Chapter 1

3 0 0
                                    

"Versace Prince and Princess huh"

"Stop teasing her Giselle, nakikita mo na ngang namumula" sabay pisil ni Karina sa magkabilang pisngi ko

"Oh come one, kahit si Hyunjin pa yan ng Stray Kids, this baby is still my baby" wika ni Giselle at siya naman ang pumalit sa ginagawa ni Karina saakin kani-kani lamang

"So ano, did you two went for a dinner na ba?" tanong ni Giselle saakin habang nakangiti

"Hi-hindi ah, Unnie!" pagsusuway ko rito

She rolled her eyes sabay sabing "Wala man lang development sa tinagal niyo sa Milan?" tiyaka ito tumayo at nag crossed arms "If you really like him, do you want us to do something?"

Agad akong tumayo at lumayo sakanya ng bahagya

"Platonic Friendship lang ang meron kami, mag move on na kayo" wika ko rito

"Whoa! The ship is sinking, group yourself into-"

"Shut up, Winter! Walang lulubog dito!" pagpuputol ni Giselle kay Winter na abalang inaayusan ng make-up Artist

"Girls! Be ready in 20 mins!" wika ng Manager namin pagkapasok nito ng dressing room "And Ningning, please go to the last room for some briefing" at tiyaka nito isinarado ang pinto

Agad akong kinabahan ng marinig ko iyon

"Anong briefing?" pagtatakang tanong ni Karina

"Baka sa intro stage, pinapunta rin ako kanina lang" sagot naman ni Winter at tiyaka ito uminom sa cafe latte nito

"Oh ok, chop chop, go!"

Sinimulan kong ihakbang ang mga paa ko  at nagdadalawang isip kung bubuksan ko pa ang pinto

"Girl! the show will start in 20 mins!" sigaw ni Giselle saakin upang tuluyan ko nang simulan ang pagtungo sa pinakadulong dressing room

At hindi nga ako nagkakamali ng iniisip

"Why are you rejecting all my calls?" nakasandal ito sa pader ng kwarto at seryosong nag hihintay ng isasagot ko

"I am busy" maikling wika ko rito

"You have finished your make-up an hour ago, why didn't you answer my calls?"

"Bakit ka ba nandito?"

"Sasagutin mo ba ako or I am going to ruin that fucking lipstick of yours?"

I was going to walk out from the door when I realized it's suddenly locked

"Can't run this time"

"Ano ba!" pagalit na wika ko rito

Nagulat na lamang ako nang agad nitong takpan ang mga bibig ko

"Sshh, they might hear you" pag ngisi nitong sagot saakin

Agad ko siyang tinulak at sinubukang buksan ang pinto

"Stop" kalmadong wika nito saakin ngunit pilit ko paring binuksan

"I said stop it Ningning" hinila ako nito at isinandal sa pinto

Basa kong tinitigan nito ang mga mata ko, pababa sa ilong hanggang makarating ang tingin niya sa mga labi ko habang hawak niya nang mahigpit ang mga kamay ko

"God knows how I'm dying to kiss you" wika nito kasabay ng paghaplos nito sa mga labi ko using his thumb finger "but I don't want to create a mess"

Agad nitong binitawan ang mga kamay ko at inayos ang mga nagulong hibla ng buhok ko

Hinila ako nito nang bahagya palayo sa kinasasandalan ko at kasunod nito ang pagbukas ng pinto

"I guess I'll just see you tonight"

Salty and Sweet Where stories live. Discover now