A/N: Hi! I am currently not capable to write everything at once and update every week as well, so, here's a teaser for y'all. hope you'll love every tease of it. mwaaa! (つ>⸝⸝⸝⸝<)つ。☆
🌙🐇
So, I guess...
“I love you...”
Kumakabog ang puso ko, mas malakas pa kaysa sa nag daang araw na nakakasama ko siya.
"H-Ha?" tila nabibingi na sagot ko.
“I said, I love you!” pag uulit naman niya mula sa kabilang linya.
"Ano?" Pag uulit ko kahit malinaw naman kesa sa liwanag ng buwan ang mga narinig ko. She screamed a little, yung sakto lang na kami ang nakaririnig, siguro na iinis na.
“ihhhh~ kunwari pa, naririnig naman talaga niya!” Saad niya sa pa-cute nitong boses. Napakagat ako sa pang ibabang labi ko sa pag pipigil na mapatili nang dahil sa kilig.
This is what they called,
"Tumigil ka nga! Hindi ba masyado pang maaga para r'yan?!" Parang sasabog ang kung ano sa puso ko.
Bakit ako nagkakaganito? Napakatagal na naming magkakilala! Ni ang utot, amoy, at hininga namin ay kabisado na ng isa't isa. Bakit tila parang bago ito sa akin? Tama, bago nga. Dahil bago may mabuong relasyon sa amin, mag kaibigan muna kami.
“So, what? We're official! I love you, and I won't stop saying it.” Humahagikgik niyang sabi.
Tila nakikita ko tuloy ang maganda niyang mukha sa isip ko. Ang bilugin niyang pisngi, ang pinkish na labi, ang maliliit at cute niyang ngipin—na kapag ngumingiti ay umaabot sa mata, o kaya naman kumukunot ang gitnang parte ng ilong sa labis na pagtawa at pagkakabungisngis.
love?
“Hey~”
"hanuuu?" Natawa rin akong bahagya ng tawanan niya ang pabirong sagot ko. Pilit kong nilalabanan ang pagkawala ng bawat impit na tili sa tuwing maglalambing ang boses niya na parang bata sa akin.
“Ah-ah, naman ih!” tila batang maktol niya.
"Ang landi mo talaga!" Tumawa lang naman ulit ito.
“I love you~” Pag uulit niya, puno ng lambing ang bawat kataga. Hindi ko alam kung paano ba talaga tutugunan ang mga salitang iyon.
And I am in love,
"Oo na!"
“Anong 'Oo' na?”
"Basta, oo na!"
“Anong basta ka r'yan?”
"Oo na! I love you, too!"
With a... Lesbian.
Hindi ko alam kung bakit, pero alam ko kung paano ito nag simula, at hinding hindi ko makakalimutan ang bawat senaryo ng tagpong iyon.
But, wait! Am I, for real?
Totoo na nga ba itong nararamdaman ko para sa dati, at matalik kong "babaeng" kaibigan? Hindi ba ako na bibigla lang? Na overwhelmed???
But, no. I'm certain, hindi. Hindi lang ito biglaan o nagkahiyaan. Totoo na talaga na may namumuo na akong pagtingin sa kaniya. Umpisa palang na maramdaman ko ang tinatawag na "selos", nakasiguro na ako. Babae man o lalaki ang lumapit sa kaniya, nag mamaktol na ang kalooban ko sa 'di ko maipaliwanag na pakiramdam. Yung pakiramdam na baka maagaw siya, o makuha ng iba ang atensyon niya, doon palang... doon palang alam ko na. Hindi na ito bilang kaibigan lang na natatakot maiwanan.
BINABASA MO ANG
Her Choice
General Fiction"A guy, a lesbian, and a girl... Not your ordinary love triangle story." -×- Parish never really had a relationship before. So when Shantal-her gorgeous friend, who turns out to be a Lesbian-confess that she's into her, she excitedly accepted her fe...