagtatanong na.
BINABASA MO ANG
PAPA
Short StoryHonestly wala talaga akong planong gumawa ng ganito.. Pero nagawa ko na. Kaya kayo nalang ng bahalang magpasensya.. Ito ay produkto lamang ng bugso ng aking damdamin..lolzz.