Now Playing: [Mahal ko o Mahal Ako]
Ako si Chloe Nicole Sanchez 26 years old, matagal na akong may lihim na pagtingin sa bestfriend kong si Marc Laurence Tiamzon.
Nung nagfifteen years old ako, napagdesisyonan ng mga magulang ko na sa America na ako magtapos ng pag-aaral ko.
Iyak ako ng iyak nung umalis ako, dahil maiiwan kong mag-isa ang bestfriend ko. Although alam ko naman na babalik ako, kaso baka pagbalik ko wala na akong maabutan.
Nandito ako ngayon sa airport, hinihintay ko na lang yung magsusundo sakin.
Tinext kasi ako ni Marc na susunduin nya daw ako sa airport.
Ito na ang pinakahihintay kong panahon para magtapat ako ng nararamdaman ko sa kanya. Matagal-tagal ko ding kinimkim itong nararamdaman ko para sa kanya.
Habang hinihintay ko si Marc biglang nagbeep yung phone ko. May nagtext.
from: Bestfriend Marc <3
Hi Chloe, sorry hindi na kita masusundo. Don't worry ipapasundo na lang kita kay Dylan, remember him? Yung crush mo na nanliligaw sayo nung grade 9 pero binasted mo kasi bata ka pa? Sorry may emergency kasi ee. Bawi na lang ako mamaya, may surprise ako sayo. Siguradong matutuwa ka. Enjoy! I Love You Bestfriend!
Na-excite ako sa text ni Marc. Binasted ko lang naman si Dylan kasi si Marc talaga ang gusto ko, sinabi ko lang na crush ko si Dylan para tigilan na nila ako sa pang-aasar nila sa akin na crush ko daw si Marc which is totoo naman.
Naghintay pa ako ng ilang minutes at nakita ko na si Dylan, sobrang gwapo nya.
Kinawayan ko sya para makita nya ako. Nakita nya naman ako. Lumapit sya sa akin at hinalikan ako sa pisngi sabay yakap sakin.
Dinala nya lahat ng gamit ko sa kotse nya, wala pa rin siyang pinagbago, gentleman pa rin sya. Si Dylan kasi yung tipo ng lalaki na pinapangarap ng bawat babae sa mundo.
Gabi na din ng makarating kami ni Dylan sa bahay namin, naunang pumasok si Marc tapos sumunod na lang ako sa loob dahil tinawagan ako ng kaibigan ko sa America.
Pagpasok ko ng gate, narinig ko ang malakas na tawanan ng mga tao sa loob. May mga batang tawa din ng tawa .
Sino kaya ang mga batang iyon? May anak na kaya si Dylan?
Pagpasok ko, pinigilan kong maiyak sa nakita ko.
Nakita ko lang naman si Marc na may kahalikang babae habang may kalong na baby.
Napansin na yata nila ako kaya lahat sila napatingin sakin.
Lumapit si Marc sakin at binati ako.
"Welcome back, Bestfriend! Surprise!" bati ni Marc sa akin.
"Thank you." niyakap ko si Marc. Inisip ko na lang na baka kinalong lang ni Marc yung baby ni Dylan, at dare lang yung pagkiss nung babae na yun kay Marc.
Sana naman hindi totoo lahat ng iniisip ko. Kapag sinabi nya yung mga katagang iyon, dun lang ako titigil.
Kinabahan ako nung ipakilala na ni Marc ang mga tao sa loob ng bahay namin.
"Nga pala, I want you to meet my wife, Cheska and our twin Marco and Francesca."
Nangyari na ang kinakatakot ko, ang ipakilala nya ang babaeng humalik sa kanya at ang dalawang batang nandito ngayon sa harap namin bilang pamilya nya.
Hindi ko na napigilang maiyak dahil don.
Tumakbo ako palabas ng bahay namin at pumunta sa isang eskinita.
Ang tanga-tanga ko. Dapat pala dati ko pa inamin sa kanya, ito ang kinakatakot ko eh.
Sa gitna ng pagmumukmok ko, naramdaman kong may nakatayo sa tabi ko.
Tiningnan ko sya. Si Dylan pala.
"Sorry Dylan, sana pala ikaw na lang ang minahal ko. Kaso ayoko naman maging unfair sayo." niyakap ko si Dylan.
"Pwede mo naman akong mahalin ngayon eh. Wag kang mag-alala, hindi ako katulad ni Marc, di kita sasaktan." pinahid nya yung mga luha ko tapos hinalikan nya ako sa noo.
Sana talaga si Dylan na lang.
"I love you Nic." napatingin ako sa kanya.
"Mamahalin din kita Dy sa tamang panahon. I miss you Dy."
---------------------THE END---------------------
A/N: Sana po naguatuhan nyo yung short story ko. Vomment na lang po sa mga nakagusto. Thank you sa pagbabasa.