Chapter 1

2 0 0
                                    

Archie Lourent Bauer Cullen POV


“Ano?! Bakit ako ang tatanggalin niyo, wala naman akong kasalanan!” Galit na sigaw ko sa boss namin, siraulo to ako pa ang tatanggalin eh hindi naman ako yung nanghipo!

“Archie, sinuntok mo siya! Hindi ba kasalanan yon ha?!” Sigaw rin ng manager sa akin, nanggagaliiti ako sa galit ko dahil sa takbo ng utak ng matandang ito! Iba talaga kapag expired na!

Aba malamang gagawin ko yon dahil hinipuan niya ako! Hinipuan ako boss! Anong gusto mong gawin ko? Hayaan ko lang kahit na mali?!” Ako ang hinipuan tapos ako pa matatanggalan ng trabaho? Putanginang mga tao to! Bakit ba hindi nila ako pinapakinggan at kamping kampi pa sia don sa mokong na Alfred na yon! Sino ba yon ha?

“Sana nga ganon na lang ginawa mo, hinayaan mo na lang. Edi sana hindi ka mawawalan ng trabaho! Parang haplos lang sa hita mo galit na galit ka....! Tapos ngayon magrereklamo ka na tatanggalin ka!” Hindi ako makapaniwalang sinabi niya iyon, haplos lang sa hita? Gago ba siya?! Kahit sino magagalit kapag hinawakan ka sa hita ng walang permiso! Ipinapakita niya sa akin na ganong klase siyang tao!

“Boss, okay ka lang?” tanging lumabas sa bibig ko. Dahil hindi ko talaga kinaya ang lumabas sa bibig niya.

“Sexual harassment yon boss, hinawakan niya ako ng walang permiso ko at pinilit pa ako. Hindi mo ba maintindihan?” Diin na Sabi ko. Pero parang wala lang sa kaniya.

Tumigil kana Archie, nagdesisyon na sila. Umalis kana.” yun lang? Wala silang gagawin? Putangina ako biktima dito ah?

“Bakit ba kamping kampi ka sa lalaking yon ha?!” Sigaw ko ulit sa kaniya pero hindi siya sumagot....

“Boss! Ano bakit?!”

“Dahil anak siya ng CEO!” malakas na sigaw niya. Sandali akong natigilan.

Alangan naman siya ang tanggalin ko?! Kung hindi kita tatanggalin lahat tayo dito mawawalan ng trabaho! Mag isip ka naman! At sana maintindihan mo na ginagawa ko lang rin ang trabaho ko!” Hindi na ako nagsalita pa at napailing na lang sa sinabi niya. Hindi ko rin maiwasang hindi malungkot dahil mahal ko ang trabaho ko, itong trabahong ito ang pinaka nagtagal sa'kin sa lahat ng naging trabaho ko. Two years akong nagtrabaho at ibinigay ko ang lahat ng makakaya ko tapos mawawala lang ng basta basta dahil sa mokong na yon? Ako ang biktima pero ako pa mawawalan ang unfair naman ata non?

Magdedemanda ako, wala akong pakialam kung anak ng CEO ang tarantadong 'yon." Seryosong saad ko bago siya talikuran pero bago pa man ako makalabas ay nagsalita siya.

“Kung ako sa'yo hindi ko gagawin yan, hindi mo alam kung ano ang pwedeng mangyari sa'yo.” ramdam ko ang pagkaseryoso sa boses niya habang binibitawan ang mga salitang iyon.

Pagkalabas ko ay nakita ko ang mga co-workers ko, agad silang lumapit sa'kin.

“Anong sabi ni boss?” Aligagang tanong ni Angella,  nagbuntong hininga ako.

“Wala na akong trabaho.” Napatakip siya ng bibig, gulat rin ang iba hindi makapaniwala.

“Bakit ikaw tinanggal?! Wala ka namang kasalanan at saka siya pa nga nanghipo sa'yo! Kitang kita sa CCTV!” sigaw ni Angella.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 2 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Under The Blue Sky (BL)Where stories live. Discover now