Prologue

4 0 0
                                    

"ANAK, may kukunin lang si tatay kay tiyo Ben mo, ah? Dumito ka lang, maupo ka lang diyan," wika ni Jong sa anak nito na walong taon na gulang kung saan busy sa kinakain na tinapay

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"ANAK, may kukunin lang si tatay kay tiyo Ben mo, ah? Dumito ka lang, maupo ka lang diyan," wika ni Jong sa anak nito na walong taon na gulang kung saan busy sa kinakain na tinapay.

"Opo," nakangiting sabi ng anak nito. Napangiti si Jong sa napaka cute na anak nito.

Pinunasan nito ang mga nagkalat na cholate sa labi at pisngi ng anak.

"Sige, mabilis lang si tatay.." hinalikan nito ang anak sa labi at sa pisnge saka tumayo na.

"Kiren, pasuyo naman sa anak ko, babalik din ako agad," pakiusap nito sa isang dalaga.

"Sige ho' kuya Jong, ako na po bahala sa anak niyo," anang dalagita. Tinanguan niya ito.

Akmang ta-talikod na sana ito nang pigilan ito ng anak niya.

"Tatay.." tawag ng anak nito sa kaniya. Nagtatakang niyuko naman nito ang anak.

"Bakit, anak?" tanong nito sa anak. Itinaas ng anak nito ang kamay na animo'y may gustong bagay na makuha.

"Penge tampo po," hiling ng anak nito. Natawa naman ito sa anak.

"Para saan naman, anak?" natatawang tanong nito.

"Para po sa Kongton Kendi," ngumuso ang anak nito. Tiningnan nito ang ang hawak ng anak niya na tinapay. May dalawang pirasong pande-coco pa sa plastik na hawak nito.

"Oh, hindi ka pa ba busog sa tinapay mo? Nakaka-tatlo na nga ang anak ko.."

"Hindi pa," umiling-iling ang anak nito.

Natawa ito. Mukhang wala na itong magagawa kundi ang bigyan ito ng pera. Kumuha ito ng papel sa bulsa at ibinigay ang bente pesos sa anak. Nagliwanag naman ang anak nito sa ibinigay ng tatay niya.

"Wow! Mayaman na ako, tatay!" masayang wika ng anak. Napangiti naman si Jong.

"Mayaman agad, anak?" natatawang wika naman ni Jong. Sunod sunod ang pagtango ng nito sa kaniya.

"Oh, sige na.. Bumili kana ng cotton candy mo kasama si ate Kiren mo. Mauuna na muna si tatay, ingat sa paglalakad, ah?" bilin nito sa anak. Muling tumango ang anak sa kaniya.

Tumalikod ang anak nito sa kaniya at inabot ang kamay ni Kiren upang humawak saka naglakad paalis.

Pinagmasdan ni Jong ang anak nito na tuwang tuwa habang naglalakad papalayo.
Naalala nito ang asawa.

Len, sana na rito ka.. Kasama ko ang anak mo sa pinapangarap mong bahay...

Naisa-isip niya. Binalingan nito ang bagong bahay nila ng anak at asawa. Emosiyonal itong ngumiti.

Ikaw na lang ang kulang, Len.. Sana na rito ka pa, kasama namin..

Bago pa ito maging Emosiyonal, naglakad na ito pa palayo at tumungo sa bayaw nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 2 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Yes She IsWhere stories live. Discover now