CHAPTER ONE
Maddy's POV
Nasira ang clip na kanina ko pa hinahanap para ilagay sana sa buhok ko nang maupuan ko 'yun. Pabagsak kasi akong umupo sa kama dahil sa pagod at antok ko. Katatapos lang namin sa final defense ng thesis namin. Sa Monday pa namin malalaman kung pasado ba kami o hindi pero I know, we nailed it. We fucking nailed it.
Nakita ko kasi ang pag-ngiti sa 'kin ng professor namin kaya naman confident akong pumasa kami. Binuhos ko lahat para sa thesis na 'yun, kaya alam kong hindi 'yun mababalewala lang.
May nag-chat sa akin at nang makita ko 'yun, it's a chat from Lily.
Lily:
baks, tara inom tayo dito kina Chi.
Me:
Tangina kakauwi ko lang.
Lily:
edi maganda, walwal tayo gago deserve natin to para ka namang tanga
Me:
Sige, maliligo lang ako.
Lily:
k, baho mo. wait ka namin
Napabuntong-hininga ako at umiling, pero syempre habang nakangiti. Naligo nga lang rin ako at nagbihis para pumunta kina Chi. Tatlong bahay lang naman ang layo nila sa 'min, kaso nga lang nasa subdivision kami kaya medyo malayo pa rin ng kaunti.
"Tita, punta lang po ako kina Chi!" Sigaw ko habang pababa nang hagdan dahil panigurado eh nasa kusina na naman siya para magluto ng mga ulam na ititinda nya mamayang gabi.
"Hapon na ah, mukhang bukas ka na uuwi!" Sigaw nya rin sa mula sa kusina sa natatawang tono.
Lumabas na sya sa kusina at sinalubong ako. May inabot sya sa aking dalawang plastic container.
"Ano po 'to?" Nagtatakang tanong ko habang sinusubukang silipin ang laman.
"Sisig 'yan at kinilaw, Mukhang iinom kayo eh." Natatawang sabi niya.
"Ikaw talaga Tita ha, kabisado mo na kami. Salamat po." Natatawang sabi ko.
Ngumiti ako kay Tita at nagmano. Nagmartsa na ako papunta kina Chi. Halos nasa harap lang naman ng gate 'yung spot na lagi naming pinagta-tambayan.
"Ayan na nga siya! Ang tagal! Napaka pa-VIP kahit kailan!" Rinig kong sabi ni Lily habang naglalakad papunta sa gate para pagbuksan ako.
"Tangina naman kasing aya 'yan, kauuwi ko lang! Tingnan mo 'di ka pa nakakapagbihis nangangapitbahay ka na." Sagot ko naman.
Nang makapasok ako, dumiretso ako sa mesa at nilapag ang dala kong pulutan.
YOU ARE READING
21st Century Love [ONGOING]
RomanceThe 21st century is such a fast-paced period to live. Maddy is having a hard time on catching up with the trend, demands, and the fast-moving information on social media. She realized that she is now graduate from college and sets to face the world'...