Larong Semento

2 0 0
                                    


_____

♪ Pain pain disara pain,
the kutsilyo I wanna play,
How how I wanna see
your bloody face, cold and drain. ♪

Rinig kong kantahan ng mga bata sa labas ng bahay. Hindi ako matatakutin pero nang marinig ko ang sabay-sabay nilang pagkanta, nagsitayuan lahat ng balahibo ko. Maliliit na boses, masasayang tono pero ang mga mukha'y tila ba may tinatagong emosyon. Ang ingay-ingay nila kanina pang alas dos ng tanghali, takip silim na pero nariyan pa rin sila. Nasaan ba ang mga magulang ng mga ito at pinapabayaan lang na naglalaro sila sa lansangan buong maghapon?

Napabuntong hininga ako at napailing. Pati ba naman 'yan poproblemahin ko?

“Ay putangina!” hiyaw ko ng may kumalabit sa akin. “Cera, anong ginagawa mo riyan at tulala ka, ang pangit mo tignan.” rinig kong salita ni Bea, ate ko.

Apat na buwan ng buntis at napaka-demanding, minsan.

Napataas naman ang kilay ko, “Epal, wala. Tara na nga sa kusina.” asik ko sabay tulak sa kaniya.  Binigyan niya ako ng nagtatakang tingin “Anong tinitignan mo sa labas?” tanong niya.

“Hindi mo ba nakiki—ta...” bitin kong sagot nang wala akong makitang ni isang bata sa labas, pero rinig ko pa ang mga tawanan nila kanina lang.

“Hay nako Cera, tumigil-tigil ka nga riyan.” at iniwan niya ako, sumunod na lang ako at pinagsawalang bahala ang nangyari. Baka umuwi lang sila kasi gabi na, tapos.

Pagkaupo namin, bigla ko na lang naalala yung namatay na bata doon sa purok tres na malapit lang dito sa amin. Biglang sumulpot yung memoryang nakalupasay ang kaawa-awang bata’t nadaganan ng tipak ng semento. Lumukot ang aking mukha na napansin naman ni ate.

“Alam mo Cera, ilang araw ka ng tulala at namumutla. Kinakabahan na ako sayo, alam mo namang nandito lang si ate. Sabihin mo lang kung may pinagdadaanan ka ha?” malambing na aniya.

Tahimik lang akong tumango at itinutok ang atensiyon sa pagkain na nasa aking harapan.

_______________

“Tao po! Tao po!” tawag ng isang matanda sa may harapan ng bahay namin. Bumaba ako at dali ko naman itong pinuntahan at pinagbuksan ng gate.

“Lola, ano po ‘yon?” takang tanong ko.

Nilibot ko ang tingin sa kanyang kabuuan. Wala naman itong dalang kahit anong paninda, tamang tungkod lamang at maayos naman ang kanyang itsura. But her face, it's not familiar.

“Ija, buntis ang ate mo hindi ba?” paos ang boses nito. Banayad naman akong napatango.

“Paano niyo po nalaman?” usisa ko.

“Mag-ingat, kung ang buhay ay maagang binawi at kaluluwa ay hindi pa nasiyahan. Magbantay, dahil palagi lang silang nakamasid at nagaabang sa susunod na pagkawalay...” malabong aniya.

“L-lola, kay aga naman ng pagiging makata mo...” kinakabahan ako sa totoo lang, I think I know.

“Hindi magandang pagtakpan ang kasalanang mas mabaho pa sa bangkay. Mag-ingat ka’t magbalik-loob.” huling sambit niya’t umalis na.

“CERAAAA!”  sigaw ni ate, tila namimilipit sa sakit.

Mabilis akong tumakbo sa kinaroroonan niya at nagulantang nang makitang dinudugo siya. Nagtama ang aming mga mata, basang-basa sa luha ang kaniya. Agad ko itong sinuportahan at tumawag ng tulong.

Mabuti nga’t mabilis na dumalo sa amin ang mga kapitbahay kaya naipunta agad si ate sa pinakamalapit na hospital.

As I waited for the doctor’s update. Naalala ko ang sinabi ni ate kanina bago ko siya iwan sa ER.

LARONG SEMENTO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon