Prologue
"Maddy, paano nga ulit i-spell ng pangalan mo? Tangina naman kasi, napakahaba tapos ang sosyal pa. Ano bang nakain ni Tita Felly nung nag-iisip siya ng ipapangalan sa 'yo?" Tanong ni Chi na siyang nag e-edit ng final changes ng thesis namin.
"Ayan lang naman yung pangalan ko oh, Mademoiselle. M-A-D-E-M—"
"Oo na! Naalala ko na 'yung spelling ng tanginang real name mo na 'yan." Pagpuputol niya sa sinasabi ko.
Natatawa nalang akong umiling habang hinihilot ang ulo ko. Alas-singko na rin kasi ng umaga at kakatapos lang ng final draft nitong thesis namin. Mabuti nga at ka-grupo ko pa itong dalawang kaibigan ko dahil kung hindi, baka magbigti nalang ako.
"Shit! 'Di pa ata ako nag go-good morning kay CK!" Tarantang sabi ni Lily habang hinahanap ang phone nya na 'di ko na rin malaman kung nasaan dahil sa gulo ng paligid.
"Wow, ang laki ng problema mo, ah?" Natatawang tanong ko sa kanya.
Inirapan nya ako at nang makita nya na ang phone nya, dali-dali siyang nag-type ng kung ano.
Napabuntong-hininga ako. Para bang nabunutan ako ng tinik sa dibdib ko nang ma-realize kong tapos na kami sa thesis namin. Eh ano naman kung may defense pa? Celebrate your small wins ika nga nila. Sa susunod na linggo pa naman 'yon. May mga natitira pa akong araw para i-cram ang mga naiwan kong nakatiwangwang na pendings. Paano ba naman, 'yung dalawang linggo ko eh nilaan ko lang sa thesis na 'yan.
"Okay na guys. Naka-save na sa drive yung final draft. Gusto ko na matulog." Rinig kong sabi ni Chi at nag-unat.
Nilapag nya sa gilid ang laptop at humiga sa binti ko. Nakapikit lang akong nakasandal sa head board ng kama ko habang si Lily eh busy pa ring kausapin ang manliligaw nyang si CK.
"Ga-graduate kaya tayo?" Wala sa sariling tanong ni Chi.
Natigilan kaming pareho ni Lily sa sinabi nya. Napatingin sa aming dalawa ni Lily si Chi at kita sa mata nya ang pag-aalala.
Tinago ni Lily ang phone nya sa bulsa nya at humiga sa kabilang side ng binti ko.
"Ga-graduate tayo Chi. Sobrang dami na nating napagdaanan para isipin pa 'yan. Ang pinoproblema ko na nga ngayon eh kung anong shade ng blush on ang ilalagay ko sa graduation para pak na pak ang mukha na this!" Ganadong sabi ni Lily na ikinatawa naming dalawa ni Chi.
"'Wag ka mag-alala Chi, sabay-sabay tayong aakyat sa stage para kumuha ng diploma." Dagdag ko pa.
"Tanga, isa-isa lang pwede umakyat sa stage sa graduation. Bobo naman nito." Pang-aasar ni Chi kaya naman binato ko sya ng unan sa mukha na ikinatawa naming tatlo.
Habang nagtatawanan sila ay nasagi sa isip ko ang mangyayari after graudation ko.
Kakayanin ko ba? Kaya ko ba?
YOU ARE READING
21st Century Love [ONGOING]
RomanceThe 21st century is such a fast-paced period to live. Maddy is having a hard time on catching up with the trend, demands, and the fast-moving information on social media. She realized that she is now graduate from college and sets to face the world'...