AUBREY'S POV
*RRRRRING!!!!!!!!!!!! (alarm clock)
Nagising ako sa tunog ng alarm clock. Sa sobrang rindi binato ko ang alarm clock ng unan.
"Arrgh!" sabay bato ng unan. Hayyst buti nam-
*RRRRRING!!!!!!!!!!!! (alarm clock)
Tangina. Bumangon nalang ako dala na rin ng inis pinulot ko ang nahulog na unan at alarm clock, pinatay ko na ito at binalik sa dating pwesto. Maaga pa naman, sadyang papansin lang ang alarm clock ko kaya nagmuni-muni muna ako.
First day ko ngayon sa bago kong school kaya inagahan ko ang gising. It's almost two months since the school started but thanks to some bitches during my peaceful life at my previous school, I got into trouble and get kicked out. It's so unfair, porke may mga pera tsk. Pagtulungan ba naman ako dahil lang sa akala nila inaakit ko boyfriend ng chaka nilang leader-leaderan na bitch. Self defense lang ginawa ko tapos kung makangawa kala mo binugbog ng sampung lalaki tsk. Mabuti nalang mabait at understanding ang aking pinakamamahal na mudrakels, sermon lang ang inabot ko hindi palo.
*KNOCK KNOCK*
"Huyyy babae bumangon ka na jan, handa na ang almusal. Bilisan mo wag kang usad pagong kung ayaw mong mapatalsik ulit sa bago mong school!" sigaw ni mama sa labas.
Hayyst ano ba naman yan. Ang init agad ng ulo kaaga-aga e.
"Aubrey!" sigaw na naman nya.
"Oo! Maghihilamos lang!" sigaw ko pabalik.
Bago lumabas naghilamos muna ako sa mini bathroom dito sa kwarto. Maliit lang bahay namin since kami nalang ni mama at ng bunso kong kapatid ang nakatira dito. Matagal na kasing wala si papa, six years na syang nasa heaven. Dito sa bahay tatlo ang kwarto tig-iisa kami pero magkakatabi lang kwarto namin. Hindi two-storey bahay namin kasi nga diba di naman kami mayaman, nagyayaman-yamanan lang eme. So yun paglabas ng kwarto namin bubungad agad ang sala at kusina pero may pader na harang sa gitna.
Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa kusina. Naabutan ko doon sina mama at bunso.
"Kumain ka na. Damihan mo ang kain at mahaba ang byahe mo mamaya. Bakit kasi doon pa? Napakalayo dun plus madalas ka lang makakabisita dito." sabi ni mama na may kasamang buntong-hininga.
"Sabihin mo nalang kasi mama na mamimiss mo ako, diba Aiah?" sabi ko ng pabiro at napabungisngis kami ng bunso kong kapatid. Napansin kong tahimik lang si mama kahit ganun yung sinagot ko kaya naman nilapitan ko ito at niyakap.
"Ma alam mo naman na yung reason ko diba? Wala din naman akong mapagpipilian, dahil dun sa nangyaring gulo pati sa ibang malalapit na school hindi na ako welcome." lumayo ako ng kaunti sa kanya, "Hayaan mo mama dadalasan ko ang pag-uwi dito kapag di masyadong busy doon sa bago kong school, okay?" tumango na lamang si mama.
Bumalik na ako sa pwesto ko at pinagpatuloy ang pagkain. Ilalabas ko pa kasi mga gamit ko sa kwarto.
Malayo sa bahay ang bago kong school, medyo nasa tago kasi sya pero kahit ganun kilalang-kilala pa rin school nila. Boarding school sya at public kaya wala masyadong binabayaran, ang pinakakailangan mo lang talagang gastusan as mga personal na kailangan mo.
Nang matapos akong kumain nagpaalam akong maliligo. Madali lang akong natapos sa pagligo kasi nagmamadali na rin ako at busy rin si mama kailangan mahatid nya ako agad.
Nasa sasakyan na kami nang chi-neck pa uli ni mama ang trunk ng kotse kung may naiwan pa ba ako. Isasama din namin si Aiah kasi walang magbabantay sa kanya kapag naiwan sya sa bahay, day off kasi ngayon ni ate Del na taga-alaga ni Aiah kapag wala kami ni mama.
BINABASA MO ANG
Whispers in the Library
Teen FictionIn the hushed silence of the Universities library, two girls meet each other's eyes. The moment their gazes met, seem like neither of them could look away. Drawn by each other's gaze, they suddenly felt an unfamiliar feeling. Aubrey Lee is a tranfer...