'Lately I've been thinking about what I can do,
I've been stressing to fall back inlove with you,
I'm so sorry that I couldn't follow through,
But I can't go on this way, I've got to stop it babe,'You've been wonderful in all that you can be,
But it hurts when you say that you understand me,
So believe me. I, I am sorry. I, I am sorry. I, I'I wanted you to be there when I fall,
I wanted you to see me through it all,
I wanted you to be the one I loved,
I wanted you, I wanted you,'I wanted you to hold me when I sleep,
I wanted you to show me what I need,
I wanted you to know just how down deep,
I wanted you, I wanted you.Pagkanta ko sa resto bar na aking pinagtatrabahuhan tuwing gabi.
Halos mag iisang taon na akong kumakanta rito. Sa umaga naman nasa convenience store ako bilang cashier hanggang hapon na 'yon at may papalit naman sa'kin tuwing gabi.Nakarinig ako ng mga palakpakan matapos akong kumanta. Napangiti naman ako.
Halos lahat sila nakangiti sa'kin habang pumapalakpak. Bakas sa kanilang mga mukha na nasiyahan sila sa inihahandog kong kanta.
Ay dapat lang! baka si Lily 'to! Isa sa magaling na manganganta sa aming probinsya!
"Maraming salamat sa lahat ng pumunta, pangako ko na gabi gabi ko kayo hahandugan ng magagandang kanta!" Nagpalakpakan naman ulit sila.
Napatingin naman ako sa may ari ng resto bar na siyang nakatingin din sa'kin at nakangiting naka thumbs up.
Ngumiti ako sa kan'ya, kung hindi dahil sa kanya, wala akong pagkakakitaan ng malaki.
Binibigyan niya kase ako ng tip kapag marami yung customer.Maraming customer, Marami akong pera!
Marami ang nagsasabi at nagagandahan sa boses ko.
Boses anghel daw.
Bata pa lamang ako ay hilig ko na ang pagkanta, nagsimula ito nung marinig ni mama na nasa tono raw yung boses ko nung bata pa ako. Pinapakanta niya ako sa videoke at pinapasali sa singing contest dito sa probinsiya namin.
Naging hobby ko na rin at hindi ko na matigilan. Music is my life now. Doon ko kase binubuhos ang nararamdaman ko at higit sa lahat gusto ko ang ginagawa ko.
Ito rin kase yung pinag kukunan ko ng pera, umeedad na si mama at may sakit siya. Si papa naman wala na, inwan na kami. Ako ang panganay kaya ako ang dapat kumayod lalo ngayon na may sakit si mama at kailangang pumasok sa school ang kapatid ko.
Sa panahon kase ngayon sobrang hirap ng buhay at mahirap kumita ng pera, pero matyaga ako, para sa pang araw araw namin nila mama.
Sa edad na 23 ay marami na akong napasukan na trabaho at isa na doon yung pag kanta ko rito sa resto bar.
Naisip ko na rin minsan na lumuwas ng Manila at doon na magtrabaho at higit sa lahat bumuo ng isang banda. Pangarap ko!
Pero nagkasakit si mama at hindi ko siya kayang iwan!
Alam kong may tamang panahon para diyan kaya inuuna ko muna ang pamilya ko at ang panginoon na ang bahala para matupad ko ang matagal ko nang pangarap.
Napatingin naman ako sa table ng kaibigan ko na si Angelo at nag smirk ako. Napailing na lang siya. Talo kase sa pustahan namin!
Bumaba na ako sa stage at pumunta sa table ng kaibigan ko.
"Ano, galing ko 'no? Oh akin na yung 300 pesos sa pustahan natin!" Sabay hampas ko sa kanang braso niya.
"Saglit lang" Sabi niya habang nakatawa at naiiling na lang habang may kinukuha sa bulsa niya.
Yes! Dagdag sa ipon ko 'to!
Nagpustahan kase kami ni Angelo na kapag maraming pumunta ngayong gabi at maraming pumalakpak ay bibigyan niya ako ng 300 pesos at hindi lang 'yan, ililibre pa raw niya ako sa paborito naming kainan!
Ang galing ko talaga! Kawawang Angelo palagi na lang natatalo sa pustahan.
Nang maibulsa yung pera ay bigla na lang akong tumitig sa kanya at nilagay ang dalawang kamay ko sa pisngi.
Sanay na ako na ganito kay Angelo. Magkaibigan kami simula nung elementary. Palagi niya kase akong pinagtatanggol sa mga bumubully sa'kin e at simula no'n palagi na akong nakasunod sa kanya.
"Anong oras tayo bukas sa tapsilogan?" Tanong ko at bigla naman siyang umiwas ng tingin.Napapansin ko 'to kay Angelo, kapag tumitingin ako sa mata niya iiwasan niya.
Baka naman may dumi ako sa mukha? Kaya siya umiiwas ng tingin kase nandidiri siya?!
Wow! Sa tagal naming magkaibigan!
"Bakit ba lagi kang umiiwas ng tingin?" Tinanong ko na syempre para makasiguro na rin ako edi ang dugyot ko pala kung sakali?!
"Ganda kase ng mata mo, naaakit ako" pabulong niyang sabi pero "ganda kase ng mata mo" lang yung narinig ko.
Ngayon lang humina boses ng kumag na 'to.
Sa tagal naming magkaibigan ngayon lang niya napansin, tsk!
Pero nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Kase naman isusumpa ko siya at kakalimutan ko na yung pagkakaibigan namin kapag hinayaan niya akong humarap sa maraming tao na dugyot!
My God! Hindi ko kakayanin ang kahihiyan!
Likas na singer tapos dugyot?!
"Akala ko pa naman may kung ano sa mukha ko!" Sigaw ko sa kanya.
Napatawa na lang siya.
Tsk!
Patuloy kami sa pag kukwentuhan ni Angelo nang biglang tumawag sa'kin si Tita Marie na taga Manila. Kinabahan naman ako kase hindi naman tumatawag si Tita pwera na lang kung emergency.
YOU ARE READING
My Probinsyana Girl
RomanceSiya si Cali Ramirez, Lily for short. Isang masipag at madiskarte na babae na taga probinsya. Kilala siya bilang isang manganganta. Bata pa lamang ay hilig na ni Lily ang pagkanta, sobrang ganda ng kan'yang boses at isa iyon sa pinagkakakitaan niya...