“gago, cheol hyung. akala ko ba kakausapin mo si jeonghan hyung e bakit andito si minghao?” sabi ko rito habang pilit na tinatago ang sarili sa likod niya.“kinausap ko nga.” sagot naman niya sa akin.
“kinausap e andiyan nga si minghao. baka mamaya hinahanap ako niyan tapos aabangan pala ako tapos bubugbugin ako.” sagot ko naman habang nagtatago pa rin sa likod niya.
“alam mo, hui. ang oa mo. mas oa ka pa ata kay seokmin e.” sabi naman sa akin ni wonwoo na ngayon ay para bang hinuhusgahan ang buong pagkatao ko.
“ako na naman, nanahimik na nga ako rito e.” sabi naman ni seokmin na nakanguso pa habang kumakain ng burger.
“ginagalit niyo na naman si seokmin mamaya sipain kayo bigla niyan. unicorn pa naman ’yan.” sabi naman ni hoshi na pinipigilan ang tawa.
“tangina mo, singkit. mabulag ka na sana ng tuluyan.” inis na sagot naman ni seokmin habang pinandidilatan ng mata si hoshi.
tumawa naman ng malakas si hoshi at hinampas-hampas pa ako.
“aray! tangina nito masakit!” sagot ko naman habang galit na hinampas din siya pabalik.
“umalis ka nga diyan sa likod ko, jun. hindi ka naman hinahanap ni minghao. assuming ka lang.” sabat naman ni seungcheol hyung habang unti-unting umaalis sa harapan ko.
ayan, kitang-kita na tuloy ako, puta.
“assuming nga ’yan. inassume nga niyan dati na crush ko siya kasi raw lagi ko siya inaaway.” sabat ni seokmin.
“naging crush mo naman talaga si jun no’n. in-denial ka lang.” sagot naman ni wonwoo na walang emosyon ang mukha.
“ulol. pangit-pangit ni jun. ako magkacrush diyan? naur way!” saad ni seokmin na para bang nandidiri.
“ulol, mas pogi nga ako sa’yo. tara na nga. bakit pa ba tayo nandito?” sabi ko naman at nagsimula ng maglakad palabas ng cafeteria.
“ewan, para ka kasing tanga.” belat sa akin ni seokmin.
“tangina mo talaga, seokmin.” sabi ko rito at pinakyuhan.
pagtapos nito ay inaya ko na sila na umalis ng canteen at sa may garden ng school na lang kami tumambay.
maya-maya pa ay natanaw ko sila jeonghan hyung na papalapit sa amin. ngumiti ito agad sa amin tsaka siya umupo sa tabi namin.
akala ko siya lang ayun pala andoon din ang ibang tropa niya.
tangina, andito rin siya. ’wag niyo sana ako pabayaan mamayang uwian lord.
“hello, p’wede ba kami rito?” tanong ni jeonghan hyung.
“yes naman, the more the merrier!” sabi naman ni seokmin.
“sus, andiyan lang crush mo e.” sabi naman ni hoshi kaya nasiko siya ni seokmin.
“aray naman!” daing ni hoshi pero pinandilatan lang siya ng mata ni seokmin.
“pasensya na kayo sa kanila ha medyo abnormal lang yang mga yan.” sabi naman ni seungcheol hyung habang tumatawa ng mahina.
“okay lang, ganiyan din naman ’tong mga ’to kunwari lang na nahihiya.” sagot ni jeonghan hyung sabay tawa.
“by the way, let's introduce ourselves.” sabi naman ni joshua hyung yung crush ni seokmin.
“hi, my name is hong jisoo but you can call me joshua.” pakilala nito sa kaniyang sarili sabay ngiti.
“hi, i'm mingyu!” sabi nung pinaka matangkad sa kanila. kanina ko pa ’yan nahuhuling nakatitig kay wons.
“i'm jihoon or woozi bahala na kayo kung ano gusto niyo itawag sa akin.” sabi naman nung singkit din tapos medyo maliit. ito ata yung crush ni hoshi na sinasabi ni seungcheol hyung.
“kilala niyo naman na ako pero i'm jeonghan.” sabi nito sabay ngiti ulit.
kaya pala in love na in love si seungcheol hyung dito e. maganda na, gwapo pa.
at ayan magpapakilala na siya.
“hello, i'm xu minghao. i'm chinese. my korean name is seo myungho.” sabi nito habang nanatili ang mata nito sa akin.
“ayan, nagpakilala na kami. kayo naman?” sabi ni jeonghan hyung, tumango naman si seungcheol hyung at siya na ang unang nagpakilala.
“i'm seungcheol, same grade with jeonghan and joshua.” sabi ni hyung sabay ngiti.
“hello~ guys! my name is dk~! dokyeom, lee seokmin!” sabi ni seokmin na may halong pakaway-kaway pa.
tumawa naman sila at nag“hi dk”.
“hi, i'm wonwoo.” sabi ni wons na wala man lang emosyon ang mukha tapos bumalik na sa binabasa niya.
“eyes of tiger! hi, i'm hoshi!” sabi naman ni hoshi at ginawa ulit ang tiger pose niya.
ako na pala. sabihin ko rin ba na chinese ako?
“wen junhui. i'm also chinese. moon junhui is my korean name.” sabi ko ngumiti ng bahagya.
“nice to meet you guys! sayang wala si seungkwan dito pati si chan. busy pa e. baka bukas andito ’yun.” sabi naman ni jeonghan hyung.
ngumiti naman si seungcheol hyung at sumagot. “ayos lang, kulang din kami e.”
ah, si hansol. kailan kaya balik no'n baka galit pa rin sa amin ’yun.
natapos na ang break time at nagsibalik na kami sa kani-kaniyang classroom namin.

YOU ARE READING
x send | junhao
Fanfictionwherein junhui accidentally sent a message to the wrong person.