ℂ14

5 1 0
                                    

"Hey Casper!"

Napalingon ako kahit Hindi naman ako ang tinawag. At doon ko nga nakita si Red hair, I mean si Kobe.

Nakita ko naman ang pagirap ni Rylan dahil doon. Napangisi nalang ako at naglakad papuntang parking lot nitong university. Masyadong malaki ang paaralan na to at aabutin ka pa nang ilang minuto kakalakad papuntang parking lot.

"Hi Helena" bati ni Kobe sakin. Tumango lang ako at siniko si Rylan upang umayos siya.

Agad naman itong humarap at muntik pa akong matawa dahil sa itsura niya. Muka siyang natatae.

Agad naman na nawala ang ngisi ko nang makita ko sa di kalayuan si Royce. At may hawak na bulaklak.

Napailing nalang ako at nagkibit balikat.

"Why?" I ask. Ngumiti si Kobe at kinindatan si Rylan. Ramdam ko naman ang inis ni Rylan dahil doon.

"May ibibigay lang si boss sayo, Helen" sabi ni Kobe, napakunot ang noo ko nang tawagin ako nitong Helen. That sounds so old na. Muka ba akong gurang?

Napatingin Kami ni Rylan kay Royce. Nasa likod niya ang mga kaibigan niya sila Gael, Hindi ko na matandaan ang pangalan nang iba.

"Take this Helena" Royce said, nang makalapit ito sakin at ibinigay ang hawak niya. Ngumiti siya sakin nang matamis, kung isa lang akong normal na fan girl, malamang para na akong lumulutang sa ere sa sobrang kilig. Buti nalang si Aliyah Hellena ako.

Tinanggap ko naman iyon at ngumiti nang peke. Peke naman na umubo si Rylan. Nangaasar ang bruha.

"Thanks" sabi ko. Tumango si Royce. "Where's your friends? Bakit kayo lang? Hindi pa ba tapos ang mga prinsepe sakanila?" Tanong niya at tumingin sa paligid. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Prinsepe?

"Anong Prinsepe?" Tanong ko. Tumawa si Royce at lumapit pa nang kunti sakin.

"Sila ang mga nakatataas sa paaralang ito, mga Prinsepe na halimaw magparusa" sagot ni Royce at bigla pa silang natawang magkakaibigan. Mga baliw.

"Inaano ba nila ang mga istudyanteng lumalabag sa utos?" Himala dahil biglang nagtanong si Rylan. Tulad niya ay curious din ako sa mga Prinsepe nayan. Hindi ko inakalang may ganyan pala dito, paaralan lang naman kasi ito at hindi kaharian.

"Papahirapan hanggang sa mag-agaw buhay, ganon sila ka brutal, kaya nga walang may gustong lumabag  sa batas nila dito" si Gael ang sumagot. Napansin ko naman ang bahagyang pag iling ni Kobe.

"Oh bat parang interesado ka Cas?" Sabi ni Kobe kay Rylan na ngayon ay seryosong seryoso ang muka habang ako dito ay pinipilit na ngumiti para naman akalain nilang inosente ako. Well, sa paaralang ito ay walang inosente karamihan sakanila ay mga istudyanteng pumapatay. Mga demonyo lang din, tulad namin.

"Did I say I'm interested? I'm just asking" mataray na saad ni Rylan. Hindi halata sa muka niya na nagtataray siya. Natawa naman sila Kobe at iyong kasama niyang Win ata ang pangalan.

"Eh nasaan sila ngayon?" Tanong ko. I'm not interested din huh, I'm just asking lang.

Tumingin sakin si Royce at bumuntong hininga. Huminto sila at napahinto din Kami ni Rylan. Biglang may itinuro si Royce.

"That building, nandiyan sila... Hindi sila lumalabas jaan at nakikipag salamuha sa mga istudyante dito sa university, kaya never mo silang makikitang pagala gala dito. Hindi din allowed ang mga istudyanteng umakyat sa sa building nayan, mga professor lang o si ms Dean ang nakakapasok diyan o mga janitor" sabi ni Kobe at ngumiti samin ni Rylan.

"Bakit naman ganon?" I ask.

"Noon naman talaga ay pinapayagan yan sila but not until dumating sa university nato si Kasia" si Gael ang sumagot at nagpatuloy sila sa paglalakad. Muli kong tinignan ang building at tumingin ulit sa harap.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 31 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DEMON ALIYAH Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon