puta, kanina pa ako paikot-ikot dito sa loob ng library hindi ko naman sila makita.
asan na ba kasi mga ’yun?
naglakad pa ako ng bigla akong may nabunggo.
“aray.” daing ko, at tiningnan kung sino yung nabunggo ko.
kung minamalas ka nga naman.
“watch where you're going.” bakas sa boses nito ang inis, halata dahil sa pagkakadiin ng kaniyang pagkasabi.
tutuloy na sana muli itong maglakad ng biglang nagtama ang mga mata namin.
“you–” pero bago pa man niya matapos ang kaniyang sasabihin ay nagmadali na akong lumakad paalis at nagtungo sa pinaka dulong parte ng library.
“tangina, muntik na.” sabi ko sa aking sarili habang hinahabol ang aking hininga.
maya-maya pa ay may nagsalita sa gilid ko.
“ginagawa mo diyan? mukha kang tanga." sabi nito kaya naman nilingon ko ito. sila seokmin lang pala.
“tangina niyo, mali ata binigay niyo e.” reklamo ko at agad na nagtungo kung saan sila nakaupo.
“bobo ka lang talaga sa direction, sabi ni wonwoo hyung e kanan, galing ka naman sa kaliwa.” sagot ni seokmin habang iniirapan ako.
pinakyuhan ko lang ito at umupo sa tabi ni wonwoo na tahimik na nagbabasa.
“nagkabungguan kami ni minghao.” panimula ko.
“buti hindi ka pa namatay.” sabat naman ni seokmin na ngayon e nakaupo na sa tabi ni seungcheol hyung.
“bwisit ka, seokmin.” sabi ko rito at pinakyuhan muli.
“oh tapos ano nangyari? namukhaan ka ba?” tanong naman ni hoshi habang may dinudutdot sa cellphone niya.
“ewan, oo ata. hindi ko alam. tinakbuhan ko siya agad e.” sabi ko habang nag-iisip.
“imposibleng hindi ka mamukhaan no'n.” sabi naman ni seungcheol hyung.
“mag-sorry ka na lang kasi.” sabi naman ni hoshi.
“ayoko, gago. mas gugustuhin ko pang kumain ng tae kaysa magsorry doon.” sabi ko.
wala silang magagawa, pag sinabi kong ayaw ko. ayaw ko. magkamatayan na lahat, hinding-hindi ako magsosorry sa lalaki na ’yon.
“sige sabi mo yan ha, kainin mo na tae ko. tutal mataas pride mo e.” sabi naman ni seokmin.
“dugyot amputa.” reklamo ko sabay hampas kay seokmin.
“aray! sabi mo kasi mas gugustuhin mo pa kumain ng tae kaysa magsorry e. edi kainin mo tae ko! tangina nito.” bulyaw ni seokmin habang hinihimas ang braso niyang hinampas ko.
“bakit ayaw mo kasi magsorry?” sabi naman ni wonwoo na ngayon lang nagsalita.
“ah, basta. ayaw ko.” sabi ko at nagsimula ng tumayo.
“bahala ka sa buhay mo, jun. kung ako sa’yo mags-sorry na ako.” sabi naman ni hoshi.