Panaginip.

3 0 0
                                    

" Gustong gusto talaga kita, Clareia Fae Valdez Reyes." sabay bulong sa aking mga tenga. Ako'y biglang kinabahan at dahan dahan niyang hinaplos ang aking mukha. 

"Mahal mo ako? Talaga?" Aking pisngi ay namumula at ang aming mga mata ay nakatingin sa isa't isa.  

"Pikit mo ang mata mo, ipapakita ko sa'yo gaano kita kamahal, love." Kanyang sinabi sakin bago pinunasan ang aking mga mapupulang labi at napapikit nalang ako. 

"Mm-" biglang nagising ako ulit sa totoong mundo. "Hoy Clareia, ano na naman 'yang kalokohan na pinapaginipan mo!" Sumigaw ang nanay ni Clareia at binatukan siya ng unan.

"Ano ba 'nay!! Ganda na sana ng panaginip ko.." Nagbuntong hininga si Clareia at nairita sa pinaramdam ng panaginip sa kanya. 

"Bumangon ka na nga dyan, itong batang 'to! Mahuhuli ka pa sa klase mo!" Hinampas ulit ng unan si Clareia ng kanyang nanay bago ito bumababa sa unang palapag ng bahay nila. 

"Huh?! 8:00 naaaa???"
Biglang nagising si Clareia sa katotohanan na late na pala siya.

She rushed towards the shower before proceeding to wear her own uniform. Her mom was downstairs nagluluto ng baon niya during lunch at small break nila. Ilang minuto ang lumipas may nagbusina na, at iyon ang school bus ng university na nag-aaral si Clareia.

"Tao poo! ! Clareia Valdez!!" Sigaw ng driver sa labas. 

"Kuyaaa, wait lang poo!!" Tugon ni Clareia, bago daling-daling kinuha ang baon at bag nito.

She then went outside their gate and entered the bus, swiping her school id for her verification. The driver gave her an awkward look before smiling at her menacingly. Nahanap ni Clareia ang kanyang bestfriend na si Zei, at kanya itong tinabihan. 

"Bes, parang ngayon ka lang muntik ma-late." Tinawanan siya ni Zei bago pinalo likod niya. 
"Pano ba kasi, I stayed up late kagabi na nagbabasa ng wattpad." Napahawak si Clareia sa pinalong parte ng likod niya. 

"Ayan ka kasi, puro na naman wattpad ng wattpad! Nagbabasa sa mga lalaki di naman totoo." Tugon ni Zei napabuntong hininga nalang sa kabaliwan ng kaibigan niya.

"Oo na, pero worth it yung puyat kasi kinilig naman ako ng sobra." Ngumiti si Clareia, ebidensya ng kung ano ang binasa niya kagabi. 

Habang nakaupo sila ay biglang napatingin si Clareia sa mga kung sino ang potential na maging crush niya, dahil first day niya as junior. At marami namang may hitsura pero biglang nakakita siya ng isang lalaking may headphones sa ulo nito. Nakasuot pa ng salamin at uniporme na pang old money yung datingan, parang isang panaginip yata. 

"Bes, sino 'yan?" Bulong ni Clareia sa kay Zei, at ang mga siko nila ay nagkabanggaan. At napanguso nalang si Zei nang makitang may crush na kaagad si Clareia. 

"Pumapag-ibig na naman ang aking Clareia." Sabay tawa nito at kinukuha atensyon nung lalaking may headphones.

"Ano ba bes! Di nga.. curious lang yung tao eh!" Tugon ni Clareia na namumula na pisngi. 

"Pababa na tayo, te. Hintayin natin 'yan, baka kausapin ka." Inaasar siya ni Zei at tumigil na ang bus sa loob ng university nila. 

Ang University of Santo Tomas . . . .

Identified To Be YoursWhere stories live. Discover now