Dedicated to Danicel Mae
Thank you Cute! Ikaw ang nag- push sakin dito :D
happy reading ^^
Maingat na inilagay ko ang proyekto ko sa Filipino sa lamesa nang adviser namin. Huling araw ng submission ng project kaya naman kahit alas cuatro trenta na ng hapon ay andito pa'ko sa school.
Wala nang masyadong estudyante sa paaralan dahil friday ngayon at umariba na sila papuntang heaven. I mean sa kung saang lupalop na magustuhan nila.
Ako? Diretso uwi sa apartment ko. Hindi naman ako malakwatsa. Introverted person ako pero unlike what all people think, hindi naman lahat ng introvert ay mahiyain in the sense na yuyuko-yuko na lang kaming maglakad.
Palabas na'ko ng classroom ng may nakita akong nilakumos na papel. Dahil napagpalang maayusin, pinulot ko ito. Malay natin baka answer 'to sa next quiz night Ms. Ferrer na Filipino teacher namin. Mahina pa naman ako sa Fil eh.
May nakasulat dun at tagos pa yung mga tinta sa bawat letra dahil marker ata yung ginamit panulat.
Nung inayos ko yung papel ay nagulat ako sa nakita.
"I LOVE YOU KIARA MAGBANUA"
Ako?! As in ako?!
Sinong may gusto sa'kin?
Sa loner kong 'to?
May biglang pumasok sa room.
"Asan na--"
Napatigil yung pagsabi nya nung bigla syang tumingin sa'kin nakayuko Kasi sya habang nakahawak sa tuhod nya. Mukhang tinakbo ang kahabaan ng EDSA.Oma! It's Xenon!
GWAPO.
ATHLETE.
TOP 1.
YUNG ANO... CRUSH KO. Shhhh!
Ba't sya andito?
Nagtataka ko siyang tiningnan kahit na parang gusto ko nang sumigaw...SA KILIG! Dyaheeee!
May biglang sumulpot na mga kabute sa likod niya. Haha. Mga kaibigan ni Xenon pala. EPAL! :D
"Oi, sa'n na yung hinahanap mo? Para sa papel lang antagal mo naman."
"O nga! may try-out pa kaya tayo!"
O_O! Papel? Hindi kaya--
Tumingin sa'kin yung isa nyang kaibigan at nakita ata yung papel na hawak ko.
"Na kay Kiara pala eh! Bilis mo pare!
"Oo nga! Kala ko Torpe ka 'pre!"
"Bilis mo! Kayo na?"
Lumihis ang tingin ni Xenon at napa-tsk.
"Ako? Torpe? Hindi no!"
Teka... Hindi niya ikinaila? May gusto ba siya sa'kin?
"Naiwan ko ang sapatos ko dito". O? Di nya ikinaila diba?!
"At sinong may sabing gusto ko ang nerd na 'yan? Ang PANGET nya kaya!"
Aray! CAPSLOCK talaga? Sabi ko na nga bang hwag umasa eh.
Oh? Anong napala?
Introvert? Oo ayaw maki- mingle. Pero tao pa rin kami. Nasasaktan. Umaasa.
Kaya ngayon... AKO'Y NGANGA!BWISET na Xenon 'yan!
Kung alam mo lang.
"Alis na tayo. Nagmumulto ata si Kiara dito eh" sabi pa nya.
Aba't--. BWISET!
Narinig ko pa silang tumatawatawa.
BWISET TALAGA!!
Kala ko pa naman...
CRUSH AKO NG CRUSH KO!
Tse! Tawagin pakong panget??
Tss. Bahala sya! BREAK NA KAMI!
AYAW KO NA SA KANYA!BUSET!
--
Ilang BWISET yun? Wahaha.
Typos, spelling, grammar, sorry po. 😰😰
Short story lang 'to.
Been made with one page or chapter pero dadagdagan ko 😉
Revised👆
Thank you 💋#CodeeCP
BINABASA MO ANG
Crumpled
Short StoryJust a short story. Which is assignment namin sa Filipino :D My friend read it, and she likes it. Hope sana magustuhan nyo din ^^